"Gusto mo pa yata ihatid hanggang room niya, una na lang ako sa room natin."


Napalingon si Arkanghel sa akin. "Ha?"


"Hatid mo na. Baka maligaw iyon." Hindi ko na siya hinintay sumagot. Nauna na talaga akong maglakad pabalik sa building ng Grade 8.


Sabi ko na nga talaga di ba mahilig si Arkanghel sa magaganda. Maganda naman talaga si Zandra. Bagay sila. Magsama sila.


Ang bilis ng lakad ko tapos may mga humarang pa sa kanya na tropa niya kaya bago pa niya ako maabutan ay nakapasok na ako sa room.


Huminto ako sa tapat ng upuan ni Hugo. "Hoy, Hugo!"


Mula sa screen ng phone ay nagtatakang napatingala naman sa akin si Hugo. Nakataas ang isa niyang kilay. "Ow?"


"Ngiti."


Kumiling ang ulo niya. "Ha?"


"Di ka ngingiti?"


Mabuti at ngumiti siya kahit nagtataka.


Nginitian ko rin siya na sakto sa pagpasok ni Arkanghel sa room. Mabilis na naupo na ako sa tabi ni Carlyn na tulog sa arm chair. Mabuti naman at wala siya sa CR ngayon.


Kahit anong ngalay ng leeg ko ay di talaga ako tumingin sa kanan o sa kaliwa hanggang matapos ang huling subject namin. Wala tuloy akong idea kung anong ganap kina Hugo at Arkanghel. Ah, wala akong pakialam sa kanila basta ako maraming natutunan dahil all ears and attention talaga ako sa lahat ng lessons.


"Sabay na tayo." Si Carlyn nang mag-ring na ang bell.


"Okay." Kahit hanggang sakayan lang ng tricycle basta may kasabay.


Hindi ko ini-expect si Arkanghel na haharang sa akin para sumabay pauwi, pero mas di ko ini-expect na matanaw sa labas ng room namin si Zandra noong uwian.


Nakalabas na ang last teacher namin at nakatayo na rin at nakahanda ng lumabas ang mga classmates namin nang pumasok si Zandra. "Arkanghel!"


Nangunguna sa pagsunod ng tingin si Ruth at ang mga kaibigan niya. Tumingin pa sa akin si Ruth para i-check ang reaction ko. Syempre deadma ako bago niya pa ako kaawaan o i-issue.


"Si Zandra Asuncion iyon, ah?" Gulat na tumingin si Carlyn sa akin.


"Ewan." Bakit kaya kailangang itanong sa akin?


"Sila ba?"


Gulat ang mukha ni Arkanghel nang mag-angat ng mukha na nasa harapan niya na ang trespasser na si Zandra.

South Boys #1: Kiss Master (Published and to be adapted soon into mini-series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon