Chapter 4

23 2 2
                                    


Chapter 4

Matapos kong maligo ay nagbihis na ako. Habang pinapatuyo ko ang buhok ko ay biglang napadako ang tingin ko sa jacket na maayos na nakalapag sa aking kama.

Lumapit ako rito at umupo sa kama. Kinuha ko ang jacket para sana malabhan, pero nabaling ang atensyon ko sa matigas na papel na nakabalot sa envelope na nahulog mula sa jacket. Yumuko ako para kunin ito.

"Leyn, pinapatawag ka ni mama. Kakain na raw tayo. May dala kasi silang pagkain, mainit pa 'yon kaya tara na!" Dahil sa biglaang pagpasok ni Ate sa kwarto ay muntik ko nang maihulog ang envelope na hawak ko.

"Opo. Susunod na ako." Ngumiti ako sa kaniya pagkatapos ay sinara niya na ang pinto.

Napatingin ako sa envelope at napagpasyahan na iwan na lamang ito sa study table ko. I don't want to pry to that mans business. He deserves to have his privacy.

Bumaba na ako at nadatnan na nakaupo na pala silang lahat sa mesa maliban kay Kuya na naka on duty pa. Mukhang kakarating lang nila mama base sa suot nila na damit.

"Kumain ka pa, Leyn. Wag ka nang mahiya. Alam naman namin na paborito mo 'to eh." Natatawang sabi ni mama habang binibigyan ako ng fried chicken mula sa jollibee.

Gusto ko sanang sabihin kay mama na busog pa ako at kakagaling lang namin sa jollibee kanina, kaya lang ay baka magtampo si mama lalo pa at minsan lang sila bumili ng pagkain mula sa mga fast food chain.

I gave her a small smile as I forced myself to eat. Not that bad, at least nakikita ko na masaya sila mama dahil na appreciate namin ang dala nila. I'm so blessed and grateful to have them.

Pagkatapos naming kumain, boluntaryo kong hinugasan ang mga pinagkainan namin. They're all tired from work, deserve nilang magpahinga.

Umakyat ako sa kwarto ko at kinuha ang libro na may pamagat na A Thin Dark line. It is a mystery thriller novel. Humiga na ako sa aking kama.

Sa gitna ng pagbabasa ko ay biglang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko ito at nakitang isang notification pala iyon mula sa Facebook. Binuksan ko ito at napakunot ang noo ko sa nakita ko.

Yusuf Gavin Martinez added you on Facebook

Hindi na ako nag-atubiling idecline ang friend request niya. Hindi ko naman kasi siya kilala at baka mamaya ay maloko pa ako 'nun. Nagpatuloy na lang ako sa pagbabasa hanggang sa nakatulog ako.

Tanghali na ng magising ako kinabukasan. Pagbaba ko ay wala na sila mama at papa. Malamang ay nasa trabaho na silang dalawa. Kahit sabado ngayon ay kumakayod pa rin sila para suportahan ang pang-araw-araw na pangangailangan namin.

"Leyn, aalis na ako ah? 'Wag kang mag-alala, mahimbing pa namang natutulog si Rhyme. Tsaka day off ng Kuya mo ngayon, umalis lang siya para mag grocery pero babalik rin iyon agad." Pag-papaalam ni Ate habang inaayos ang mga gamit niya. Tumango na lang ako bilang tugon ko.

Pupunta kasi siya sa Dumaguete para tingnan ang progress ng bahay na pinapatayo nila mama at papa. Gusto sanang personal na puntahan iyon ni papa, kaya lang ay hindi siya pinayagan ng kanilang engineer.

Lumabas na siya ng bahay kaya dali dali na akong nagluto ng makakain namin ni Rhyme. Aakyat na sana ako para tawagin si Rhyme pero nasa sala na pala siya at nanonood ng tv. Lumapit ako sa kaniya at hinagkan siya.

"Good morning babe! I cooked your favorite hotdog. Plus may sinangag din doon so tara na habang mainit pa." Paglalambing ko sa pamangkin ko.

"Tita, may tumatawag sa phone mo kanina. It was so noisy and it is annoying." Nakakunot noong sabi niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 17, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Strangers With MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon