The Day

21 2 4
                                        

Habang naka-upo sa study table ang  babae, lumipad ang mata nito sa larawan na nakatayo sa gilid ng mga pencil case. Inabot niya ito ng may pag-iingat. Hawak-hawak ng isang larawan, malungkot itong tinitigan ni Elissa Hette  Fuentes. Walang alinlangang bumalik ulit ang lahat ng ala-ala niya- detalyado- na para bagang isang malinaw rumaragasang tubig at malayang dumadaloy sa kanyang isipan. Hinimas niya ng marahan ang mukha ng lalaking nakangiti sa larawan na napapatungan ng salamin at sa pagkakataong iyon, parang bumalik ulit siya sa nakaraan- ang lungkot, ang saya, at araw ng paghihinagpis niya.  Limang taon na ang nakakaraan simula ng kinuhanan silang dalawa ng litrato. Kahit mainit na hapon iyon,  nang napagpasyahan nilang sa bahay nila Arden Rexon Dan Gumabao ganapin ang handaan pagkatapos ng graduation kasama ang iilang malapit na kapamilya at kaibigan. Iyon ang araw na perpekto para kay Elissa dahil masaya silang nag-uusap at nagpapansinan ni Arden pagkatapos ng maraming taong pag-iiwas nito. At si Arden Rexon Dan pa mismo ang humingi ng pabor sa ina ni Elisse Hette Fuentes na si Alice na kuhanan sila ng litrato. Sobrang tuwa at kaba ang naramdaman ng dalaga ng inakbayan siya nito. Ang kaba nito ay malinaw na nakikita sa itsura nito sa  larawan na halatang alangan  at dumidistansiya. Iyon ang una at huling litrato nila.

Hanggang sa mga oras na iyon, kung bibigyan siya ng panahong bumalik sa nakaraan, mas pipiliin niyang hindi nalang hilingin ang lalaking pinapangarap niya kung ang kapalit nito ay ang katotohanang hindi niya ito makasama, makikita, maririnig at mahahawakan sa hinaharap.

Sobra ba ang hiniling ko? Naabot ko nga ang pangarap ko, ngunit kailangan bang kapalit nito ang buhay mo? Magsisimula pa nga lang tayo sana.." she paused. May tubig na tumulo sa lawaran at galing iyon sa mga mata niya. "pero tinapos na agad" she let out a small and heavy laugh.

"Na-mimiss pa rin kita ng sobra" at niyakap niya iyon ng mahigpit, at pinakawalan ang hikbi na kanina pang gustong kumawala.

Pumikit si Elisse ng ilang segundo at hinayaang dumaloy ang sakit na nakasanayan  na niyang namnamin pagkatapos ng nangyari.

Tumunog ang cellphone nito. Pinahid niya ang mga luha bago mapagdesisyunang tumayo at kunin ang tousch screen mobile phone at binasa ang mensahe galing sa ina ni Arden.

From: Tita Sally
Andito na ako sa labas ng apartment mo. Nakahanda ka na ba? Sabay na tayong pumunta.

Inayos niya muna ang sarili at saka bumaba. May nakaabang na isang itim na kotse sa labas ng apartment niya.

Pumasok siya.

Good afternoon po, tita" bati nito at hinalikan ang pisngi ng ale.

Good afternoon" sinuklian nito ang ngiti ng dalaga, ngunit sa pagtitig ni Elisse sa mga mata nito, naroon parin ang isang imahe ng inang naghihinagpis pagkatapos mawalan.

Galing po ba kayo sa work?" pag-iiba ng usapan ng dalaga, nang mapansin ang suot nitong office attire. At saka tumingin kung tama na ang pagkakaayos ng seat bealt nito.

Yes. Kakalabas ko pa lamang, actually."   sabi nito at binuhay ang sasakyan.

Walang ng imikan sa biyahe. Siguro ay dahil walang mapag-usapan o pareho silang nagbabalik tanaw sa nakaraan at ayaw ng buhayin ang dating sugat na pinipilit pahilumin ng panahon.

Ang ganda ng araw, Rd. Bughaw ang kalangitan, maalinsangan ang panahon pero buhay na buhay ang paligid" sabi niya sa isipan habang pinagmamasdan ang mga batang naglalaro sa paligid; mga taong may kanya-kanyang ginagawa; ang walang kapagurang galaw ng mga sasakyan sa kalsada; ang simoy ng hangin at ang mga naglalakihang puno nagbibigay lilim sa bawat bahagi ng kalsada.

"Kung narito ka lang sana at nakikita mo ang mga bagay na nakikita ko"

Narating nila ang sementeryo bandang alas tres ng hapon. Walang masyadong tao kaya't tahimik ang lugar na napapalibutan ng berdeng bermuda grass.

Inilagay nila ang bulalak sa paanan ng nitsu na gawa ito sa itim na marmol. Malinis ang paligid ang puntod at pinanatiling mukhang bago. At hindi rin ito naiinitan dahil sa maliit na sementadong kubo na itinayo nila para rito at ang malaking puno ng Acacia na nagbibigay naman ng lambong sa puntod.

Nag-alay sila ng taimtim na panalangin.

Tinitigan nila parehas ang nakasulat sa puntod ng binatang yumao.

Born: July 15 2000
Died: April 4 2016

" Maligayang kaarawan, RD" usal ni Elisse.

________________________________________
A/N:
That ends the chapter 1, fellas. Hope you like it :). Don't forget to vote and give your comments.

 

Wishing YouWhere stories live. Discover now