Chapter 8

3.3K 7 1
                                    

Kinabukasan.

Alam kong umaga na.. Pero nananatiling nakapikit ang mga mata ko.. Parang tamad na tamad akong bumangon.. Di ko maintindihan pero parang may kung anung mabigat na bagay ang nakadagan sa katawan ko at parang ayaw nyang mag function.. Parang gusto ko lamang humilata buong maghapon.. Unti unti kong dinilat ang mga mata ko.. Tumingin ako sa labas ng bintana.. 

Halos pumasok na ang sikat ng araw sa kwarto ko.. Nanlaki ang mga mata ko at agad kong hinanap ang cellphone ko para tingnan ang oras..

"9:30 !.. shet !.. Tanghali na!.. ".. sigaw ko..NAsan ba naman sila Inay at Itay.. Ni hindi man lang ako nagawang gisingin para buksan sana ang shop!..

Bagamat parang mabigat ang katawan ko ay dali dali na akong bumangon at tumakbo sa banyo.. Agad akong naligo at nagsepilyo..Napamur a pa ako ng mapansin kong wala pala akong nadalang twalya.. Agad kong sinuot muli ang shorts ko at tumakbo sa kwarto.. 

Di na ako nagaksaya pa ng panahon at dali dali na akng nagbihis...Di ko na nakita kung ano ang nahatak kong damit at agad na naman akong tumakbo sa baba para buksan ang shop.. 

Di ko pa man nabubuksan ng may biglang kumatok.. Napakunot noo ako.. Ang aga aga namang nangatok nito..

Hinila ko na at binuksan ang pinto.. Tumambad sa akin ang nakasimangot na mukha ni Chichi.. Natawa ako sa itsura nya pero agad ding naglaho ang tawa ko dahil nasa likuran nya si Nicky..Muli kong isinara ang pinto at agad akong tumakbo sa banyo para magsuklay .. Sinuot ko na rin ang damit ko at dali daling nagbalik sa pinto.. Narinig kong kinakalampag na ni Chichi ang pinto at sinisigaw ang pangalan ko..

"Kuyaaa.. Buksan mo to!.. " sigaw ni Chichi sa labas..

Huminga muna ako ng malalim at dahan dahan kong binuksan ang pinto.. Nakasimangot na si Chichi.. Nakangiti naman si Nicky.. 

"Bakit mo kami pinagsarhan?.. Yabang mo ah!.." sabi ni Chichi sabay kurot sa pisngi ko..

"Eh nakita mo naman ayos ko kanina di ba?.. Ni hindi pa nga ako nakakapagsuklay e.. Sorry naman.." sabi ko sabay kurot ko rin sa pisngi nya.. 

Nakasimangot pa rin si Chichi pero maya maya ay ngumiti na sya..Napansin kong lalo syang gumaganda..Pilit kong isinisiksik sa isip ko na bata pa ito at kapatid ng babaeng pinakamamahal ko.. Kaya hands off dapat..Natawa ako sa simpleng pangaral ko sa sarili ko..

Tumaas ang kilay ni Chichi..

"Hala.. Baliw ka?.." sabi ni Chichi .. Binitawan nya na ako sabay dumiretso sa loob...Di ko na sya sinaway ng magbukas sya ng isang computer.

Naiwan sa labas si Nicky.. Iniiwasan ko syang pagmasdan dahil baka kung ano na naman ang makita ko.. Pero di ko talaga kinaya kaya pinaglakbay ko na ang mga mata ko sa kabuuan nya.. Tulad ng inaasahan ko.. NApakaganda talaga nya.. Para talaga syang foreigner.. Napakaputi nya .. Bumaba ang tingin ko sa mga legs nyang mapuputi at mahahaba.. Napakinis nito at ni walang bahid peklat... Maging ang mga kuko nya ay malinis din.. Tulad ni Dhea ay malamang na malinis din sa katawang ang babaeng ito.. Pinaakyat ko na ang tingin ko sa dibdib nya.. Malalaki ito... Di na ako nagpakaipokrito at tinitigan kong mabuti ang mga s*s* nya.. Natawa ako ng mahina ng mapansin kong nakabra na sya.. Baka ngayon lang nya naisip na nasa Pilipinas na sya.. Kahit gaano pa kainit ang klima dito.. Bihira ang mga Pinay na di nag babra lalo pag may kaharap na ibang tao..Napansin kong parang umalon alon ang dibdib nya.. NAgtaka ako kaya napaangat ang tingin ko at dumako sa mukha nya...NAnliit ako sa hiya ng makita kong nakasimangot sya.. Kitang kita nya na pinagmamasdan ko ang buong katawan nya.. Pakiramdam ko namula kahit ang dulo ng buhok ko... Yumuko na lang ako..

"Uhmm sorry.." hinging paumanhin ko..

"Sorry for what?.." takang tanong nya..

"For..for..you know what I mean.." sabi ko sa kanya at napakamot ako ng ulo.

Bantay ng Computer Shop - TRUE STORYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon