Chapter 7

7.8K 9 2
                                    

Lumipas ang mga araw... Malapit na mag UNDAS.. Masaya naman kahit papaano ang buhay ko.. Pero boring na rin ang paulit ulit na routine.. Gusto ko sana mag-aral.. Pero may katwiran sila Inay na baka mapabayaan ko ang shop pag nagpumilit pa ako na pumasok... Nuong pumapasok ako, halos hilahin ko ang mga araw para sumapit ang bakasyon at makatambay.. Pero ngayon naman na halos tambay lang ako, parang naglalaway naman ako na mag aral.. Parang ang gulo nga eh..Inggit na rin ako minsan sa mga nakikita kong mga estudyante na dumadaan sa harap ng Computer Shop...Nakakamiss din pala yung mga oras na nagkukumahog kang mag bihis sa umaga dahil sa takot na mabulyawan ka ng prof mo sa pagiging late..Napapangiti na lang ako dahil late comer talaga ako..Naalala ko tuloy yung mga dati kong kaklase.. Malamang na graduate na rin sila.. Tsk.. Pati yung dati mga ex gf ko.. Hayz...

Nasa kasarapan ako ng pag mumuni muni ng bumaba sila Inay at Itay na nakapang lakad.. Isa pa tong mga to.. LAgi na lang umaalis.. Kaya lalong nagiging boring ang buhay ko lately..

"Oh iho..Aalis na muna kame... May pupuntahan lang kame ha?..Be a good boy.." sabi ni Itay sabay kindat..

"As Always Tay.. Good to-its.." sabi ko naman..

"May pagkain na para sa tanghalian sa kusina.. Kasya na siguro sayo hanggang hapunan yon.." sabi ni Inay

"Ha?.. Aabutin na naman kayo ng gabi?.. Hanep ah.. Mukhang napapadalas ang date nyo ah?.. Baka naman may kapatid na ako nyan pag uwi nyo?.." tatawa tawa kong sabi..

Umani ako ng isang malakas na batok kay Inay.. Tatawa tawa lang si Itay habang inabutan ako ng isang daang piso..

"Oh ayan.. Pang miryenda.. Wag kang mag da-drugs ha?.." biro ni Itay..

"Kulang to Tay kung sa Drugs.. Ahaha...." sakay ko kay Itay..

"Eh di mag rugby ka...Solved ka dun anak.. Yeah!" naki high five pa ako kay Itay..

Sinabunutan kami ni Inay na lalong ikinatawa naming dalawa.. Masaya silang nagpaalam na.. Maswerte talga ako sa pamilya ko.. MAbabait at masayahin ang mga magulang ko..Mahal pa nila ang isat isa..Pinagmamalaki ko talaga sila..

Nabalik ang tahimik na atmospera ng umalis na sila Inay... Maaga pa naman para mananghalian.. Wala akong customer man lang kaya lalo kong nadama ang pagkabagot ko.. Mukang nagkakaisa ang mga tao na manatili na lang sa loob ng bahay dahil wala akong nakikitang nag lalakad man lang sa labas.. Mga asong ulol lang ang nakikita kong nag sisigawan sa labas..Hays...

Nagbukas ang ng Facebook Account ko.. Medyo na excite ako ng makita kong may 2 akong unread messages.. Dali dali ko itong sinilip.. Nakita kong nag message si Ate.. Pinagmamalaki nya na may Facebook na sya..

"Para yan lang eh".. sagot ko sa message nya..

Binuksan ko ang isang message.. Medyo curious ako sa isang ito dahil di ko matandaan ang name nya..

"Bhouxsh Chixckahzs.. Putangnang pangalan yan..JEJEMON!.." sa isip isip ko..Nakakatawa talaga ang mga ganitong uri ng kabataan ngayon.. NApakagastos sa letra.. Pwede namang isulat sa simpleng paraan .. , bakit hahabaan pa?.. parehas din naman ang meaning?.. Tangna talaga..

Bantay ng Computer Shop - TRUE STORYWhere stories live. Discover now