Anino (Parts 1-3)

Start from the beginning
                                    

Bigla akong napamulat at litong tumingin sa paligid. Nananaginip lang pala ako pero pakiramdam ko ay totoo ang lahat. Nasa expressway pa kami nun at halos tulog din ang mga kasama ko. Ginising ko si Marcy at ikinuwento ko sa kanya yung panaginip ko. Habang nag-uusap kami ay biglang itinaas ni Marcy yung mga paa niya dahil parang may gumapang daw sa bukong-bukong niya. Tiningan niya yung ilalim ng upuan namin pero wala naman siyang nakita. Nag-pray kaming dalawa at pagkatapos ay nagpasyang matulog na lang ulit. Nang mag-stopover kami sa La Union, ayaw ko sanang bumaba dahil naalala ko yung panaginip ko pero ihing-ihi na ako kaya napilitan din akong bumaba. Nagpahuli kami ni Marcy at inalalayan niya ako habang papalabas ng sasakyan. Nung nakalayo na kami sa van, kinukulit ko si Marcy na tumingin sa ilalim. Ayaw niya nung una pero napilit ko rin siya. Nang wala namang kung anong kakaiba sa ilalim ng van, nagtawanan kami saka pumasok na sa CR.

May malaki at pahabang salamin sa harapan ng sink. Kung nakaharap ka sa salamin, makikita mo yung mga cubicles na nasa likuran mo. Nauna akong natapos umihi kay Marcy. Habang naghuhugas ako ng kamay, napansin kong unti-unting bumubukas yung pinto ng dulong cubicle. Nilingon ko iyon at nang walang lumabas mula roon, naisip ko na baka hangin lang pero medyo kinabahan pa rin ako. "Marcy, dalian mo," tawag ko sa kapatid ko habang nakatingin pa rin sa dulong cubicle. "Wait lang, ayaw sumara ng zipper ko," sagot niya. Pinabukas ko yung pinto at tinulungan siya. Pumunta kami dun sa mini mart kung saan namimili ng mga chichirya yung mga kasama namin. Dun ko napansin yung anak ni Ate Maui na may handprint sa binti. Maputi kasi yung bata kaya kitang-kita yung namumulang bakas ng kamay na parang merong tumampal nang malakas sa binti niya. Sabi ni Ate Maui ay baka kinamot lang daw iyon ng anak niya. Hinayaan na lang din namin dahil hindi naman daw masakit at nagsimula na rin itong mag-fade.

Nang makarating kami sa Baguio, namasyal kami at kumain maghapon. Bandang 4pm na nang magpahatid kami sa transient dahil pagod na ang mga kasama naming bata. For privacy reasons, hindi ko po babanggitin ang pangalan at specific location ng transient house na tinuluyan namin. Nasa loob ito ng isang gated subdivision wherein most houses are really huge at pangmayaman talaga. Dalawa yung transient houses na nirentahan ng client namin. Yung isa ay para sa team nila at yung isa naman ay para sa amin. Magkatabi lang ang mga ito at halos identical dahil iisa lang ang may-ari. May tatlong palapag ang transient house. Nasa labas ang dining area dahil bawal kumain sa loob. Bawal ding magpasok ng footwear dahil hand scrubbed daw ang sahig. Pagpasok sa loob ay naroon ang sala at malaking kusina. Sa tabi ng kusina ay naroon ang banyo. May pinto rin dito na palabas sa may side ng bahay na nagsisilbi ring dirty kitchen. Sa gilid ng sala ay naroon ang hagdan paakyat. Isa lang ang bedroom sa 2nd floor at walang ibang mga gamit. Empty space lang siya na pwedeng latagan ng mga mattresses. Meron ding glass door palabas sa balcony kung saan tanaw mo yung ibang mga bahay sa bandang dulo ng subdivision.

Kanya-kanya kaming hanap ng pwesto. Inayos namin yung mga foam wherein ang mga ulunan namin ay nasa magkabilang pader kaya may free space sa gitna mula sa hagdanan hanggang glass door. Sina Ma'am Cath at yung family niya ang nag-stay dun sa bedroom. Nang maayos na namin yung mga higaan, naglupong-lupong yung iba sa gitna at kinain yung dala naming chitcharon. Sinaway sila ni Marcy dahil bawal kumain sa loob at baka mangamoy suka pero hindi sila nakinig. Sinenyasan ko si Marcy na hayaan na lang sila. Mas matatanda kasi sila sa amin kaya minsan parang naaasiwa sila kapag pinupuna namin sila ng kapatid ko. Bumaba na lang kami ni Marcy at nag-picture-picture sa sala. May pagka-vintage theme yung interior ng bahay at mga wooden antiques yung mga furnishings nila.

Nagulat kami ni Marcy nang biglang maghabulan pababa yung mga kasama namin. Kumalabog talaga yung hagdan sa sobrang pagmamadali nila. "Napaano kayo?" tanong ni Marcy. Sumiksik sa amin yung ibang mga bata habang nakatingin sila sa hagdan. "May narinig kaming naglalakad sa 3rd floor eh," sabi ni Ate Pai. "Tapos parang may tumatawa na ewan," dagdag pa ni Kuya Bok. Sumulyap sa akin si Marcy pero nagkibit-balikat lang ako dahil wala naman akong nararamdamang kakaiba sa bahay. Maya-maya ay bumaba sina Boss Neil at yung mga anak niya na may kasamang dalawang babae at isang gay. Employees sila ng client namin na lumipat sa 3rd floor ng transient namin dahil siksikan daw sila sa kabila. Later on, kinausap sila ni Ma'am Cath na bumalik na lang sa transient nila para may privacy kami.

Scary Stories 5Where stories live. Discover now