Hindi ko alam kung ano ang pinaglalaban nila kaya tinignan ko ang kambal ng masama.

"Why? You said you treat me as your brother? Why you can't call me Kuya then?" malamig na sabi ni Von.

Madilim ang ekspresyon nito at nakakunot ang noo. His thick eyebrows are screaming coldness. His pointed nose is shouting for strength. And I think the only soft part of his body is his red lips.

Umigting ang panga ko at ibinaba ang unan sa sofa, na ginamit ko kanina.

"Kuya Von." sambit ko sakanya. Para matahimik na sila, at para matapos na rin kung ano man ang pinaglalaban nila.

"Oooh, Kuya Von." si George.

"Damn, indeed brotherzoned." sabi naman ni Jorgy at nag-apir nanaman silang dalawa.

Inirapan ko na lang ang mga ito at kinuha ang bowl na ginamit namin kanina na lalagyan ng popcorn. Pumunta ako sa kusina ng mansyon.

Ewan ko kung bakit nakaramdam ako ng iritasyon ngayon. Bakit hindi na lang kasi siya umakto na close rin kami. Tss.

"Annicka, pwedeng pahugas muna nitong mga baso? Naje-jebs ako!" sabi ni Ate Sabel saakin pagkarating ko doon.

Agad akong tumawa sakanya at tumango. Tumakbo naman ito.

Hinuhugasan ko ang mga baso dito at inisip na lang ang nalalapit na pasukan namin. Kinakabahan na rin ako at hindi mapakali. Kakayanin ko kaya ang kurso ko?

Syempre, Annicka. Kakayanin mo yan!

May mga gamit na rin akong nabili noong isang araw. Dalawang linggo na lang at nasa kolehiyo na talaga ako. Isang bundok na lang, papasok na talaga ako sa totoong buhay.

Muntik kong mabitawan ang baso na hawak ko ng may naramdaman akong tao sa likod.

Dumapo ang kamay ni Von sa lababo, malapit sa baywang ko. Alam kong siya iyon, dahil siya lang ang may singsing sa hintuturo sakanilang lima.

Tinignan ko siya at nanlalaki ang mga mata ko.

"Why?" inosente nitong tanong.

Anong why? Ang lapit niya kaya saakin! Naiilang ako! Hindi ako nakasagot sakanya at parang umurong ang dila ko.

Umigting ang panga nito at ngumisi, na para bang may bigla itong naisip. Na para bang may balak.

Nakalimutan ko na rin ata na naghuhugas pala ako ng baso kaya umiwas ako sakanya ng tingin at babanlawan na lang ang mga baso. Nananaginip ata ako eh.

Pero nasa likod ko pa rin siya at hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Napalunok ako dahil inilagay nanaman niya ang isa niyang kamay sa lababo. Na para bang kinukulong ako.

My heart boomed. I bite my lips because of it. What if someone will saw us in this position? I'm washing the glasses while Von's behind me, he's trying to limit my movements.

Nagulat ulit ako ng maramdaman ko ang paglapit nanaman niya, feeling ko wala na kaming space.

"You said you're comfortable with me. Then why your expression's saying otherwise?" bulong nito sa tenga ko.

Agad akong napatigil sa paghuhugas ng baso. Natulala ako doon at tinitigan na lang ang tubig na tumatama sa aking kamay at sa baso na hawak ko. Gumalaw ang kanang kamay ni Von at pinatay ang faucet.

"Save water, baby girl." he whispered again.

Naamoy ko agad ang mouthwash niya at nasa gilid ng pisngi ko ang mukha niya.

Pero ang mga sinasabi niya ay agad na umatake saakin papunta sa puso ko, kaya ito nagwawala. Gustong lumabas, gustong tumakbo.

"V-Von, ang lapit mo." kinakabahan kong sabi.

Tinignan ko siya sa gilid ng mga mata ko. He smirked then he clenched his jaw, as if I offend him.

"Akala ko ba kapatid ang turing mo sa akin gaya nila?" malamig na sabi niya. Hindi pa rin nagbabago ang posisyon naming dalawa.

"So kapag silang apat, pwedeng lumapit sayo ng ganito. Pero ako hindi? Pag sa kambal, komportable ka. Pero ako hindi? Pag si Ron tumabi sayo, ayos lang? Pero ako hindi? Pag si Neville ang kasama mo, ayos lang? Pero ako hindi? Ganoon ba iyon?" he said, darkly.

Na para bang kinikimkim nito, na para bang matagal na niyang gustong sabihin. Ewan ko kung bakit din namumuo ang mga luha sa mata ko.

"Hmm, Annicka? Answer me. You're being unfair."

I pursed my lips. Don't answer hin, Annicka.

"Kasi naiinggit ako. Naiinggit ako sakanila."

Escaping From Dela VegaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon