Stranger Danger (Parts 1-2)

Mulai dari awal
                                    

Then, nung huminto yung jeep namin dahil sa stoplight, tinanong niya ako kung pwede ba niyang kargahin si Baby. Naisip ko nun na baka kapag hawak na niya ang bata ay bigla siyang bumaba at tumakbo palayo pero umoo pa rin ako dun sa babae. Naiiyak na ako nun dahil sa sobrang takot kasi ayaw ng isip ko pero napapapayag niya pa rin ako. Nung akma na niyang kukunin si Baby, nanginginig yung mga daliri ko kaya iniyakap ko yung mga kamay ko sa magkabila kong braso. Bale nakakulong si Baby sa loob ng mga braso ko kaya hindi niya nakuha mula sa akin. Nung pilit pa rin siyang nakikipaglaro kay Baby, kinuha ko yung mga gamit ko at umusad papunta dun sa bandang gitna nung upuan. Sumunod naman yung babae at this time, nag-offer siya na hawakan yung mga gamit ko para raw hindi ako mahirapan. Inaabot niya yung shoulder bag ko pero itinulak ko yung kamay niya. Nagulat yung babae dahil hindi siguro niya in-expect na magre-resist ako sa gusto niya. Nakatitig siya sa akin kaya nilabanan ko yung titig niya. Ang bigat sa mata, para akong inaantok pero pinigilan ko na wag magbaba ng tingin. Sa loob ko nun ay nagdarasal ako na walang mangyaring masama sa amin ni Baby.

Hanggang sa nag-iwas na ng tingin yung babae at yung kamay ulit ni Baby ang hinawakan niya. Bumitaw yung babae dahil tinapik nung matanda na nasa harapan ko yung kamay niya. Tinanong ako nung matanda kung kakilala ko ba siya at sinabi kong hindi. Pinalipat niya ako sa tabi niya kahit umaandar yung jeep. Kinuha nung lalaki yung mga gamit ko at inalalayan kami ni Baby na makalipat sa side nila. Nung nakaupo na kami, sinabi nung matanda dun sa babae na wag kaming susundan. Pumara yung babae at mabilis na bumaba. Nilingon kami nung driver at tinanong kung anong problema. Sabi nung lalaki, muntik na raw akong mabudol-budol. Napaiyak na ako ng tuluyan nun at hinaplos nung matanda yung likuran ko. Akala raw niya kakilala ko talaga kasi nagkukwentuhan kami nung babae. Napansin lang daw niya nung pilit niyang kinukuha si Baby at yung gamit ko at ayaw kong ibigay. Nung pababa na ako, nagpasalamat ako sa matanda at dun sa lalaki.

Pagdating namin sa bahay nina Jen, sumakit ng sobra yung ulo ko na parang pinupukpok. Putlang-putla raw ako nun at nagsusuka. Hinilot ng bayaw ni Jen yung ulo ko at hinampas ako ng dahon ng guyabano dahil baka raw nausog ako. Nung medyo nahimasmasan na ako, kinuwento ko sa kanila yung nangyari sa jeep. Sabi ng biyenan ni Jen, may mga nambubudol daw na parang hini-hypnotize yung mga biktima nila para mapasunod sa gusto nilang mangyari. Mabuti na lang daw at mas malakas yung spirit ko. At kaya raw siguro sumakit yung ulo ko ay dahil nilabanan ng isip ko yung pagkontrol nung babae sa akin. Ang kaso lang, hindi ko maalala yung itsura nung babae. Sa pagkakatanda ko, presentable naman siyang tingnan at may hawak na cellphone pero yung detalye ng mukha niya, di ko maalala. Nung una, nandon pa rin yung idea na baka may memory problems yung babae at napagkamalan lang talaga ako. Pero sa pag-recall ko sa mga nangyari, it's too much to be just a mere coincidence. Nandon yung feeling na may plano talagang hindi maganda yung babaeng nakatabi ko sa jeep.

After a week, nabalitaan namin na yung nanay ng workmate kong si Alice ay nabudol din. Ang nanay kasi ni Alice, mahilig magsuot ng mga alahas. Kahit nga nasa bahay lang siya, talagang gumiginto yung katawan. Nasa palengke raw siya nun at bumibili ng mga gulay. May babaeng lumapit sa kanya at nagmano. Nagpakilala raw siya na kaklase ng anak niya. Tapos, nag-offer daw yung babae na sumabay na ang nanay ni Alice sa kanila dahil papunta rin naman daw sila sa same direction. Nung nahimasmasan daw ang nanay ni Alice, nasa may side na siya ng palengke at wala na lahat yung mga alahas niya pati yung dala niyang bag. Wala na rin yung babae na kasama niya. Bumalik yung nanay ni Alice dun sa nagbebenta ng gulay at dun nga niya na-confirm na sumama siya doon sa babae. Nagtaka pa nga raw yung nagtitinda nung sabihin niyang nanakawan siya kasi akala niya magkakilala talaga silang dalawa.

I don't know kung same person ba yung na-encounter naming babae pero naging talamak yung ganyang modus operandi dito sa amin that time. I-a-approach ka, kukwentuhan, and the next thing you knew, nanakawan ka na pala.

Scary Stories 5Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang