Prologue

625 23 0
                                    

"May dinaramdam ka ba, prinsesa?" tanong saakin ng aking tagapagsilbi. Tumingin ako sa kanya at saka ngumiti.

"Wag kang mag alala, ayos lang ako"

Umiling ito.

"Ang iyong labi ay nagsasabi na ikaw ay ayos lang pero ang iyong mga mata'y nagsasabi ng kabaliktaran"

Bumuntong hininga ako at tumingala sa kalangitaan. Kitang kita ko ang mga nagkikislapang mga bituin pero mas nangingibabaw ang kislap ng buwan.

"Tungkol ba ito sa heneral?"

Napatingin ako sa kanya.Umiling ako kahit alam ko sa sarili ko na totoo ang tinutukoy niya.

Ang heneral.

"Sa totoo lang prinsesa, ilang beses ko nang nakikita ang heneral na sumusulyap sayo" napangiti ako ng mapait.

'Hindi ako ang sinusulyapan niya, kundi ikaw...'

Umiibig ako nang patago sa isang heneral. At ako'y lubos na nasasaktan sa katotohanang hindi ako ang nasa puso nito.

Taliya's Secret [ON-GOING]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant