Ang Babaeng pinaanak ang sarili (Parts 1-2)

Start bij het begin
                                    

Nung time na yun habang naglilinis nag-iisip na siya ng magandang plano kung ano ang gagawin nya dun sa nilagay nya sa kahon ng sapatos. May naisip na siya. Narinig nya kanina na aalis sina Madam, pupuslit ako sa labas mamaya pag umalis sila  para magtapon ng basura. Isasama ko ang "kahon" sa mga basura. Yan ang plano ni Fatima.

Nung dumating ang hapon ay gumagayak na nga si Madam at sinabihan siya na aalis daw sila. Siya ang isinasama. Hindi nya inaasahan yun! Putcha pag ako ang sumama paano ko maitatapon ang box sabi ng isip ni Fatima. Nagdahilan daw ito na kesyo may gagawin pa at iba nalang daw ang isama. Naintindihan naman ni Madam okay na sana e.

Kaso ng palabas na sa pinto nun sina Madam at Lorna ng walang anu-ano'y may narinig silang uha ng baby. Malakas. Nasindak ang magandang mukha ni Madam. Nagkatinginan ang mga kasama nyang maid naisip siguro baka may multo. Sabi ni Madam saan yun? Ano yun? (tagalugin na lang) Pinahalughog daw ni Madam ang buong bahay at pinahanap kung saan nagmumula ang iyak. Dios ko po, si Lorna ang lakas ng kabog ng dibdib nya ng papalapit na sa store room kasi dun nagmumula ang iyak ng baby.

Dahan-dahan siyang lumapit sa bodega at sa bandang dulo sa sulok nakita nya ang isang kahon ng sapatos na nakatakip. Nilapitan nya ito at inangat ang takip ng kahon. Ganon na lang ang kanyang pagkabigla, may baby nga na nasa loob ng kahon ng sapatos! Hubo't hubad na sanggol. Marahil ang baby ay gutom na kaya ito umiiyak, ang lakas ng kanyang iyak. Nangitim ito sa kakaiyak. Kinuha ni Lorna ang kahon at bumaba, ipinakita sa lahat ang laman ng box.

Siyempre nabigla ang lahat. Galit na galit si Madam sa nangyari. Si Fatima ay parang pinako sa kanyang kinatatayuan. Tinanong kung kanino ang batang nasa box. Walang gustong magsalita sa mga maid. Agad-agad na nagpatawag ng pulis si Madam parang gusto nyang maloka sa mga pangyayari ng araw na yun. Nagkaroon ng imbestigayon at nalaman ng lahat kung ano ang totoo.

Si Fatima ay nakakulong ngayon sa Saudi kasama ang kanyang baby. Nabalita ito sa mga Pinay doon para huwag nilang pamarisan. Ang ibang Pinay ay nahihiya sa ginawa ni Fatima. End of Ate Len's story.

Nakakalungkot dahil sa ginawa nya pati baby ay nadamay.

P.S
Yung Part 2 ng Galit na galit ang langit di pa tapos.

Part 2

Hello guys this is Faith of Pampanga. Pasensiya na po natagalan ang pag-post ko. Pag weekends kasi umuuwi si hubby from work at iniiwasan kong mag-cp. Thank you po sa lahat ng nakaka-appreciate ng mga stories ko. Eto na po ang kasunod.

So dahil nag-request yung iba ng Part 2 at gustong malaman kung ano ang nangyari sa baby, nag-videocall ako sa pinsan ko nung Friday, 10am sa kanila sa Saudi at kasalukuyan siyang nagba-vacuum. Sa atin oras ng pahinga 3pm, kaya free ako. 

Me: Ate pasensya na ha may nagtatanong kasi tungkol sa bata kung ano ng nangyari sa kanya? Pwede bang pakilinaw ang lahat kasi hindi lang ako ang curious sa nangyaring ito (grabe lumabas pa akong intrigera haha).

Ate Len's POV:

Nang gabing yun na manganak si Fatima yung kwarto kasi ng maids at store room ay magkatabi. Si Lorna (kasamang maid ni Fatima sa bahay, may dalawa pang maids na nakabakasyon lang sa kanila) daw ng nakahiga na sila parang may naririnig na maliit na iyak ng baby. Natakot siya akala nya multo.

Kinabukasan ng 2pm ngang paalis na sina Madam at marinig nga yung umiyak at mahanap ang baby nagalit ang Madam nila at pinapaamin kung kaninong anak yun. Walang gustong umamin, takot na takot ang tatlong maids pero si Fatima hindi pa talaga umamin. Nakisama siya sa pagtanggi. Galit na galit si Madam pero naaawa siya sa bata kaya pinabili nya ito ng gamit like damit, diaper at gatas pati feeding bottles. Hindi agad dumating ang mga pulis non. Two days pa bago dumating. Halinhinan ang mga maids sa pag-aalaga sa bata.

