Ricky's Wishing Coin

Magsimula sa umpisa
                                    

Nagpa-imbestiga nun ang tatay ni Ricky dahil suspetsa nila ay may foul play na nangyari. Pero di nagtagal ay nag-give up na lang din sila dahil wala naman daw lumalabas na anumang findings. Sinimulan na ang pagpapatayo ulit ng bahay para sa parents ni Ricky pero laging may aberya. Nung una ay nagkabulutong-tubig yung isang karpintero at nahawa yung mga kasama niya kaya ilang linggo silang hindi nakapagtrabaho. Nang makabalik na sila, nagpanay-panay naman ang pag-ulan kaya natigil sila ulit. Naisip nina Ricky na ibahin yung pwesto ng bahay. Inalok nila yung may-ari ng lupa sa may likuran ng nasunog na bahay para sana bilhin nila yung lote pero ayaw ng may-ari. Ilang araw ang lumipas ay naaksidente yung may-ari sakay ng kanyang motor at kinailangan siyang operahan. Bandang huli ay pumayag din yung pamilya ng may-ari na ibenta yung lupa kay Ricky para may pambayad sila sa ospital.

Sa loob lamang ng ilang buwan mula nang makapasok si Ricky sa company namin, kitang-kita yung malaking pagbabago sa estado ng buhay nila. Nakapundar siya ng bahay, negosyo, lupa, mga branded na gamit, at iba pa. Aaminin ko, minsan ay naiinggit ako kasi di hamak na mas matagal na akong nagtatrabaho pero hindi ako nakapagpundar ng tulad sa kanya. Nagtataka rin ako kasi kung sa sweldo lang namin galing ang lahat ng mga iyon, parang imposible yata, considering na hindi pa siya regular nang mga panahong iyon. At this point, hindi pa rin kami nag-uusap at nagpapansinan. Nung 6th month na ni Ricky, nag-decide na akong magpasa ng resignation dahil may ibang job offer nang naghihintay sakin saka sakto kasi yung regularization niya pag nag-render ako ng 30-day notice.

One time, nagkaroon kami ng meeting at salit-salitang pumapasok yung mga teams sa meeting room. May malaking table sa gitna ng room na pinapalibutan ng mga upuan. Nakapwesto ako sa top right ng mesa at nakaharap sa laptop dahil ako yung taga-play ng slideshow. Nung turn na ng team nina Ricky, nahuli siyang pumasok kaya tumayo na lang siya sa tabi ng pinto. Bale nasa bandang likuran ko siya. Bigla akong nakaamoy ng sobrang baho kaya pabiro akong nagtanong kung sino ba yung nakarami ng kinaing nilagang itlog. Nagtinginan sila at pasimpleng tumawa. Yung iba automatic na nagtakip ng ilong nang mapatingin sakin pero agad din nilang inalis dahil wala raw silang naaamoy. Naalala ko bigla yung time na akala ko inututan ako ni Ricky. Same stench. Nang magsimula na kami, medyo nag-fade na yung amoy kaya nag-focus na ako sa ginagawa ko. Then, halfway through the meeting, umalingasaw ulit yung amoy. Pasimple kong tiningnan yung iba pero tahimik lang silang nakikinig sa boss namin. Imposibleng hindi nila naaamoy kasi sobrang baho talaga to the point na nasusuka na ako. Pinaghalong lansa at amoy ng basura, na mas matindi kaysa dun sa unang beses kong naamoy. Nagsimula na akong kilabutan, I'm not sure kung dahil ba sa pagpipigil ko para hindi masuka, dahil sa lamig ng aircon, or dahil sa sinasabi ng isip ko na may iba kaming kasama sa loob.

Kinuha ko yung shawl ko at ini-wrap sa leeg ko hanggang sa part ng ilong. Maya-maya, naramdaman ko na parang gumagalaw yung buhok ko sa bandang likuran ng ulo. Naisip ko na naka-ipit yung buhok ko sa shawl kaya hindi yun tatayo nang mag-isa unless hinihila or nilalaro iyon. Pasimple akong nagkamot sa ulo at nag-adjust ng pagkakaupo. This time, ang pwesto ko ay nakaharap na sa projector screen at nasa left side ko na si Ricky. Ipinatong ko yung kanang siko sa mesa at inalerto yung kamay ko para kapag may naramdaman ulit akong humawak sa buhok ko ay susubukan ko itong hulihin. Pero natapos ang meeting na wala na ulit akong naramdaman at nawala na rin yung amoy. Naka-dim yung mga ilaw sa loob kaya nung matapos na yung presentation, sinindihan na nila yung ilaw at nagulat ako dahil may nasulyapan akong nakasampa sa likod ni Ricky na something black. Kinusot ko yung mga mata ko dahil nag-a-adjust pa sa liwanag at nang tingnan ko ulit siya ay wala na iyon. My mind refused to dismiss the thought na guni-guni ko lang yung nakita ko sa likod ni Ricky or epekto lang iyon nung pagsindi ng ilaw.

The following week, may nag-open na slot for a Subject Matter Expert (SME) position dahil nag-resign yung SME ng isang team. Performance at stats lang ang tinitingnan nila kaya maraming nag-apply kabilang na si Ricky. Nag-undergo sila sa interview at assessment hanggang sa dalawa na lang ang natira, sina Ricky at Ate Shin. Pareho silang top performer kaya gusto sana ng manager namin na kunin na lang silang pareho dahil mahirap pumili kaso isa lang yung available na slot. May mga gossips sa floor na malamang ay si Ate Shin daw ang kukunin dahil tenured na siya compared kay Ricky na baguhan pa lang. The day before i-announce yung napili, nagulat kaming lahat sa balitang namatay na si Jerrick, ang SME ng team ni Ricky. Sabi ng kapatid niya nung makipaglamay kami, Jerrick died in his sleep. So since dalawa na ang SME positions na nabakante, pareho nang kinuha sina Ate Shin at Ricky.

Scary Stories 5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon