Chapter 10

2.4K 4 0
                                    

Biyernes ng Umaga.. Matamlay akong bumangon sa kama.. Halos di ako pinatulog sa buong magdamag.. Pilit kong nilalabanan ang takot at kaba sa maaaring maganap.. 

Para akong zombie na naglakad papuntang kusina..Nadatnan ko sina Itay at Inay na masayang nag kukwentuhan sa kusina habang nag aalmusal..Hinalungk at ko ang mga kaldero.. Champorado.. Agad akong nag sepilyo at nag hilamos.. 

Matamlay akong umupo sa tapat ni Inay.. Tulala pa rin at parang wala ng ganang mabuhay..

Nagkatinginan ang mag asawa..

"Ahem.. Iho .. Mukhang matamlay ka ata?..Masama ata gising mo ah.." sabi ni Itay..

Nagkibit balikat lang ako at patuloy pa rin ang pagkatulala ko sa mesa..Tumayo si Inay at sumandok ng champurado.. Nilapag nya ito sa harap ko..

"Iho.. Kumain ka muna.. Kung gusto mong magpahinga muna.. Isara muna natin ang shop at mag relax ka muna.. Mamayang tanghali mo na buksan.." payo ni Inay..

Umiling lang ako ng matamlay at nagsimula ng mag almusal.. Muling nag katinginan ang mag asawa..

"Anak.. MAy sakit ka ba?.." sabi ni Inay..

"Wala po... DI lang ata maganda ang gising ko.." sagot ko..

Tinapos na namin ang almusal.. Nag prisinta akong mag hugas pero sinaway ako ni Inay at sinabing mag pahinga na lang..

Matamlay pa rin akong nag punta sa shop.. NAg dedesisyon kung bubuksan ko ba o hinde..

Kinuha ko ang cellphone ko upang i-check kung may txt ako.. Wala.. Lalo lang akong tinamad...

Binuksan ko ang pinto .. Pero di ko sinagad .. Humatak ako ng bangko at nilagay ko ito sa harap ng shop.. Sinulyapan ko ang bahay nila Dhea.. Sarado.. Malamang na nakapasok na ang mag ate..

Sa pagkakaalala ko sa mag ate ay lalo lang akong na depress.. Pakiramdam ko malapit na kaming mag hiwalay ni Dhea.. Mahal ko sya pero dahil sa mga kasalanan ko.. Nabuko ako ni Chichi.. Kung tutuusin dapat talaga naging loyal ako..

Muli akong napabuntong hininga at natulala..

Di ko na napansin ang oras... Halos dinadaan daanan lang ako ng mga tao.. 30 minutos ata akong natulala ng makarinig ako ng tawag..

"Psst..." sitsit ng kung sino..

Lumingon ako at nakita ko si Ate Verna nasa di kalayuan.. MAy kausap sya na lalake at malamang na sa nakikita kong sweetness nila at bagong boyfriend na naman nya ito..

Kumaway sya sa akin.. Gumanti ako ng kaway at pekeng ngiti.. Medyo nakaramdam ako ng selos ng umangkas si Ate Verna sa motor ng lalake at umalis na sila..

Muli na naman akong nag isa at natulala..

Di ko na naman napansin ang oras.. Masakit na ang tama ng sikat ng araw sa balat ko pero di ko ininda..

"Hoy!.. " narinig kong sita sa akin ng kung sino..

Pagkatingin ko ay nakita ko si Romeo na may dalang plastic.. Lumapit sya sa akin at binati ako..

"Tangnang to.. Nag susunbathing ka?.." asar nya sa akin..

Tumawa lang ako ng mahina..

"OY.. Alas diyes na di ka pa nagbubukas?..." tanong nya sa akin..

"Ewan.. PArang tinatamad ako..." sabi ko naman..

"g*g*.. Mamaya may kalaban kami.. Pag di ka nagbukas susunugin ko yang shop nyo.." asar nya..

Imbes na maasar ay natawa lang ako sa kanya..

"Sunugin mo na pre.. PAra matapos na.." sabi ko na lang..

Bantay ng Computer Shop - TRUE STORYWhere stories live. Discover now