Chapter 16: Love and Home

Start from the beginning
                                    

"Deactivate your account," utos ni Terrence. "Huwag mo na ring basahin ang mga messages sa'yo. Hindi iyon makakatulong."

Sinunod niya ang utos ng asawa. May plano naman talaga siyang mag-deactivate talaga. She just thought some people in the office is on her side. Pero kahit isang encouraging message, wala naman siyang natanggap. Si Madam Lilou lang ang direkta niyang nakakausap at nagpapalakas ng loob niya.

Nang nasa counter na sila at nagpa-punch na ng mga pinamili nila, na-deactivate niya na ang lahat ng social media accounts. "I'll miss posting on my IG stories..."

"Use my account instead," ani Terrence. "Hindi ko naman ginagamit iyon. Ginawa ko lang iyon para makita ko mga posts mo."

"At para mag-like."

Ngumisi ito. "At para mag-like."

Napalabi siya. "Nakakatakot ka minsan. Para kang stalker. Anyway... I'll just use my Akuou app. Ang dami ko na palang followers doon! Nasa three thousand na!"

At her most down times, she can still use the app and record her prayers. Marami pa ring nakikinig. Minsan nga ay nahihiya na siya dahil umiiyak pa siya sa recordings niya. But the listeners kept on listening to her, emphatizing with her, and sending her support and encouragements.

Hindi niya kilala ang mga taong iyon, pero it's enough proof how God can reassure her through people she haven't met but can understand her heart and faith.

"Kapag hindi na 'ko nakabalik sa GHC, magsisimula na lang ako ng sarili kong podcast page here in Paris," sabi niya kay Terrence. It's supposed to be a light joke, but Eunice was thinking why not continue what she's doing?

"That's a good idea. Pero bakit mo naman naiisip na hindi ka na makakabalik sa GHC?"

She handed her card to the cashier to pay. "Parang kahit malaman naman nila ang totoo, hindi ko na gustong bumalik at mapalibutan ng mga taong pinaulanan ako ng hate messages. I mean, I can forgive. But it does not mean I need to continue working with them."

"I get your point."

"Hindi ba? Marami pa rin namang ibang fashion houses dito sa Paris. Maiintindihan siguro ni Madame Lilou kapag gusto kong lumipat oras na ma-clear ang pangalan ko."

Speaking of, it's been a week and Madam Lilou's investigation has reached a dead end. Napatunayang hindi galing kay Claudine ang email. Wala nang ibang ma-trace ang mga cyber police.

Napatingin siya sa asawa. Nahihiya lang siyang itanong kung may progress pa ang ginagawang sariling investigation ni Lucien. Hindi pa rin talaga siya comfortable na humingi ng tulong sa lalaki.

Pero nang pauwi na silang mag-asawa sa apartment habang sakay ng Uber ay hinarap niya ito. Hindi niya rin mapigilan.

"Any news from Lucien?"

Napabaling sa kanya si Terrence. "They are still investigating. May dalawa silang na-trace na tao. Pero under surveillance pa."

"D-Dalawang tao? Sino?" Bumilis ang tibok ng puso niya.

Nagkibit-balikat ito. "Ayaw sabihin ni Lucien. Ayaw daw niyang mag-namedrop habang hindi kumpleto ang ebidensyang hawak ng team niya." Inakbayan siya nito. "He'll tell me once his hired detectives accumulated enough proof to arrest the people who defamed you."

Although she's aching curious, she tried to understand Lucien's decision. Mahirap nga naman magturo lang nang wala pang sapat na ebidensya.

Love at its Greatest (Love Series #3)Where stories live. Discover now