MM : 40

1.2K 53 25
                                    

Rosercl's POV


Naguguluhan na nakikipagtitigan ako kay Maximillo ngayon paano ba naman ay basta na lang niya ako hinila papunta sa opisina niya pero wala kahit ano man sinasabi pagkatapos isarado ang pintuan. "Anong masamang nilalang nanaman ba ang pumasok sa utak neto?" sambit ko sa isip ko habang hindi pa rin inaalis ang pagkakatitig sa kanya.


Tumikhim ako ng mahina para kahit paano ay mawala ang tension sa pagitan namin dalawa. Mukha naman napansin nito ang ginawa ko kaya agad naman umupo si Maximillo sa kinauupuan niya at humalukikip habang naka tingin saakin.


"Tawagin mo si Policarpio." Sambit niya saakin nagsalubong naman ang kilay ko pero agad naman akong sumunod binuksan ko ang pintuan palabas na ako nang bigla ulit siyang magsalita. "Hanggang dyan ka lang."


Bumali naman ako sa kanya at nilagay ang magkabilang kamay ko sa bewang. "Paano ko siya tatawagin kung ayaw mo akong lumabas dito—" hindi pa man natatapos ang sasabihin ko sumigaw na si Maximillo at mabilis na pumasok sa loob.


"Yes sir yes sir?!" mukhang dahil sa pagsigaw ni Maximillo kay Policarpio ay nagising ang pagiging masculine niya paano ba naman ay nakasaludo pa at naka tayo nang maayos parang isang tunay na sundalo.


"Magpasok kayo nang isang upuan at table dito ngayon din." Nagtatakang nakamasid lang ako sa dalawa mukhang hindi lang ako ang nagtaka dahil ganon din si Policarpio.


"Nakuha mo ba ang sinabi ko?" tanong ni Maximillo kay Policarpio.


"No Sir---Yes Sir!" biglang bawi neto at nagmarcha paalis.


Pagsarado sa pintuan naglakad ako papunta sa pwesto ni Maximillo. "Anong gagawin mo bakit kailangan mo ang mga yon?"


"Simula ngayon dito ka sa office ko mag i-istay." Walang kahit anong emosyon ang nasa mukha niya.


"Bakit naman?"


"Bakit mo gustong malaman?"


"Mas okay ako sa labas."


"Mas okay dito makakapag focus ka." Nagtagisan naman kami nang tingin nang makaramdam ako nang pag ilang umiwas na ako nang tingin.


Sabay kaming napalingon ni Maximillo nang biglang bumukas ang pintuan. Pumasok ang apat na lalaki ang tatlo ay may dalang isang lamesa at isa naman may dala ng upuan tinuro ni Maximillo kung saan ipwe-pwesto ang mga pinadalang gamit.


"Umupo kana 'rito at may mga ipapagawa ako sayo." Nang laki naman ang aking mata nang makita ang isang makapal na folder na pinatong niya sa lamesa.


"Bakit ang dami naman ng mga 'to?!" medyo mataas na boses na tanong ko.


"Kailangan mo lang naman icode ang mga yan at pagsunud-sunod." Simpleng tugon niya.


"Ibig sabihin non kailangan ko mag overtime."

TS#1 : SAME OLD LOVEWhere stories live. Discover now