Chapter 3 : Anger management

Magsimula sa umpisa
                                    

Ngayon ko lang napansin na madilim na pala dito sa labas. Tatakbo sana ako papunta sa police station pero bigla akong tinawag ni Ponzi at nakita ko siyang papaalis na sakay ng motorsiklo niya.

"Anyare sayo? May bubugbugin ka ba?" Patawa-tawa niyang sambit pero inirapan ko lang siya.

"Ihatid mo ako sa police station kung ayaw mong ikaw ang bugbugin ko." Hindi ko na siya hinintay pang pumayag. Dire-diretso na akong nakisakay sa motorsiklo niya kaya wala na siyang nagawa pa kundi sundin ako.

- - - - - 

May sinasabi si Ponzi pero hindi ko na siya sinasagot pa, baka mamaya mamura ko pa siya ng bongga. Kailangan kong ireserve tong galit ko para full force ang pagbi-bitch fit ko sa mga hayop na tumawag sa parents ko. Langya sila, hindi na nga nila ako tinulungang hanapin ang bestfriend ko tas ngayon sila naman ang dahilan kung ba't ko siya lalong hindi mahahanap. Kasalanan nila 'to, dapat hindi nila tinawagan ang mga magulang ko.

Naramdaman kong huminto ang motorsiklo. Andito na pala kami sa labas ng police station.

"Sisa ano bang ginagawa natin dito?" Iritadong tanong ni Ponzi pero muli, hindi ko siya sinagot at dire-diretso akong pumasok sa police station kung saan naabutan ko ang tatlong pulis na nagkakape habang nasa lobby. Sila rin yung mga nakakita sakin kaninang madaling arawl.

"Hoy mga amahing baboy! Sino sa inyo ang bagong hepe?!" 

Nagulat sila sa bigla kong pagdating pero agad namang nagtaas ng kamay ang isa sa kanila.

"Hija, ikaw na naman pala." Aniya at bigla na lamang napaubtong-hininga. Naalala ko siya. Andito rin siya kaninang madaling araw nang sumugod ako dito na duguan. Isa rin siya sa mga nilapitan ko noong bago pa lang ako dito at hinahanap ko si Julia.

"Hija 'wag kang mag-alala, ano mang oras--"

"Oh shut up! Humingi ako ng tulong sa inyo noon! Nagmakaawa akong hanapin niyo ang bestfriend ko pero hindi niyo ginawa! Humingi ako ng tulong o kahit na simpleng impormasyon pero may ginawa ba kayo?! Diba wala!" Napasinghal ako at dinuro siya, "Pare-pareho lang kayong walang kwenta! Oo nga hindi ako inatake ng Crimson Ripper pero gaano kayo kasiguradong patay na siya?! I was doing you a favor! I was giving you a warning kasi ayokong may mamatay muna ulit bago kayo umaksyon! Mga wala kayong kwenta to the Nth power! Pakyu! And you! And you! And you! Pakyu all with feelings!---"

"Sisa tama na! Sisa!" Pilit akong hinihila ni Ponzi palayo, muli kong tiningnan ang mukha ng mga pulis at mukhang balewala lang sa kanila ang mga sinasabi ko kaya napabuntong-hininga na lamang ako at sumunod kay Ponzi palabas.

"Sisa kalma lang, tama na--" Sa isang iglap, para akong nabingi sa kapaligiran. Nang makalabas kasi kami sa mismong pulis station, nakita ko ang isang police car na mukhang bagong-bago pa and just like that, its as if may bumbilyang lumiwanag sa brain ko.

"Hey Zosimo, wait lang." Ngumisi ako at pilit siyang pinabitaw sa kamay ko.

"What's with the smirk?" Tanong ni Ponzi na para bang kinakabahan.

Nilibot ko ang paningin ko at nakita ko ang isang mahabang tubo na nagsisilbing harang sa gulong ng isa sa mga saskayan. Binggo! bwahahaha!

