MM : 42

1.1K 44 11
                                    

Rosercl's POV


Nakalabas na ako sa Thunder Company nang bigla maramdaman ko ulit ang pagwawala ng sikmura ko. "Hmm ano ba masarap na kainin ngayon?" habang iniisip ko ang kakainin ko sa dinner binuksan ko na ang payong at naglakad papunta sa pinaka malapit na grocery store na tatlong kanto lang naman ang layo di na 'rin naman gaano kalakasan ang patak ng ulan sadyang maputik at basa na lang ang dinadaanan ko.


"Ayoko ng masikip, ayoko ng walang tubig, ayoko ng mabaho, ayoko ng walang pagkain, ayoko ng putik!" pang gagaya ko sa linya ni Maricel Soriano sa kaya kong abutin ang langit. "Kalangitan at bituin~" patuloy ko sa pagkanta habang naglalakad napa ngiwi naman ako ng makakita ng mga bagets teenagers na makalapit habang nag shi-share sa iisang payong.


"Sana all." Sinarado ko na ang payong ko nang makarating sa entrance ng grocery store parang ako si Thor full force at with feelings pa sa pagtusok ng payong sa iba pang mga payong na nagsisiksikan sa maliit na lalagyan ng basket.


"Anong ginagawa mo rito?" lumingon naman ako sa boses na pinang galingan sa likuran ko at nakita ko si Maximillo na nakahalukipkip habang tinititigan ako, ngumiti lang ako sa kanya at bahagyang tinapik ang braso.


"Magzuzumba." Sagot ko at nilagpasan na siya kumuha na ako ng isang cart at naglakad papasok sa loob. Naramdaman ko naman ang pag sunod ni Maximillo saakin kaya lumingon ako at tinitigan siya.


"Marunong ka palang mag grocery minsan?" nakita ko naman ang pagtataka niya sabay inagaw saakin ang hawak kong cart. "Hoy akin yan!" kukunin ko na sa kanya pero nilayo naman niya saakin.


"Magshare na lang tayo para hindi hassle."


Wala naman akong nagawa kaya sumunod na lang ako sa tabi niya habang siya naman ay busy tumingin sa mga prutas. "Bakit ka pala nag grocery ngayon?" tanong saakin ni Maximillo habang di ako tinatapunan ng tingin.


"Hindi ko nga alam kung anong bibilhin ko." doon lang lumingon saakin si Maximillo. "Oo may tao pa rin naman na pumupunta sa grocery store na walang kahit anong alam kung anong bibilhin niya at ako ang tao na 'yon." Nakitingin ako sa mga prutas. "Ikaw ba?"


"Uuwi ang kapatid ko o baka nasa condo ko na siya ngayon." Sagot naman niya nilagay niya sa cart ang mga prutas na napili niya at lumipat naman sa mga karne.


"Uuwi siya?! Diba nasa tagaytay sila ni Jason ko? Ibig sabihin babalik na ulit si Jason ko rito?" excited na tanong ko.


"Bakit kailangan may ko pa?''


"Bakit naman hindi?"


"Bakit oo?"


"Bakit ayaw mo?"


"Ikaw na humawak nito ang dami mong tanong." Binigay niya saakin ang cart at naglakad palayo sumunod pa rin ako.



"Wala naman talaga masama kung lalagyan ko---" hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ng biglang ipasa saakin ni Maximillo ang hawak niyang gulay. "So ayun nga." Pagpapatuloy ko habang nilalagay ang gulay sa loob ng cart. "Si Jason ko—" napapikit naman ako dahil hinampas niya ang petchay sa mukha ko.

TS#1 : SAME OLD LOVEWhere stories live. Discover now