THREE - "RACE"

12 1 0
                                    

Natapos ang party ng masagana. Ngunit tila hindi na naintindihan pa ng utak ko ang mga sumunod na pangyayari matapos magpakilala ng lalaking nagngangalang Jude Alistair.

Habang nag mamaneho, naagaw ng atensyon ko ang silver na McLaren Speedtail na kotseng animong may kaskaserong driver kung mag drive. Red light noon at halos magkapantay lamang ang aming kotse. Hindi naman mapapag iwanan si Djorge dahil kahit may katandaan na ay mabilis at smooth parin paandarin ang 2015 model na Aston Martin Vulcan ko.

Sinilip ko ang driver seat dahil curious ako kung gaano na ba katanda ang nag mamaneho. Pilit kong pinagka singkitan ang mga mata upang maaninag ang nagmamaneho ngunit bigo ako sapagkat masyadong tinted ang bintana nito. 

24, 23, 22, 21, 20

Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa manibela sapagkat nais kong malaman kung gaano kabilis ang aabutin ko. 

6

5

Mas hinigpitan ko pa ang pagkakahawak dito

4

3

2

Huminga ako ng malalim at saktong pagkamulat ko ay nag green ang ilaw sa stoplight.

Nag maneho ako ng naaayon sa pinakamabilis na makakaya ko at mas diniinan ang pag tapak sa pedal accelerator. 

Ngayon ko nalang muling ginawa ito. Ngunit hindi ko inaasahan na may makikipag karera sakin.

Sa side mirror ay nakikita ko ang kaninang kotseng ngayon ay halos kasabay ko na, tila nais ngang makipag karera. 

NAWAWALA na nga ata ako sa sarili sapagkat kung kanina ay nasa hi-way lang ako, ngayon ay nandito na ko sa isang napaka luwag na eskenita at nakikipag karerahan parin dito sa kung sino man may ari nitong kotse na to. Maya maya lang ay napansin kong bumagal sya kaya binagalan ko na rin ang pag mamaneho. 

Natagpuan ko na lamang ang aking sarili na nasa kanto na malapit sa aming bahay. Napahinto ako sa pag d-drive at lumabas ng kotse. Iniwan kong bukas ang bintana.Sisilipin ko sana yung kotse kanina ngunit nagulat ako ng mawala iyon. 

Imbes na hanapin pa sya ay dumiretso nalang ako sa bahay.

AGAD na bumungad si Yuan sa akin pagka park ko ng kotse sa basement namin.

"Tsk tsk. San ka nanaman galing?" pag papagalit nya sakin.

"Uhmm, may dinaanan lang" nag aalinlangan kong sagot sapagkat hindi ko mawari kung maniniwala ba sya o hindi.

"Mhmm, may dinaanan lang? Kaya pala yung dinaanan mo, umabot ng 5 hours? Look-" tinignan ang kanyang orasan ay pinag katitigan ako. Nakataas pa ang isang kilay na animo nag tatanong.

Muli kong binuksan ang kotse ko at mula sa rear mirror ay napansin ko ang color black na paper bag sa back seat at agad na kinuha iyon.

Saktong pang dahilan upang hindi na mag duda si Yuan.

Ipinakita ko sa kanya ang hawak kong paper bag.

"See? Dinaanan ko lang si Faith para kunin 'to" sinikap kong hindi mautal at mag tunog kinakabahan.

INIHIGA ko ang aking katawan sa kama at doon ko simulang naramdaman at pagod at panghihina.

Kinapa ko ang aking cellphone sa aking bulsa at agad na binuksan iyon.

-32 unread messages-

*Dad*
*Yuan*
*Lancepot*

Pulos mga pangalan nila ang bumungad sa inbox ko. Nag tatanong kung nasaan na ako.

Você leu todos os capítulos publicados.

⏰ Última atualização: Mar 09, 2022 ⏰

Adicione esta história à sua Biblioteca e seja notificado quando novos capítulos chegarem!

Have We Met Before?Onde histórias criam vida. Descubra agora