Chapter 4

43 12 5
                                    


Maria POV.

Minulat ko na ang  mga mata  ko at ng  tatayo na sana ako ng bigla kong maramdaman na para bang may nakapatong sa akin na mabigat kaya sinulyapan ko ito.

Nakita ko na nakayakap sa akin si Anthony, kaya tinangal ko ito sa pagkaka pulupot sa aking bewang.

Nang tuluyan ko nang  makaalis ay tinanaw ko ang paligid mula sa bintana at nasilayan ko ang mga batang naglalaro na para bang wala silang iniisip na problema.

Nakakaingit man isipin pero nais niyang maging katulad ng mga ito na malayang gawin ang kung anong nais.

Pinunasan ko ang luhang pumatak sa aking pisngi hindi ko nais na suwayin ang  batas ng aming lugar pero gusto ko ulit maging masaya yung walang magdidikta na kahit sino.

Bumaba ako  at hinayaan kong natutulog si Anthony sa aking higaan.

Nakita ako nila nathalie pero hindi ito nagusisa pa, lumabas ako at naramdaman ko ang simoy ng hangin na tumatama sa aking mukha.

Ang aking mahabang buhok na tila'y sumasayaw sa Awit ng mga ibon.

Napakapayapa kung titingnan. Isang matiwasay na baranggay ang na puntahan nila.

Napapikit parin siya ng biglang may narinig na isang ugong na isang bagay kaya agad niyang iminulat ang mga mata pero huli na dahil mabilis ang nagmamaneho nito.

Nasa gitna siya  ng daan kaya hindi nito kasalanan ang nangyari. Hindi siya nahagip dahil mabilis nitong na minor ang motor na sinasakyan. Lumapit ito sa kaniya at para ba siyang nangilabot sa lamig nang titig nito sa kaniya.

Miss anong trip mo at sa gitna ka pa natulogInis na  sabi nito.

Ramdam ko na gusto nitong pagbuhatan siya ng kamay kaya napapikit na lang ako. Nang maramdaman kong may pumigil sa gagawin nito.

Hindi niya kasalanan ang nangyari, paumanhin kung ika'y naabala misterDumilat ako at nakita ko na si Anthony ang sumalo ng kamay ng stranghero. Nakahinga ako ng maluwag sa nangyari.

Hindi niya kasalanan? Are you sure? Kung hindi kasi tatanga tanga dapat sinagasaan ko na yan eBulyaw nito sakin. Naramdaman ko na parang may pumatak na tubig sa aking pisngi at ng hawakan ko ito ay nakita kung luha ko na pala ito.

Nakita din ito ni Anthony kaya hindi siya nakatiis na ilapit ako sa likod niya.

Ipag paumanhin niyo ang nagawa ni maria, pero hindi naman tamang sigawan niyo siya. Mahinahon na sabi ni Anthony.

The Sky IslandWhere stories live. Discover now