Tatawa tawa ko namang tinapos ang pagkain ko at saka ako nagbihis. Dumeretso ako sa kwarto ni Gyvan at napangiti nang makitang nakatulog ito habang hawak ang lapis.

Inalis ko ang mga gamit sa higaan niya at saka ko binuksan ang unang drawer sa cabinet na nasa tabi para ilagay doon.

"Naknam-" napasigaw ako nang mahulog ang binuksan kong drawer. "Sira na pala 'to, hay na'ko"

Habang inaayos ko ang mga gamit ay may isang bagay akong napansin sa mg gamit niya.

Nanlaki ang mata ko nang makita ang pamilyar na litrato sa mga gamit niya.

"Kuya Geyo"

Nilingon ko naman ang naalimpungatang si Gyvan. "Kuya Gelo"

"Kuya Gelo hehehe"

Tinatama ko na ang pagbigkas niya sa mga letrang nabubulol siya at baka masanay.

"Teka, paano napunta 'to sa mga gamit mo?" pagtukoy ko sa hawak kong litrato.

"Hmm" aniya habang nag iisip habang nananatili ang paningin ko sa kanya. "Hindi ko po matandaan"

Iniabot ko sa kanya ang litrato, at baka sakaling matandaan niya.

"Si Ate Jannis 'to diba, kuya?" magiliw niyang tanong.

"Huh? Paano mo nalaman ang pangalan na yan?" nagtataka kong tanong.

"Kinuwento po sa'kin ni Ate Ayessa. Kasi po dati, nakita ko siya sa krarto-"

"Kwarto" pagtatama ko.

"Kwarto hehehe"

"Ano meron sa kwarto?"

"Nakita ko po siya kwarto niyo na hawak po itong piture"

Ibig sabihin sa kwarto ko niya ito nakita.

"Siya ba ang naglagay dito?"

"Opo, naalala ko po sabi niya itago niya daw dito tapos bigay daw po sa'yo hehehe pero dating dati po yon, kuya hehehe" nakangiting aniya.

"Bakit hindi mo sinabi sa'kin?"

"Eh kasi dati po yon"

Nasapo ko na lamang ang noo ko dahil napakagulo kausap ng batang 'to kahit kailan.

"Galit ka po pa ba, kuya?" nakasimangot na aniya.

"Hindi ah. Sige na, matulog kana ulit" pinahiga ko siya ulit sa higaan niya saka ko siya pinikpik upang makatulog.

Nang makatulog siya ay pinagpatuloy ko ang pag aayos nang may mahulog na maliit na papel mula sa isang libro.

Isa sa mga importanteng tao sa buhay ko si Jannis. Kaya nung malaman kong sina Dad, at Mom ko ang may dahilan nang pagkamatay ng Mama niya at anak pa siya ni Dad sa labas. Natakot ako na kapag nalaman niya layuan at kamuhian niya ako. Dahil aminado ako na hindi talaga patas iyon para sakanya. Pinagkaitan na siya ng ama pati ba naman nanay ay kukunin pa sakanya. Sobra sobra ang pagtitiis kong hindi siya pansinin at kausapin. Sinusungitan ko siya para layuan niya na ako dahil pakiramdam ko ay kasalanan ko na din ang kasalanan ng pamilya ko sa kanya. Until one day, nabalitaan namin na biktima siya Hit and Run at dead on arrival na ng dalhin sa hospital ng mga nakakita sa kanya. Wala akong nagawa. Iyak ako ng iyak nang malaman ko yon dahil nasasaktan ako kasi mahalaga siya sa'kin. Parte na siya ng buhay ko. Hindi manlang ako nakahingi ng sorry sakanya, sa kasalanan namin ng pamilya ko. Kaya nung nakita ko 'tong picture niyo, nakangiti ko 'tong pinagmasdan. Mas nauna ka pala niyang nakilala, at halatang masaya siya. Eto siguro yung unang beses na ngumiti siya, at dahil sa'yo yun, Gelo. At sa pagkakataong ito, hindi ko na ipipilit yung sarili ko sa'yo. I'm sorry sa lahat, Gelo. Naging makasarili ako. Pero ngayon magiging masaya nalang ako para sainyo ni Jannis, kahit wala na siya. Dahil alam kong kahit wala na siya, nandiyan pa din siya sa puso mo. Para kahit sa huling pagkakataon, makabawi ako. Kahit sa huling pagkakataon hindi niya maranasan ang pagkaitan. Salamat sa lahat, Gelo. Sa pagiging mabuting kaibigan sa akin at sa pagdating mo sa buhay ni Jannis. At kapag lumabas ang anak ko, Jannis ang gusto kong ipangalan sa kanya.

Hindi Tayo Pwede (COMPLETED)Where stories live. Discover now