After 2 days nga ng nandiyan na ang pulis galit sila dahil lumabag sa batas ang ina ng bata. Pinaalala na mabigat na parusa ang ginawa nya dahil narito siya para mag-dh. Sinabi na umamin na ang nagluwal sa baby para huwag na lalong lumalim ang parusang ipapataw.

Bawal ang prostitisyon - yan ang nilabag nyang batas.

Mahigpit ang batas sa Saudi, marami tayong kababayan na nakakulong dun dahil alam na kung ano ang bawal ginagawa pa nila. Like sugal, alak, pumatay ng kababayan o arabo, pagnanakaw at marami pang iba.

Si Fatima ay nakulong kasama ang bata. Aampunin sana ni Madam ang baby kasi naawa kung pati baby makukulong. Kaso napansin nyang there's something wrong with the baby. Kaya kasama ni Fatima sa kulungan ang bata.

Tinanong si Fatima ng pulis sino ang ama ng bata sinabi nya Pinoy. Pero sa akin ay inamin nya ang totoo na ang ama ng bata ay kapatid na lalaki ng amo nya, binabayaran siya nito. Yung amo ng dalawang maids na nagbakasyon sa kanila.

Isang taon siyang nakulong at may araw na schedule para parusahan siya, Friday oo. Hinahataw siya ng kawayan sa likod dahil sa ginawa nyang paglabag sa batas ng Saudi Arabia. Sa bawat hataw ng kawayan di nya alam saan ibabaling ang katawan nya sa sobrang sakit. 100 hagupit daw. Tutulo nalang ang luha nya. Isang taon siyang nagtiis. Sa isang taon na yun parang mawawala na ang katinuan nya sa bawat Friday na mapaparusahan siya. Sa pagkakakulong nya dun siya lumapit sa Dios at humingi ng tawad sa nagawa nyang kasalanan.

Marami siyang nakilalang Pinay dun sa kulungan na kasama nyang lumabag sa batas. Yung iba ay dahil uminom o kumain sa public ng Ramadan. Yung iba mas mabigat, nagnakaw. Naputulan daw ng daliri. Yung isa pumatay kaya naka-schedule siyang mabitay.

Nalibang ang mga inmates ni Fatima dahil sa bata.

Makalipas ang isang taong kalbaryo nya, inayos ang lahat para ma-deport na siya sa Pilipinas kasama ang baby nya. Pinagawan ng passport.

Alam na ng family nya sa Cebu ang ginawa nya. Yung mister nya hindi na siya kayang tanggapin lalo na at kumalat sa bayan nila ang ginawa nyang kasalanan kaya nakulong dahil nabuntis ng lalaking Arabo.

Pag-uwi nya ng Pinas nag-stay siya sa Manila at namasukan bilang maid, nakipapag boyfriend pa rin siguro dahil naghahanap ng katuwang. Kasama pa rin ang bata.

Sa paglipas ng mga taon na kasama nya si baby, napansin nyang hindi ito nagsasalita. Ngayon ay 4 yrs old na ang bata pero di pa rin ito nagsasalita.

Si Fatima naman ay di na namamasukan ngayon. May kinakasama na siyang kapampangan at sa Pampanga na nakatira.

End of Ate Len's POV.

Nakita ko nga ang picture ng bata, ang guwapo nya mukhang arabo. Malaki na siya ngayon pero nakakalungkot na di pa rin siya nagsasalita. Nakakabasag lang ng puso para sa katulad nating ina dahil pati bata ay nadamay.

Pero sa kabilang banda buksan natin ang isip at puso natin sa katotohanan. Oo nagkasala si Fatima at nagkataon dun siya sa ibang bansa nagkaganun. Huwag na po tayong lumayo, dito sa Pinas marami ring Fatima na dahil sa pera ay ginagawa yan. Para mabuhay ang pamilya.

Traveler kami ng Mister ko bago dumating ang pandemic, may mga bansang narating kami na nakikita namin ang mga Pinay pag-off nila may kasamang mga foreigner. Like sa Singapore, sa Lucky Plaza. Sa Malaysia, marami rin. Sa Israel din kung saan pinanganak si Jesus, mga kapwa Pinoy naman ang jowa ng Pinay pero karamihan mas gusto ang Israeli dahil sa pera. Kaya yung ibang bansa mababa ang tingin sa mga Pinay. Hanggang dito na muna.

Lesson: Hindi dahilan ang kahirapan para gumawa ka ng kasalanan na magiging batik sa pagkatao mo at habang buhay mong pagsisisihan. Kawawa ang mga madadamay lalo na kung bata na walang muwang.

Faith ♥️
Pampanga

Scary Stories 5Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu