Kabanata 17

244 10 0
                                    

River's POV


"S-seryoso ba?" Di-makapaniwalang tanong ko na ikinatawa niya. Tingnan mo! Tingnan mo! Nakuha niya pang magtawa! "A-alam mo naman na h-hindi pwede R——"


"Wala akong pakealam." Pagpuputol niya sa sasabihin ko kaya mas lalo akong hindi makapaniwalang napatingin sa kaniya. Nababaliw na ba siya?? "Alam kong gusto mo ko,"


Hala!!!!!!


"at alam ko 'rin naman sa sarili kong gustong-gusto kita."


Agad akong napalingon sa kaniya dahil sa sinabi niya. "G-gusto mo ko?" Pag-uulit ko na ikinabuntong-hininga niya. Nauubusan ng pasensya. Huhu eh, hindi nga kase ako makapaniwala!


"Sobra." Napatigil ako sa sinabi niya at naghintay pa ng kasunod bago bumuntong-hininga.


"Riciardelli ako, Rio. Petruccelli ka naman. Alam mo naman kung anong mangyayari kapag nalaman nila 'to diba? Matagal ng kasunduan 'yu——"


"Hindi mo ba ako gusto?" Biglang tanong niya na ikinamaang ko. Ano bang sinasabi niya? Bakit niya ako tinatanong ng ganiyan? "Hindi?"


"G-gusto."


"Yun naman pala, eh. Bakit sinasabi mo pa 'yan?" Pikon na tanong niya sa 'kin. Eh, bat sa 'kin siya nagagalit? Bakit parang kasalanan ko?!


"Eh, baka lang kase——"


"Tss. Lumapit ka dito." Utos niya sa akin. Nakaupo kasi siya doon sa bintana ko kaya dahan-dahan akong lumapit. Gusto ko pang magulat nang hawakan niya ang kamay ko at ilagay ang iilang hibla ng buhok ko sa likod ng tainga ko. "Ang ganda mo."


"R-rio," Tumingin siya ng diretso sa mga mata ko at ngumiti. Shit..'yung puso ko.


"Ano naman kung nagmula tayo sa magkabilang angkan? Magiging Petruccelli ka na 'rin naman."


Wahhhhh!!!!!!! Ang bilis na lalo ng tibok ng puso ko!!


"T-tss. Hindi mo naman sigurado 'yun." Nakasimangot na sabi ko na ikinatawa niya. Tingnan niyo! Nakuha niya pang tumawa!


"Sigurado na ako dun. Ngayon palang ako nagkagusto ng ganito sa isang tao at sigurado akong hanggang dulo na 'yun."


Eh? Desidido pala talaga siya.


"Ako din naman ah! Ikaw palang ang nagugustuhan ko!"


"Talaga?"


"O-oo." Wahhh! Nahihiya ako!! Nahihiya ako sa kaniya!!


"Tss."


"Totoo nga!"


"Wag ka maingay. Tss. Baka puntahan ka ng kapatid mo dito." Reklamo niya na ikinatawa ko. Takot pala kay kuya 'to, eh.


"Oo nga pala, anong sinabi sa'yo ni Kuya?"


"Wala."


"Ganon katagal akong naghintay tapos hindi pala kayo nag-usap?" Nanghihinayang na tanong ko. Edi sana pala inuto ko na si Kuya nung mga oras na 'yun! Ano ba 'yan! edi, sana hindi na ako umalis doon!


Battle Of HeartsHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin