Chapter 19

30 15 0
                                    



Its been a month already


Si khalil laging andito sa clinic ewan ko ba parang walang kompanya na pinapatakbo wala naman syang ginagawa dito lagi lang akong kinukulit 


"let's go" as usual susunduin nya ko sa umaga at ihahatid sa gabi. nasa kalagitnaan ng byahe ay nakatulog ako marahang tapik sa pisngi ang gumising sakin


Nasa isang magarbong bahay kami teka hindi naman to sakin or samin nasan ba ko?


"Let's go"


"ha teka nasan ba tayo?" tanong ko


"My parents house tara kanina pa sila naghihintay satin" ano daw teka bakit naman kami andito hala


"Teka bakit ba tayo andito tsaka nakakahiya naman tignan mo hindi ako prepared"


Hindi na sya sumagot bagkos ay hinila nya na ko papasok ng bahay. Isang modern glass house ito kulay puti halos ang mga pigura nito


"Mom andito na po kami" isang matangkad at sopistikadang babae ang sumalubong samin


"Hijo ... you must be Gabrielle alam mo ba lagi kang naiikwneto sakin ni Khalil ko" ngumiti na lang ako sa kanya


"Hi po Gabrielle po pero Gab na lang po nice to meet you po ulit Ma'am" dapat itatas ko ang kamay ko ngunit niyakap agad ako ng nanay ni Khalil


"You can call me Tita or mas better mommy na lang din" suhestiyon nya


"Mom tama na yan tinatakot nyo na sya" pag aawat ni Khalil


"Let's go wala ngayon ang daddy ni Khalil nasa spain may board meeting sila dun next week pa uuwi kaya ikaw khalil dalhin mo dito araw araw si Gab para makapag bonding kaming dalawa" saad ni tita


"Sure mom"


Hindi naging tahimik ang hapag kung ano anong  tanong sakin ni tita kung bakit daw ako napunta sa pagiging doctor at ikinuwento ko naman sa kanya na hindi ko talaga gusto ang business kaya ako nag shift ng course


"Balik ka ulit dito hija na miss kong magkaron ng babae dito sa bahay si Gail kasi nag asawa na baka nga sa isang araw si Khalil naman ang sunod"


"Sure po babalik po ako dito" 


Buong byahe ay tahimik lang kami napagod ako sobrang hyper ni Tita na miss ko tuloy si Mom


"Nag enjoy ka ba.. pasensya na hindi ko agad sinabi sayo"


"Ano ka ba it's okay nag enjoy ako ang hyper ni tita.. ano sige na uwi kana gagabihin ka lalo nyan"


Until The End (COMPLETED)Where stories live. Discover now