"Sige na nga. Baka si tatay pa ang mapagalitan dahil sa akin."

Napipilitan man ay tinunton ko na ang daan patungo sa mansyon. Malapit lang naman 'yon kung tutuusin. Hindi ako mahuhuli sa klase ko kung tanging ang pag abot lang naman kay tatay ng listahan na ito ang gagawin ko.

The white huge gate of the Monasterio Mansion is already open when I reached the property. Nagtuloy-tuloy ako sa pag pasok. Sa mismong malawak na terasa pa lang ay natatanaw ko na si tatay. Nakaharap ito sa gawi ko habang kausap si Sir Dashiel na nakatalikod naman.

Bumuntong hininga ako. Aaminin kong kahit nakatalikod siya ay napakalakas ng dating niya. Suot ang isang kupas na maong na pantalon, puting t-shirt na halos hapit at ipinapakita ang magandang hubog ng katawan niya, hindi maipagkakaila na maraming babae ang nahuhumaling sa kanya.

Ano pa nga ba ang nakakapagtaka roon? He's a city man, handsome and rich. Most of the women are probably after him. Namamangha lang talaga ako dahil sa totoo lang ay siya pa lang ang lalaking nakiya ko na ubod ng gwapo. Palibhasa ay bihira naman ako makakita ng taga Maynila.

"Dreya, nariyan ka na pala. Dala mo ba ang listahan?" si tatay na pumutol sa paglalakbay ng isip ko.

Tumango ako. "Dala ko na, tay."

Humakbang ako patungo sa gawi nila. Malayo pa man ay nakita ko na ang marahang pagpihit ni Dashiel sa gawi ko. Our eyes locked with each other. There's no trace of smile in his face, only sternness. Maging kahapon naman nang magpakilala siya sa aming lahat ay tipid na ngiti lang ang ibinigay niya.

"Magandang umaga po, Sir Dashiel." mahina ang boses na bati ko at may kaunting ngiti sa labi, naalangan.

Shoving his hands inside his jeans’ pocket, he nodded without any ghost of smile on his face.

"Morning..."

Lumunok ako at dinala ang tingin kay tatay. Inabot ko sa kanya ang papel na agad niyang kinuha.

"Papasok na rin—"

"Sandali lang, Sir Dashiel, iaabot ko lang po ito kay Abner," putol ni tatay sa akin bago ako nilingon. "Hintayin mo na ako, Dreya."

"Sige, tay."

Napakamot ako sa ulo nang mabilis na tumalikod si tatay at nagmamadaling umalis. Nakaramdam ako ng mas matinding ilang nang kami na lang ni Sir Dashiel ang naiwan habang nakatayo ako sa harapan niya. Tumungo ako, ang mga mata ay nasa lupa.

Tatalikod na ba ako? Baka naman sabihin niya ang bastos ko. Dapat siya ang mas maunang tumalikod para wala siyang masabi sa akin.

The heavens must have seen me looking stiff that it immediately heard my prayer. I saw Sir Dashiel's brown leather boots turned towards somewhere else.  Nakahinga ako ng maluwag saka nag angat ng tingin.  Nakita ko siyang may ilang metro ang layo sa akin, nakapameywang at tila may kausap sa cellphone.

"I'm already here, Zadriel." I heard him say.

Tumalikod na rin ako at naupo sa pasimano ng terasa. Ilang sandali pa at nakita ko ang paglapit sa akin ng ilang pusa. Panay ang huni nila habang nakatingin sa akin.

Kumurap kurap ako. "Nagugutom ba kayo? Ginugutom ba kayo dito?"

Muli silang gumawa ng ingay, sabay-sabay pa.

"May tinapay ako dito, ayos na ba iyon sa inyo? Pasensya na dalawa lang kasi ang baon ko. Tig isa tayo."

Kinuha ko ang tinapay sa bag at nagsimula itong himay-himayin bago inihagis sa mga pusa na ngayon ay nagkukumahog sa pagaagawan.

I heard a baritone chuckle that made me lift my head. I saw Sir Dashiel looking at my way, a taunting smirk was plastered on his pinkish lips.

"Did I just hear you talking with those cats?" he asked.

Monasterio Series #4: A Romance Blossomed In SiraoOnde histórias criam vida. Descubra agora