Prologo

88 3 0
                                        

3rd Person's POV

Filipinas 1797

"Ama, maaari mo ba akong pahintulutan na samahan si Lucinda malapit sa daungan ng barko?" wika ng isang dalaga sa kanyang ama.

"Maaari ko bang malaman kung ano ang sumagi sa isipan ng aking Unica Hija at bakit nais umalis ng aking pinakamamahal na anak?" wika ng kanyang ama gamit ang paglalambing na boses.

Kasalukuyan itong abala sa pagsusulat at pag-aasikaso ng mga papeles.

Marahil sa sobrang pagod na ng kaniyang ama ay nakita't napagtanto nito na dapat niya itong kumustahin.

Ang kanyang ama ay isang abogado. Matangkad, sakto lamang ang kanyang kutis hindi maitim ngunit hindi rin maputi, may bigote ngunit hindi gaanong pansin dahil sa angking kagwapuhan noong kabataan pa nito hanggang ngayon. Maganda ang tindig at kaibig-ibig sa kabila ng kanyang edad. Subalit hindi na ito nag-asawa sa kabila ng pangungulila sa kaniyang asawa.

"Ama, ibig mo bang mamasyal kasama ako sa susunod na linggo?" napagtanto kasi ng dalaga na kahit mahirap ang ginagawa ng kanyang ama ay hindi ito nagkulang sa pag-aaruga at pagmamahal sa kanya.

"Oo naman.. para sa aking Anak" ngumiti lang ito sabay tinugon ang pag-aasikaso sa iba pang mga papeles.

Habang abala ang kanyang ama sa pag-aasikaso ng iba pang gamit, hindi na nag-atubili ang dalaga na tumingin sa iba pang mga papeles habang abala pa ang ama nito.

'Amandro Dela Fuente'.

Ito ang pangalan ng kanyang ama. Kaibig-ibig na pangalan kaya't madaling inibig ng kanyang Ina.

Ipinagkasundo sila ng kanilang magulang na kapwa may kakayahan sa buhay. Noong una ay tutol pa ang mga ito ngunit di kalaunan ay naging madali nalang ito para sa kanila. Sila'y nagmahala't nakabuo ng dalawang supling.

Ipinangalang Julio ang kanilang panganay na hango sa pangalan ng kanyang Ina na si 'Julia Dela Fuente' at sumunod naman ay si Amara na bunso sa magkakapatid hinango ito sa kanyang pangalan sa kaniyang ama na si Amandro.

"Ama, mauuna na po ako." Akmang aalis na ito sa silid ng kanyang ama nang sumagot agad ito sa kanya.

"Mag-iingat ka anak. Bumalik ka rito bago magtakip-silim. Ipapasama na kita kay Mario at Mateo." wika nito.

Niyakap ng dalaga ang kaniyang ama at ngumiti ito pabalik. Umalis na ang dalaga sa silid at nag-ayos ng kaniyang sarili.

Kapakuwa'y umalis na rin ito kasama sina Mario at Mateo.

Isa sina Mario at Mateo sa mga tapat na kasamahan ng kanyang ama at mahigit limang taon na rin ang paninilbihan nito sa kanilang tahanan. Panganay sa magkakapatid si Mario at kasunod naman nito ay si Mateo. Hindi nagkakalayo ang mga edad nito sa isa't-isa at pawang kasing-edad lamang ito ng kanyang kuya Julio na nasa maynila at nag-aaral ng medisina.

Mahigit tatlumpung-minuto rin ang naging biyahe nila bago makarating sa daungan ng mga barko sa maynila.

Matapos nito ay nakita ng dalaga ang kanyang kaibigan na si Lucinda at bumaba ito sa kalesa. Agad na nagsabi ang dalaga kina Mario at Mateo na mag-antay na lamang ng ilang oras.

Habang papalapit ito sa kanyang kaibigan ay natanaw ng dalaga ang barkong papaalis na. Senyales na kanina pa ito nakadaong sa pantalan bitbit ang maraming nagsibabaang mga pasahero. Marahil galing ito sa ibang lugar.

Hindi na natuloy ang kanyang pag-iisip dahil tinawag na siya ng kaibigan nito.

Puno naman ng pagtataka ito dahil may kasama na itong lalaki sa kanyang tabi.

TalaSariliWhere stories live. Discover now