Ilang subjects din ang lumipas. Hindi ako napag initan ni Ma'am Francisco dahil mukhang good mood siya. Matapos ang ilang subjects ay recess na kaya naman lumapit na sa akin si Eligia at Josh.

"Kamusta naman kahapon?" Bungad na tanong ni Eligia. Napatingin naman ako kay Josh na nakatingin lang sa aming dalawa.

"A-ayos naman," ngiti 'ko bagamat pilit.

"Mukha namang hindi!" Pang aasar niya.

"Sira! Ayos naman! HAHAHA! Pumunta kasi kaming mall for the second time! Nakapunta ako sa mall dito!" Kunwari ay masaya 'kong ani.

"Anong ginawa niyo do'n?" Tanong niya.

"Nag Jollibee!" Kunwari ay masigla 'kong ani.

"Tapos?" Kunoot noong tanong ni Eligia.

"30 minutes lang ang recess," singit ni Josh.

"Oo nga naman! HAHAHA! sa Food court na lang tayo mag kwentuhan," sabi 'ko kay Eligia.

Inirapan naman ni Eligia si Josh. "Panira!" Sigaw niya rito.

"Ano?" Kunot noong baling ni Josh kay Eligia.

"Wala!" Sigaw nito saka ako hinila palabas ng Classroom. "May regla ba 'yon?" Tanong niya sa akin.

"Mukha ba akong babae?" Singit ulit ni Josh na nasa likod na pala namin.

"Slite!" Pang aasar ni Eligia rito.

Josh rolled his eyes. I laugh.

"Tinatawa tawa mo dyan?" Tanong ni Eligia habang si Josh naman ay nasa harap namin. Nangunguna sa paglalakad.

"You look cute together!" Pang aasar 'ko.

"Tigilan mo 'ko, Carrie Ann!" Sigaw niya.

"Totoo naman!" Sigaw 'ko saka umirap.

"Dukutin 'ko 'yang mata mo e!" Sigaw niya na ikinatawa 'ko.

"Tara na nga! Siraulo! Nagugutom ako!" Natatawa 'kong ani saka siya hinila papuntang foodcourt. Si Josh na kasi ang bumibili ng food para sa amin e.

"Alam mo! Nakakasakit ka ng damdamin!" Sigaw niya habang tinatahak namin ang daan papunta sa Foodcourt.

"Ha? Bakit?" Inosente 'kong tanong.

ELIGIA's POV

Minsan tanga talaga 'tong si Carrie e! Inaasar ako kay Josh e kitang sakaniya nga may gusto! Saka hindi niya kaya naiisip na masasaktan or nasasaktan si Josh sa tuwing inaasar siya sa iba?

"Kitang sa'yo may gusto 'yung tao tapos aasarin mo sa'kin! Sira!" Sigaw ko.

"Para nga hindi 'ko na siya masaktan! Hindi niya kaya Deserve!" pabulong niyang sigaw dahil nasa harap namin si Josh.

"E 'di mahalin mo na lang pabalik!" Sigaw 'ko.

"Kung gano'n lang sana kasimple, Eligia.." Malungkot niyang ani.

"Mas mapapabilis ang pagkalimot mo kay Jeremy kapag tinry mo!" Sumigaw ako ng mas malakas dahil nag iba na ng daan si Josh dahil papunta siyang Canteen habang kami ay papuntang Foodcourt.

"'yun ang isa sa problema ko ngayon!" Malungkot niyang sigaw.

"Bakit?" Tanong 'ko bago pumasok sa Foodcourt.

"Nanghingi kasi si Jeremy ng chance.." Mahina niyang sabi.

"At malamang sa malamang ay pinagbigyan mo, TAMA?!" Naiinis 'kong sabi.

"O-oo e..." Tila nahihiya niyang sabi.

"Pano siya nanghingi ng chance? Like anong ginawa niya naman para bigyan mo siya ng chance?" Mataray 'kong tanong. Nakakacurious kasi! Masyadong madali e!

"Bibigyan niya dapat ako ng Sunflower at books na kulay Black, kaso.." Ihininto niya ang pagsasalita.

"Kaso?" Mataray 'ko paring tanong.

"Hindi 'ko tinanggap.. Hehe.." Ngiti niya.

"Naku!!! Pinapakilig ka lang niyan! 'wag kang masyadong magpahalata! Tanga ka pa naman!" Sigaw 'ko sa kaniya para naman matauhan!

"Napaka sama mo sa'kin!" Sigaw niya. Inirapan 'ko lang siya.

Oh oh
(Pag ibig, oh oh)
(Oh oh)
(Pag ibig, oh oh)

Wala namang nagpapatugtog sa loob ng Foodcourt ah? Sino naman ang nagpatugtog no'n? Ngayon 'ko lang mapansin na kami lang pala ni Carrie ang nandito! Anong nangyayari? Mukha akong shunga dito!

Bakit ganito ang nadarama
Makita lang kita ng isang saglit
Ang araw ko ay buong buo
Sa Gabi ikaw ang panaginip
Dahil sa iyo puso ko'y sumasayaw
Isip 'di mapakali ngiti ay laging nasa labi

Nakita 'ko si Carrie na nakangiti. Parang shunga lang! What's going on, Earth? Mama!!!

CARRIE's POV

I know who is this! It's him again. Akala 'ko nakalimutan niya na..

LOVE CAN HURT Where stories live. Discover now