PROLOGUE

28 5 7
                                    

Nagising ako sa ingay ni Sniper dahil sa walang tigil nyang pag tahol. Gusto ko mang hindi pansinin ay wala na kong nagawa kundi bumangon mula sa pagkakahimbing.

Napatingin ako sa digital alarm clock na nasa tabi ng kama ko at nagpakawala ng mahabang buntong hininga.

1:26am

Palibhasa'y alas onse na 'ko nakatulog kaya hindi ko halos maidilat ang mga mata ko.

Dali dali akong lumabas ng kwarto at ganon nalang ang gulat ko ng makitang pulos dugo ang bawat step ng hagdanan pababa.

Halos talunin ko ang hagdan namin pababa nang maaninagan ko ang imahe ng isang lalaking nakaupo sa may bench sa garden ng likod bahay namin.

Bago pa ko makarating sa may likod bahay ay kinuha ko muna ang isa sa kutsilyo na binili ko noong nakaraan.

Kung sino ka man, binabalaan kita. Hindi mo kilala ang binabangga mo.

Kinakabahan ngunit kalmado akong nag lakad papunta sa likod bahay.

Dahan dahan at walang pag aalinalangan.

Namuo ang luha ko at isa isang pumatak ang bawat butil nito ng mapag-tanto kung sino ang aking kaharap ngayon. Kasabay ng paglaylay ng braso ko ay nabitawan ko ang kutsilyong hawak ko.

Sa dinami dami ng taong makikita ko dito, na may hawak na patalim...

Bakit ikaw pa?

*****

Prologue

Llunna

Have We Met Before?Where stories live. Discover now