1. Mahal, Pangako (Tula)

505 7 0
                                    

***START***

Mahal sana di na magbago,
Ang pag-ibig na inalay mo.
Mahal sana hindi na kukupas,
Pagmamahal mo sana'y di na lilipas.

Tunay ang pagmamahal ko sayo,
Kahit pa itaga natin sa mga bato.
Mahal ko ang mga kamalian mo,
At minahal kita sa lahat ng anggulo.


Ang araw ay iikot sa mundo,
Ang buhay ko ay iikot lang sayo.
Di man tayo laging magkasama,
Ikaw lang ang mamahalin ko't wala ng iba.

Mahal sana walang mang-iiwan,
At sana din walang maiiwan.
Ang pangako nating walang bibitaw,
Ay matutupad pagdating ng araw.

Ikaw ang gusto kong makasama,
Sa hirap man, Kalungkotan at saya.
Upang aking ipakita sa buong mundo,
Kong gaano kasaya sa piling mo.

Mahal kita...
Minamahal kita...
Mamahalin kita...
Ikaw lang wala ng iba...

***END***

Ayiieett. This Poem is dedicated sa mga may jowa 😅

naisipan ko lang e publish kasi sayang e. Ang dami ko ng nagawang Tula dati at dahil tanga ako nawala ang notebook ko nawala lahat 😔

kaya bago pa mawala to epopost ko na 😅

Thank you for reading ☺

-Yowlabmeee❤

My Poems (Compilation)Where stories live. Discover now