Chapter 3

50 14 16
                                    

Anthony POV.

Minulat ko na ang aking mga mata dahil nararamdaman kung sumikat na ang araw at nararamdaman ko medyo mahapdi na sa balat kaya umunat unat ako habang ginigising ang aking diwa.

Lumingon ako kung saan si maria, at napansin kung mahimbing parin ang kaniyang tulog.

Kaya hinayaan ko na siya dahil kunting oras lang ang tulog namin dahil kakahanap ng matutuluyan kaya dito kami sa parang kubo na luma na at para bang walang nakatira.

Hindi sinasadya ay nasulyapan ko ang namumula at puno nang sugat ang mga paa niya.

Luminga linga ako kung may mga mortal ng nasa paligid kaya ng wala naman ay hinawakan ko ang kaniyang maputing paa at mapulang pula na sakong dahil pakiramdam ko ay namamaga na ito dahil kakalakad namin sa mababatong daan.

Kaming mga anghel ay may kapangyarihan na hilumin ang mga sarili naming sugat pero hindi ko alam kay maria kung bakit ang tagal himilom ito.

Natapos ko na yung isa ay yung kaparis naman. Pagkatapos ko siyang gamutin ay nag hanap ako na p'wede niyang pansapin at nang may nakita ako ay nagiwan ako ng isang pilak na bilang kapalit ng kinuha ko.

Hindi kami maari kumuha ng hindi samin kaya bilang kapalit ay isang pilak na lang ang iniwan ko.

Alam kung hindi napansin ni maria na nagiwan ako ng dalawang pilak na ginto sa pinagkuhanan namin ng among kasuotan.

Nangangamba ako dahil sa pagsuway namin sa sky island ay mapahamak si maria at ako.

Pabalik na ako ng makita ko siya na mukhang kagigising lang.

Napaka ganda talaga niya.

Nilapitan ko siya at inabot ko yung nakuhang pangsapin sa maliit niyang paa.

Kulay bughaw ito at mas lalong lumitaw ang puti ng kaniyang mga paa.

Imbis titigan ko ay inabot ko ang aking kamay sa kaniya dahil mas komportable ako na hawak ko ito.

Hindi naman ito nagatubili pa sa alok ko ay hinawakan niya ito.

Napansin ko na medyo namumula siya kaya pa-tago na ngumiti ako.

Nasa unahan ako na naglalakad ng may makapansin samin na mga kabataan.
Isang grupo na Maraming kulay ang mukha. Medyo naalangan ako sa pag titig nila dahil para ba akong putahe na kakainin.

Naramdaman ko na humigpit ang hawak ni maria sa kamay ko, kaya nilingon ko ito at binigyan ng simpling ngiti na lagi kong ginagawa.

Nilapitan kami ng limang kababaihan na medyo maiiksi ang kasuotan na para bang nagkulang sa tela ito. Nagulat na lang ako ng bigla itong lumapit sakin na para bang aamoyin ako.

Jusko mahabagin, iiwas niyo po ako sa tukso na dalangin ko na lamang.
Napatulala na lang ako na may lumitaw na sapatos sa aking mukha, nagtaka ako kung para saan iyon.

Nagtawanan ang mga babae kaya pakiramdam ko ay naiinis na itong kasama ko dahil ang titinis ng mga boses na napaka sakit sa pandinig.

Hi! Lover boy. Ang pogi mo naman, sama ka samin at parang bago kayo dito sa aming baranggay dahil ngayon lang namin kayo nakita ng iyong girlfriend? " Nakangiti niyang sabi.

The Sky IslandWhere stories live. Discover now