"K-kuya.." Nahihiya 'kong saway dito.

"Bakit?" Inosente niyang tanong.

"Bryan Carlo, tumahimik ka diyan. Kumain na lamang kayo," singit ni mama. Natahimik si Kuya hanggang sa matapos kaming kumain.

Naunang umalis si kuya ngunit ang ipinagtaka ko ay sa likod bahay siya dumaan. Nang makakita siya ng kotse sa labas ay sinabi niyang sa likod siya dadaan para raw mabilis. Nakakapagtaka pero ayaw 'ko nang kulitin pa si kuya. Nakatulala lang ako habang 'iniintay si Josh na bumaba 7:30 na at 8:00 ang klase. Napaka bagal naman ng lalaking 'yon!

"Carrie Ann," tawag ni mama.

"Po?" Baling 'ko rito.

"Anong napagusapan ninyo ni Jeremy kagabi?" Tanong nito.

"Nanghihingi po kasi siya ng chance e," nahihiya 'kong sabi.

"Binigyan mo naman ba?" Tanong niya.

"Opo," nahihiya 'ko paring ani saka napakamot sa batok.

"Palagi mong tatandaan ang sinasabi ng mommy at daddy mo ha? Once is thrice, Twice is two--- ano nga iyon?" Natawa naman ako sa kaniyang sinabi.

"HAHAHA! Mama! Once is enough, twice is too much, thrice is very much. 'yon HAHAHA!" natatawa 'kong ani.

"Yoon na pala! pinahihirapan mo pa akong mag ingles! Ang batang ito!" Biro niya.

"Tara na, Carrie." walang ganang ani Josh mula sa hagdan.

"Mag iingat kayo, Carrie hija." Ngiti ni mama. "Josh, ingatan mo si Carrie at siyempre ingatan mo ang iyong sarili!" Masiglang paalala ni mama.

"You don't need to remind me of that po," ngiti niya.

"Ano ang sinabi niya, Carrie Ann?" Tanong ni mama.

"Hindi niyo na raw po kailangang ipaalala, mama." Ngiti 'ko.

"Sabagay!" Pang aasar niya sa amin ni Josh.

"Mauuna na po kami, mama." Pagpapaalam 'ko rito.

"Mag iingat kayong dalawa!" Sigaw niya nang maka tapat ako sa pinto samantalang si Josh naman ay nasa tapat na ng kaniyang kotse. Nginitian 'ko si mama saka ako kumaway at dalidaling lumabas ng bahay saka sumakay sa kotse ni Josh.

"Fragile," masungit na ani Josh.

"What?" I rolled my eyes.

"Just saying the truth," masungit niya pa ring ani.

"Bwisit!" Naaasar 'kong sabi. Hanggang sa makarating school ay hindi na siya sumagot sa halip ay tinuunan niya na lang ng pansin ang daan.

Nang makapasok sa gate ng school at nang ihinto ni Josh ang kaniyang kotse ay nagmamadali akong bumaba. Baka kasi malate ako at mapaginitan nanaman ni Ma'am Francisco! Nang makitang nagsisilabasan pa lamang ng faculty room ang mga teacher ay mas binilisan ko ang aking paglalakad.

Nang makarating sa tapat ng Classroom ay nagmamadali akong pumasok. Nakita 'ko si Eligia na napatingin sa akin. Nginitian 'ko lang siya saka ako dumeretso sa aking upuan. Hinanap ng aking mga mata si Jeremy ngunit wala siya. Hindi 'ko alam pero gusto 'ko talaga siyang nakikita. Kasabay ng pagpasok ni Josh ang pag pasok ni Ma'am Francisco. Maligayang bumati sa amin si Ma'am. Malamang ay dahil kasabay niya 'yung crush niya.

LOVE CAN HURT Where stories live. Discover now