II. The World God Only Knows

43.7K 1.4K 197
                                    

II. The World God Only Knows

Napasinghap ako at biglang napabangon sa aking kinahihigaan. Hinahabol ko ang aking hininga na para bang tumakbo ako ng ilang kilometro. Tumatagaktak din ang pawis sa buo kong katawan na para bang may ginawa ako para pagpawisan ng ganito. Mabilis kong inilingon ang aking ulo para tingnan kung nasaan ako. Napakunot ang aking noo nang makita ko ang aking sarili na nakahiga sa sarili kong kama.

Pabagsak akong humiga sa aking kama. Panaginip lang ba ang nangyari kagabi? Kung panaginip lang iyon, ibig sabihin ay hindi ako nagsleepwalk? Pero imposible iyon. Ngunit paano ako nakabalik dito? Wala akong maalala kagabi na lumakad ako pabalik dito.

Muli akong bumangon at lumakad patungo sa salamin. Ganoon na lamang ang aking pagtataka nang makitang nakabenda ang aking braso at binti. Kung gayon, hindi panaginip ang nangyari kagabi. Pero anong nangyari sa lalakeng nakita ko kagabi? Nasaan na siya?

Iniiling ko na lang ang aking ulo. Hindi ito ang oras para isipin ko pa ang isang katulad niya. Ang mahalaga ay nakauwi ako ng maayos dito sa bahay. Kung sino man ang nag-uwi sa akin ay tahimik na lamang akong magpapasalamat sa kanya.

Tumingin ako sa orasan at napamura na lamang ako sa aking isipan nang makita na tanghali na pala. Huli na para pumasok pa ako sa ekswelahan. Siguro ay hindi na ako hahabol pa. Wala din naman akong mapapala sa pagpunta pa doon dahil puro pambubully lang naman ang gagawin nila sa akin. Mas magaling pang magpahinga na lamang ako dito sa bahay.

Lumabas na ako sa aking kwarto at dumiretso sa may banyo para maligo. Napakunot ang aking noo nang marinig na tumutulo ang tubig mula sa gripo. Nagkibit-balikat na lamang ako. Siguro ay nakalimutan ko lang na patayin kahapon hanggang sa mawalan na ng tulo.

Hinubad ko ang aking damit at lumakad patungo sa kinaroroonan ng gripo. Tinabig ko ang kurtinang naghihiwalay nito mula sa kinatatayuan ko ngunit nanlaki ang aking mga mata nang makita siya na hubo’t-hubad at basang-basa ang buong katawan.

“AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!”

Mabilis kong isinara ang kurtina at kinuha ko ang aking mga damit na nakalaglag sa sahig. Mabilis akong nagbihis at tumakbo palabas ng banyo. Pabagsak kong isinara ang pintuan at sumandal doon.

Anong kagaguhan ang nakita ko?! Bakit siya nandoon?! Anong ginagawa niya dito?!

Ang lakas ng kabog ng aking dibdib dahil sa sobrang kaba. Kasalukuyan pa din akong nakasandal sa may pinto dahil oras na umalis ako doon ay baka mapaupo na lang ako sa sahig. Nanginginig ang tuhod ko at hindi ko pa rin maalis sa aking isipan ang karumaldumal na bagay na nakita ko mula sa kanya.

AHHHH! HINDI PWEDE ‘TO! KAILANGAN KONG IALIS SA ISIP KO ‘YON!

Napairit na lamang ako nang biglang bumukas ang pintuan sa banyo at dahil sa nakasandal ako doon ay naramdaman ko na lamang ang aking sarili na nalalaglag. Ipinikit ko na lamang ang aking mga mata at hinayaan na lamang na maramdaman ang sakit na idudulot ng pagbagsak ko pero naramdaman ko ang malambot niyang kamay sa aking likudan.

Iminulat ko ang isa kong mata para tingnan siya at muli akong napapakit nang makitang wala pa rin siyang suot na damit.

“W-Walanghiya! A-A-Anong ginagawa mo sa bahay ko?!” nakapikit na sigaw ko sa kanya.

Narinig ko ang nang-uuyam niyang tawa. “Hindi mo ba alam na nagpapakita ka na wala kang galang dahil nakapikit ka habang nakikipag-usap sa isang tao?”

“W-Wala akong pakealam! Paano naman ako titingin sa’yo kung wala ka man lang saplot?! At isa pa, sinong may sabi sa’yong mag-aksaya ka ng tubig?!” bulyaw ko sa kanya.

The SomnambulistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon