"Starting tomorrow, let's make sweet memories with Bambi. Individually."

* * *

Day 1

Matamlay na bumaba si Bambi sa hagdan.

Hindi naman sya ganito kapag umaga eh.

It's just that.. hindi mawala sa isip nya na any day from now, mawawala na sa kanya ang anim na aliens.

Dahil sa kanyang pagka-lutang, hindi nya napansin na may taong nasa harapan nya kaya't napasubsob sya sa dibdib nito.

Tumingala sya at nakita si Yongguk na nakataas ang isang kilay at naka-smirk.

"Mag-ayos ka na. I'll bring you to somewhere."

Bago pa makapagtanong si Bambi, hinawakan na sya ni Yongguk sa balikat at ini-ikot paharap sa hagdan.

Wala namang magawa si Bambi kundi maligo at mag-ayos.

[BAMBI]

*Anong trip ni Yongguk?*

Humarap ako sa salamin at may nakita akong nakadikit na note.

'Nakalimutan kong sabihin, mag-jogging pants and sneakers ka na lang. Nothing fancy :)'

O-kaaaaaay?

Bumaba na ako at nakita ko si Yongguk na nag-aantay at may dala-dalang backpack.

"Tara?" ngumiti sya at lumabas na ng bahay.

Lumapit naman sakin si Himchan at may binigay din sa aking backpack.

"Youre gonna need this, sweetheart" tinapik nya ako sa ulo at bumalik na sa kitchen para ituloy ang kanyang pagluluto.

Napangiti ako sa mother-like acts ni Himchan at dumiretso na sa pinto nang biglang may humarang sakin.

Babysitting 6 AliensWhere stories live. Discover now