.My owned Star.

15 2 0
                                    

One shot story

Ang aking Vito.i.n (bitwin/star)

Si  Celestina Mandelliano  ay labing walong taong gulang naninirahan sa isang simpleng Bahay malapit sa kanilang eskwelahan.  Siya ay  wala ng magulang kamag anak o kahit na sinong kapamilya. Wala siyang kaibigan. Ngunit maraming nakakakilala sakanya dahil sa kanyang tahimik na pag uugali. Minsan lamang mag salita minsan lang rin magbigay ng reaksiyon sa isang bagay.

Ngunit Nagbago iyon ng Biglang May Dumating sa buhay niya Na Isang  binata.Tila anghel na binaba sa lupa upang pasayahin at guluhin ang tahimik niyang mundo

Hindi inaasahan  ni Celestina na may binatang may lakas ng loob na kausapin siya.
Hindi dahil mabaho ang hininga ni Celestina kundi sa mabaho nitong Pag uugali

Tatlong linggo na siyang kinukulit ng binata.
Pagpasok sa eskwela. Pag uwian. Pag oras na ng kainan at kapag may libre siyang oras..

04/25/19

"Tina!Tina!Tina! Tina-pay" Makulit na wika ng binata 

Nais niya muling marinig ang boses ng dalaga . kahit pa sa paraan na kakainisan siya nito.

"Tina-tina-tina-pay!!! Tina-Tina-Tina-pay..Gusto ko Gusto ko ng Tina-pay..Bumili Bumili sa Tindahan!! Masarap masarap ang Tinapay!!"

Nauubosan na ng enerhiya ang binata sa pag uulit ulit ng mga salitang iyon.
Ngunit tila Hindi man lang si Tina na naiinis o naiirita sa kanyang presensya.
Sa halip ay natatawa siya sa kanyang isip.
Ayaw niyang pigilan ang binata sa ginagawa nito dahil may parte sa pagkatao niya na natutuwa.

"Napapagod na ako sa kakaasar saiyo pero Hindi ka naman na aasar. Ano bang gagawin ko para mag salita ka at kausapin ako?" Nalulungkot na wika ng binata sabay upo sa gilid ng kalsada.

Patuloy lang sa paglalakad si Tina.
Na lalong ikinalungkot ng binatA.
Pinatong niya ang kanyang ulo sa kanyang braso na nakapatong sa kanyang tuhod.

"Kunin mo" nanlamig ang buong katawan ng binata nang marinig ang pamilyar na boses na kanina lang ay nais niyang marinig
nanlalaki ang mata niya at iniangat ang tingin sa taong nag salita hindi man ito nakangiti ngayon pero kitang kita sa mga mata ni Tina na masaya siya.

"Kunin mo at natutunaw na"ulit na wika ni Tina

Ngumiti  ang binata at nag wika

"S-s-salamat"
Matapos marinig ni Tina ang pasasalamat ay tumalikod na ito at nag lakad palayo Na hinabol din  ng binata

"Uyy bakit mo ko binigyan nito?? May gusto kana ba sakin? Sabi ko na nga ba at may gusto ka sakin kaya hindi mo ko pi---"

"Tahimik"

"kita mo toh minsan dagdagan mo ang salitang binibitawan mo para kang robot magsalita.Parang ganito oh Ta-hi-mik. Ku-nin mo at na-tu-tu-naw-na hahahaha parang kang alien "tawa tawang wika ng binata...napahinto siya sa paglalakad ng huminto rin si Tina

"Wag mong gawing katawa tawa ang sarili mo para mapag pasalita ako magsasalita ako kung kailan ko gusto pero wag ka sanang mapagod sa kakaasar sakin dahil natutuwa ako"

"woahh!! Ang haba non ah "
Muli ay naglakad na si Tina. Naiwang na-aamaze ang binata. At sa pangalawang pakakataon ay hinbol niyang muli si Tina at nagkwento ng nagkwento
Sa unang nakalipas na  buwan
.mabuti ang kanilang pinagsasamahan.
Sabay silang tumawa  gumala  pumasok  umuwi, kumain halos
Sabay sa lahat ng bagay masaya sila sa presensya ng isat isa.

Naging masigla si Tina at natutuwa si Vitoin sa bagay na iyon

Ngunit nung  .lumipas pa  ang 3 na buwan..
marami ang nagbago Kay Tina.

- When Fate Plays A Trick-Where stories live. Discover now