Chapter 16: Love and Home

Magsimula sa umpisa
                                    

"Have a safe flight tomorrow!" bilin sa kanya nito. "Huwag mo masyadong alalahanin ang mga nagaganap dito sa Paris. Relax with your family. We'll keep in touch, okay?"

She sighed and nodded. "Medyo nalulungkot lang ako, Tita. Sa walong buwan ko dito sa Paris, hindi man lang ako nakapag-share ng gospel sa dalawang kaibigan ko... Parang hanggang pray and care lang po ako sa kanila."

Hinaplos nito ang braso niya. "Sometimes, we think we did a little when we actually made enough. Adelie and Soleil will come to know Christ as long as you continue to pray for them. Malay mo, iba pa ang gustong gamitin ng Diyos para may mag-share sa kanila. Pero ikaw ang ginamit ng Diyos para mag-pray muna para sa kanila. That's big enough, Eunice. Alright?"

"Oui," she nodded. "I'll continue to pray for them, Tita. I really love them both so much."

"Please do. They are so blessed to have a friend like you. You also pray for the handsome one right there, ha?" sabay turo nito kay Terrence na nakikipaglaro sa mga bata. "He looks a little bit troubled."

Tumango si Eunice. Alam naman niya kung anong mga iniisip ng asawa. Hindi man lahat, pero, halos lahat.

"You pray for your husband's protection, always. He's the head of your family. Kaya mas malakas ang temptations and spiritual attacks," paalala pa ni Tita Gena.

Tumango si Eunice. "He's very cautious din naman, Tita. Alam naman niya kung saan siya mahina. Terrence is too soft and sensitive. Sa lahat ng tao."

"Napag-aawayan niyo?"

"Depende po kung kanina siya soft and sensitive," natatawang sabi niya. "Hindi naman po siya madikit sa babae. Pero sa three years naming marriage, mahilig po bumalik 'yung mga ex-girlfriend niya."

Natawa na rin si Tita Gena. Alam naman kasi nito ang buong kuwento nilang mag-asawa.

"Mukha namang kahit sinong bumalik, hindi ka niya ipagpapalit."

Eunice giggled. Confident at secured naman siya sa love ng asawa niya.

Nang makapagpaalam na si Eunice sa lahat ng tao sa church ay umalis na rin sila ni Terrence. They're going to shop for last-minute pasalubong.

"Sayang at busy na si Soleil. Hindi na kami nagkita bago man lang tayo umalis," aniya habang nakatayo sila sa counter at naghihintay na sa pila para makapagbayad.

Tumingin sa kanya si Terrence. "Hindi mo na siya ma-contact?"

Umiling siya. "Nasabi niya naman na uuwi siya sa parents niya sa province. Wala daw madalas signal doon dahil malapit na halos sa mga bundok."

"May lugar pa ba ngayong walang signal?"

"Sabi niya, eh." She pouted. "Oh, well. Mukhang nag-e-enjoy naman siya kasama ang family niya. I'll give her that."

Mahabang-mahaba pa ang pila kaya nag-check muna siya ng social media accounts.

Napabuntong-hininga siya nang makitang madami pa rin siyang nare-receive na hate emails mula sa ilang katrabaho. Ang iba ay kasama pa mismo sa team niya.

She logged out her office email. Pagbukas niya ng Facebook ay ganoon din. She was flooded with malicious chats. Ang iba ay galing pa sa mga lalaking katrabaho. They were asking her if how much for "a night" with her.

Napabuga siya ng hangin at ipinakita iyon kay Terrence. Nagsalubong agad ang mga kilay nito.

May mga pinindot ito sa phone niya. Maya-maya, pagbalik sa kanya ng phone ay naka-block na lahat nang nagpadala sa kanya ng mga messages.

Love at its Greatest (Love Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon