Chapter 1 • ARE YOU IN?

40 1 0
                                        

Chapter 1 • Are you in?

GABI. Ilang minuto na ang nasayang sa buhay ko dahil lang sa kakahintay ko sa babaeng yun. Ewan ko kung may lahi ba siyang pagong o bigla nalang siyang naging matandang uugod ugod kaya siya matagal dumating.

Napagdisisyon ko ng umalis ngunit sakto naman na tumatakbo na siya palapit sa kung nasaan ako.

"Sorry marami kasing nangyari. Nasiraan yung gulong nung sinakyan kong bus tapo-"

Di ko na siya pinatapos sa pagsasalita agad kong hinawakan ang kamay niya at naglakad, di naman ito umangal sa ginawa ko.

"Wag mo ng isa isahin ang mga nangyari sayo marami ng minuto ang nasayang sa buhay ko kakahintay lang sayo"

Naramdaman kong tumigil ito sa paglalakad kaya tumigil din muna ako.

"Um, Theo di pa ba tayo kakain?" tanong nito habang nakahawak sa kanyang tyan

"Yun na nga ang gagawin natin Issah, kaya bilisan mo na dyan gutom na rin ako"

                                  -----

Kasalukuyan kaming kumakain. Tahimik kami walang mapag usapan.

"Masarap ba ang pagkain?" tanong ko at upang pagbabasag ng katahimikan

Tumango lang ito ni hindi man lang ako tinignan.

"Kung ganito tayo sa date natin hanggang mamaya umuwi nalang tayo" pagbabanta ko

"Theo sorry, sobrang sakit kasi ng ulo ko" sabi nito at tinignan ako gamit ang matamlay niyang mata.

"Bilisan mo na dyan, ihahatid na kita" sabi ko

Binilisan ko na rin ang pagubos sa kinakain ko ni hindi pa ako nabusog.

"Halika na" inalalayan ko siyang tumayo dahil baka matumba pa siya.

Hindi ito nagsasalita para siyang lasing. Ano naman kayang ginawa nito at sobrang sumakit ang ulo niya?

                                  -----

Kasalukuyan akong nagdadrive pauwi sa bahay ko. Nang makarating kami ni Issah sa bahay nila ay sakto namang nasa labas ang papa niya kaya siya na ang umalalay kay Issah papasok.

Huminto ako sa tapat ng gate namin. Alam kong di pa tulog ang guard namin kaya agad akong bumusina upang pagbuksan ako ng gate. Ilang segundo lang ay nabuksan na ng guard ang gate.

Pagkapasok ko sa bahay ay tahimik na mukhang tulog na sila kaya dumiretso na ako sa kwarto ko upang magpahinga na. Nakatulog ako agad dahil sa buong araw na pagod.

                                  -----

Naalimpungatan ako dahil sa sinag ng araw na tumatagos sa bintana. Sakto namang tumunog ang phone ko.

Tumatawag si Vigo.Agad ko itong sinagot.

"Bud!" sigaw nito sa kabilang linya

"Ano nanamang trip mo?" walang gana kong tanong

"Meron akong nahanap na website" panimula nito

Stranger's GameStories to obsess over. Discover now