"Sisa 'wag!" Hindi na ako nagpapigil pa kay Ponzi. Hawak ang bakal na tubo ay huminga ako ng malalim at tumingin saglit sa loob ng police station.

Nagtama ang tingin namin ng bagong hepe ng mga pulis at nakita ko ang takot sa mukha niya. And being sisa that I am, ngumisi lamang ako sa kanya at nag-peace sign sa kanya bago tuluyang paghahampasin ang windshield at bumper ng kotse.

Parang musika sa tenga ko ang tunog ng nababasag kong salamin at parte ng kotseng yumuyupi. Hampas lang ako ng hampas, pakiramdam ko unti-unting umaangat ang bad vibes paalis sa utak ko. Ang saya! hehehe.

Nagpatuloy ako sa paghampas nang bigla kong maramdaman ang pagdaloy ng kuryente sa katawan ko. Parang namanhid ang buo kong katawan at para bang tinakasan ako ng lahat ng lakas ko. Namalayan ko na lamang na humahangos ako habang nakahiga sa kalsada at nakatitig sa kalangitang tadtad ng mga bituin.

-----

Naramdaman kong parang may humawak sa noo ko. Wala paring lakas ang buo kong katawan, hindi ako makagalaw at napakasakit ng ulo ko. Hirap man, unti-unti kong idinilat ang mga mata. Malabo ang paningin ko pero siguradong-sigurado ako kung sino tong nasa tabi ko.

"D-dustin?" Wala halos boses na lumalabas mula sa bibig ko. Dahil sa wala na akong lakas at dahil narin sa labis na gulat.

"'Wag ka na ngang magsalita. Pasensya ka na hindi na kita maigaganti sa baboy na 'yon, nangako kasi ako kay Ate na hindi na ako maghihiganti pa." Aniya at ngumiti ng pagkatamis-tamis. Yung precious heart ko tuloy kilig na kilig. Ang pogeeeeee!

"Dustin tara na! Kailangan na nating umalis!" Narinig kong may nagsalita pero hindi ko makita kung sino ito. Hindi ako makagalaw.

"Sisa 'wag kang mag-alala, hindi mo pa kailangang umalis dito sa Crimson Lake. Gumawa na ako ng paraan, hindi ka pa matutunton ng parents mo." Aniya saka kumaway sakin na para bang nagpapaalam.

- - - - -

Napasinghap ako't napabalikwas. Tagaktak ang pawis ko't panay ang habol ko sa hininga ko.

"Easy. Okay ka lang ba? Kamusta na ang pakiramdam mo?" Tanong ni Ponzi na nakaupo pala sa gilid ko.  Tinulungan niya akong umupo ng maayos at sumandal sa headboard ng kama.

Hindi ko maintindihan ang nangyayari kaya nilibot ko ang paningin ko at napansin kong wala ako sa basement na siyang kasalukuyan kong tinitirhan. Tiningnan ko ang suot ko, i'm now wearing this super tacky hospital gown. What the hell? Why am I here at the hospital?!

Nagulat ako nang bigla na lamang tumawa si Ponzi at naupo sa paanan ko. Tawa lang siya ng tawa kaya kahit hindi ko alam bakit, natawa rin ako. 

"Bakit tayo tumatawa?" Tanong ko habang pinipigilan ang sarili kong lalong matawa.

"You are now the coolest person I met." Aniya at napapailing-iling pa sa sobrang pagtawa.

"Cool na maganda pa! O diba!" Pagmamayabang ko pa. "Anyare ba?"

"You got tazered by a fat cop." 

I got tazered by a cop?! Oh my God! I got tazered by a cop! That sounds so badass! I love it! Ang cool niyan pag nilagay ko sa resume ko! Wohoo!

"Cool bruh!" Agad akong nakipag-high five kay Ponzi. Tawa kami ng tawa pero nagulat na lamang ako nang bigla siyang natahamik at napatingin sa kawalan.

"You're under arrest though."

Oh fuck.

END OF CHAPTER 3.

THANKS FOR READING!

VOTE AND COMMENT <3

The girl who cried murder tooTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon