Chapter 8

94 5 0
                                    

Venice's POV

Sunday na ng gabi ngayon at tapos na kaming kumain ng dinner, si Eriol na ang pinaghugas ko dahil tamad ako,  nung una ayaw niya pero wala siyang nagawa dahil iniwan ko siya mag isa doon.

Hindi ko man nga siya tinulungan magligpit ng pinagkainan at agad ng pumunta sa kwarto ko.

Ilang sandali pa ay nakatulog nako.

Nakaramdam ako na may tumatapik sa pisngi ko kaya bahagya kong minulat ang mga mata ko.

Hindi pa malinaw ang paningin ko pero alam kong si Eriol ang gumigising sa akin.

Niyugyug niya ako dahil ayoko pa talagang bumangon inaantok pa ako. Sinabi ko na 10 minutes pa pero hindi niya ako pinagbigyan at pilit akong tinatayo.

Sa sobrang inis ko tinulak ko siya at lumabas na para maligo. Pagkatapos kong maligo ay bumaba na ako pero hindi na ako kumain pa ng breakfast dahil nawala ako sa mood.

Sumakay na ako sa kotse niya at hinayaan siyang ihatid ako sa school. Bumaba na ako pero malayo ng konti sa gate ng school namin dahil wala pa namang nakaka alam ng tungkol sa amin ni Eriol. Maliban sa mga dumalo sa kasal namen.

Pumasok ako sa school at nakita ko sila micah na papasok na sa room. Pagpasok ko ay nakita ko si Blake na nakikipag usap sa mga kaklase naming lalaki.

Napatingin sila sa akin pero agad din naman umiwas. Nagulat pa yung mga kausap ni Blake kase sa tuwing pumapasok na ako siguradong yayakapin niya ako ng mahigpit at sasamahan papunta sa upuan ko.

Kaya lang hindi niya yon ginawa dahil ang awkward naman kung gagawin niya yon eh tinapos na nga namin yung relasyon namin nung gabing yon.

Pero hindi ko rin naman maiwasang hindi mamiss ang mga ginagawa niya nung kami pa.

Natapos na ang mga ibang subject namin at break time na. Lumabas na kami pero hindi sumabay sa amin si Blake.

Nakaka panibago lang kasi nung isang araw lang ayos pa kami pero ngayon bigla nalang kaming nag iiwasan sa isat isa na parang walang pinag samahan.

Ang sakit lang sa pakiramdam na iwasan ka ng taong mahal mo at ganun din ang ginagawa mo. Parang saksak sa puso ang mga nangyayari.

Sa tuwing naalala ko yung ginagawa namin dati mas lalong akong nasasaktan. Mahal ko siya at walang nabawas sa pagmamahal ko sakanya kahit na kasal na ako sa iba, kahit na tapos na kami.

Hindi parin nagbabago ang paningin ko sa kanya at kahit kailang hinding hindi yon magbabago.

Pumasok na ulit kami sa next subject namin. Naghintay kami ng ilang minuto bago dumating ang guro namin physical education.

Nag stretching muna kami at warm up bago mag perform sa isang sayaw na matagal narin naming inensayo.

Isa isa ng nag perform ang magkaka pareha at kami na ni blake ang sasayaw. Noong nag eensayo ay parang normal lang sa amin pero ngayon kinakabahan at na awkward ako sa sitwasyon.

Kami na ang huli at kailangan ko na itong panindigan.

(Imagine first dancer in multimedia as blake and Venice)

Natapos na ito at nabingi kami sa palakpakan at sigawan ng mga kaklase namin.

Buti nalang ay hindi ako nagkamali kahit na kabang kaba ako kanina. Hindi ko pero parang may koneksiyon ang kanta at sayaw namin sa mga nangyayari sa aming dalawa ngayon.

Natapos na ang klase pero bago lumabas ng room si Ms. Yumi ay tinawag niya ako dahil may pag uusapan daw kami.

Sumunod ako sa kanya hanggang sa office niya. Pinaupo niya ako at nagsimula na siyang magsalita.

Forced Marriage Where stories live. Discover now