Rivals to Lovers: 44 (Ending)

Start from the beginning
                                    

"Tama ba ang narinig ko? I love you, my baby!" Kinikilig na boses ni Kaizzer.

Mabilis na nagmaneho si Kaizzee pabalik sa bahay ni Kier mataoos daanan si Crisfer.

"Yung pinapagawa ko sayo tol!" Tanong ni Kaizzer dito.

"Don't worry bro. I got in na. Magmadali na tayo kasi tinext na rin ako ng baby mo! Marami na raw tao." Pabirong sagot ng kaibigan niya.

Ngayon ang araw ng house blessing ng bahay ni Kier kasabay na rin ng pasasalamat sa panibagong buhay na pinagkaloob sa kanila. Ang hindi alm ni Kier ay ngayong araw din magpropropose si Kaizzer sa kanya.

Pagkarating ng dalawa sa bahay ay nagmadali ito. Agad na hinanao ni Kaizzer si Kier at hinarap ang mga bisita at mga kakilala nila. Si Crisfer naman ay hinanap na iba nilang trooa at nakiupo na sa mga ito.

"Tito, saan si Kier?

"Nasa loob kinakausap ang mommy mo." Sagot ng tatay ni Kier.

"Okay, tito. Can I ask a favor po?" Pabulong na sabi nito. At ibinulong niya sa daddy ni Kier ang plano niya.

"No problem iho. Basta ayusin mo lang ha. Kilala mo naman si Kier, baka  ikaw pa ang masurprize." Natatawang sagot ng tatay ni Kier.

Ilang saglit lang ay nagsimula na ang simpleng program sa harap ng bahay ni Kier. Nagbigay ng mga messages ang kanilang mga kaibigan at mga kamag-anak.

Pagkatapos magsalita ni Mrs, Zandoval ay aumunod na ang daddy ni Kier. Medyo emotional ang lahat dahil sa sinabi nito ngunit binawi niya rin dahil sa kanyang mga binitawang biro sa bandang dulo. Matapos niyang magpasalamat sa lahat ay tinawag niya si Kier sa harap.

"Before I end my mesaage, Kier, anak halika muna dito sandali!"

Mula sa table nila ay tumayo si Kier, na halatang nabigla sa sinabi ng ama dahil akala niya ay tapos na ang ama. Kinakabahan siyang naglakad patungo sa harap.

"Tay, bakit niyo po ako tinawag?"

"Relax iho. May gusto lang makipag-usap sayo ng masinsinan." Pagkatapos niya itong sabihin ay iniwan siya ng ama. Biglang tumugtog ang isang love song at nagflash sa LED wall ang ilang video at mga pictures nilang dalawa ni Kaizzer. Mga pictures simula noong una silang nagkakilala hanggang sa kasalukuyan matapos silang lumabas sa hospital.

Nagpalakpakan ang lahat at naghiyawan ang kanilang mga kaibigan habang pinapanood ang mga larawan at video nilang dalawa. Mayamaya ay lumitaw si Kaizzer mul sa likod ng LED wall. Llong lumakas ang sigawan ng mga kaibigan nila at ng ibang mga bisita.

Si Kier ay gulat na gulat sa nangyayari. Napa-facepalm siya. Kita sa kanyang reaksiyon ang pagkasuroresa.

"Kier, baby! Please don't cry, okay? Unang-una alam kong di mo to, inaasahan, and thank God you never noticed that this would happen. I just wan to say that I'm more than grateful to have you. You know how much I love you, Kier. Hindi man naging ganun kasaya lahat ng mga pinagdaanan natin, but in the end we're together. Thank you for trusting me all this time. Thank you for fighting for this love that we have. These people in front of us witnessed almost everything about our relationship, both the good and the bad. I'm just lucky that God gave me a man like you. Ikaw yung taong pwedeng mahalin ng kahit sinuman pero I want everybody to know na akin ka lang. I will never get tired of doing things na magpapasaya sayo at magpapatibay sa pagmamahal natin sa isa't-isa. The only thing I can promise right now is the assurance na hinding-hindi ako papayag na may mangyari pang masama sayo, o saatin. I think we've been through a lot of challenges, and now we are reaping the price of our persistence for this love. The only thing I want to ask right now is your hand. Kier, baby, will you marry me?" At lumuhod sa harap ni Kier si Kaizzer. Hawak ang maliit na box na may lamang singsing.

