Prologue

12 0 0
                                    


Life

Just in case you want me to guide you in your secrets. There are the words I will tell you, put yourself to god tell your secrets to him then your secrets will be always secrets. Well, that's what I always do.

Hindi naman talaga madali mabuhay, sinong may sabi na kapag nakatapos kana,magiging ayos agad ang buhay mo? Are you sure? Malay mo naman diba?

At sinong may sabi na kapag hindi ka nakatapos sa pag aaral ay magiging kawawa ka habang buhay? Well, it's true na magiging kawawa kung wala kang diskarte.

Maraming tao ang nakapagtapos pero hindi naman agad naging successful. Marami rin naman ang mga taong hindi nakapagtapos pero maraming na achieve sa buhay. You can be a successful if you want, the cards is in your hand waiting for you to play them.

Mahalaga ang makapagtapos ng pag aaral, sa panahon ngayon? Sobrang laking halaga, well having a diploma is bunos in our life. Pero hindi dahil nakuha mo na eh magiging okay na agad. You should still need to do your resposibilty as a human.

Life must be lived as play. Play as you want and lived what you play

Life is about surviving.

Funny right? Lahat ng tao sa mundo ang iniisip ay kung paano mabubuhay. Pumapasok tayo sa paaralan para makatapos at makahanap ng magandang trabaho, for what? To survive right? Gumagawa ng mali for what? To survive again. We did everything for money to survive, and here all of us we cannott live without money. Because money can do everything for surviving like an illusion.

Having a house in the tallest building so I can see freely the beauty of city lights with a contented life.

That's all my dream. Everyone's dream. And always be a  dream forever.

Nakatulala lamang ako sa kisame habang nakahiga sa aking kama. Another day again huh? Another day. I smiled and closed my eyes. Sana mayaman nalang ako. Naiinggit ako sa ibang tao na lumaki silang mayaman. If you born rich, ang kailangan mo lang gawin ay imaintain ang inyong kayamanan. At kapag mahirap ka naman kailangan mo namang magsakripisyo, lunukin ang lahat ng hirap and mag isip ng mag isip kung paano makakaalis sa sitwasyon.

Ang swerte talaga ng mga taong pinanganak nang mayaman. They can have whatever they want. They have a family,foods,house and everything.

" Serela buksan mo itong pinto! "

Napabangon ako sa aking kama at agad dumiretso sa pinto. Naka short lamang ako at nakaputing v-neck. I closed my eyes before i opened the door and smiled sweetly.

" Tita, bakit po kayo naparito? "

She's wearing a red dress with her red flat shoes. Kulot ang buhok at pulang pula ang labi. Meztisa, may lahing espanyol ang side nina papa kung kaya't halos lahat kami ay mapuputi.Maganda parin si tita kahit medyo may edad na.

Dirediretso syang pumasok sa loob,binuksan pa nya ang nakatakip sa mga pinggan at agad rin binalik upang umupo sa upuan.

" Ano? Wala ka paring trabaho? Aasa ka nalang ng paganyan ganyan? "

I bit my lower lip. " Tita, dalawang linggo palang po ako rito. Naghahanap naman po ako. "

" Nag hahanap ka nga, Oo serela pero hindi pwedeng ganyan. Masyado kanang naasa. Isa pa paano itong pambayad mo dito sa bahay ha? Kung hindi ka parin makakahanap ng trabaho..aba'y umuwi kanalang sa probinsya. "

" Tita, makikiusapan ko naman po kayo diba? Kapag nakahanap na ako magbabayad ako sa inyo. "

" Siguraduhin mo! Gumagastos rin kami aba! Kahit na pamangkin kita hindi naman pwede na libre lahat! May pinapakain rin ako at pinag aaral! "

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 02, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

UNKNOWN : SERELAWhere stories live. Discover now