Nagpalakpakan at lalong lumakas ang hiyawan ng mga tao nang matapos magsalita si Kaizzer.

"Say 'Yes''!" Sigaw ng kanilng mga kaibigan.

Natulala si Kier at di nakapagsalita agad. Kanang pinunas ang mga luhang kanina pa tumutulo at kinuh ang microphone mula kay Kaizzer.

"Actually, di ko alam ang sasabihin ko. I was really surprized guys, pati pala si tatay kasabwat ng mokong na to! Grabe kayo pinagkaisahan niyo nanaman ako, haha. Pinapaiyak niyo nanaman ako eh. Okay, bago ko sagutin yung tanong mo Kai, diyan ka muna, okay? Luhod ka muna diyan! Kidding aside! Halika nga dito ( Hinawakan ni Kier ang kamay ni Kaizzer at pinatayo niya ito bago nagsalita)! You know Kaizzer, sa lahat ng nangyari sa atin wala akong pinagsisisihan. Hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya sa lahat ng ito lalo na ngayon. Sa sobrang saya ko iniiyak ko nalang, haha. I love you! At hinding hindi ako magsasawang sabihin sayo ang mg salitang 'yan. Hinding hindi rin ako magsasawang iparamdam sayo kung gaano kita kamahal. I'm so blessed to have you. Si mo na ako kailangan tanungin ng tanong na iyon, dahil kahit di mo man ako tanungin 'Oo' lang ang isasagot ko. I love you Kai! I love you so much!" Pagkatapos ng kanyang huling sinabi ay mahigpit niyang niyakap si Kaizzer. Lumakas ang tugtog at palakpakan.

Isinuot ni Kaizzer ang singsing kay Kier at hinalikan niya ito sa labi. Pareho silang umiiyak sa sobrang tuwa at dahil sa nag-uumapaw na pag-ibig na kanilang nararamdaman.
Nagpatuloy ang kasiyahan kasabay ng masayang tugtugan.

"Thank you tito!" Pagpapasalamat ni Kaizzer sa tatay ni Kier ng nilapitan nila ito.

"No worries iho. Masaya kami para sa inyo. Congratulations!" Niyakap ng ginoo ang dalawa.

"So paano ba yan? Should we start planning for the wedding na ba iho? What do you think Kier?" Pabirong tanong ni Mrs. Zandoval.

"Wait lang ma. But, that's what gonn happen next, diba Kier?" Balik na biro ni Kaizzer.

"Opo tita, at magiging mommy ko na din kayo!" Biro din ni Kier.

"I'm happy for you guys. Biruin niyo yun, yung mga kiddos na inaalala ko noon big boys na ngayon at malapit na ikasal. OMG, am I getting old na ba?"  Saad ni Mrs. Zandoval.

"No tita! You're always young, hahaha. Bawi naman ni Kier. Nagtawanan sila habang nagkwekwentuhan.

Sunod na pinuntahan nila Kier at Kaizzer ay ang kanilang mga kaibigan.  Kaiwa't kanang bati ang simalubong sa dalawa. Sobrang saya ng lahat para kay Kier at Kaizzer.

Ang gabing iyon na yata ang oinakamasayang gabi sa lahat para kina Kier at Kaizzer dahil sa gabing iyon nila pinatunayan at ipinangako sa isa't-isa sa harap ng kanilang mga kamag-anak at mga kaibigan ang kanilang tunay na pagmamahal.

-Wakas ❤️❤️❤️



Author's Note:
Maraming salamat sa lahat ng bumasa at sumubaybay sa kwentong ito. Sana ay naaliw po kayo sa istoryang ito. Hanggang sa muli pang mga kwento ng buhay at pag-ibig na ating pagsasaluhan at ilalathala.

Love,
Anthonymous
😘😘😘




Rivals to Lovers Where stories live. Discover now