Chapter 1

1 0 0
                                    

_SyVentre_

"Psst" sitsit ko kay Nicole na abala sa pagkokopya ng mga sinusulat sa pisara.

Hawak hawak ko ang isang envelope na puno ng mga palamuting heart stickers. Naglalaman ito ng sulat na ginawa ko para sa taong nagugustuhan ko ng mahigit limang taon. Grade 3 palang ako nun at proud ako na sabihin na humahanga parin ako sa taong yun gaya nung mga panahong una ko siyang makita.

Lagi kong ipinagdadasal noon na sana ay pagbigyan man lang ako ng tadhana na maging kaklase ang nagugustuhan ko. Ngunit mukhang may pagkadisgusto sakin ang tadhana kung kayat hindi niya tinutupad ang kahilingan ko.

Nakakainggit nga ang kaibigan kong si Nicole dahil tatlong beses na niyang naging kaklase ang taong nagugustuhan ko. Haist! Napakaswerte nga naman niya.

"Ito yung letter ko kay crush. Siguraduhin mong ibibigay mo to sa kanya ha" bulong ko sa kanya habang dahan dahan na binibigay sa kanya iyong pinaghirapan kong liham para sa taong nagugustuhan ko. Palingon lingon din ako sa titser namin dahil baka mahuli kaming nagbubulungang dalawa dito. Nakakaasar pa naman yung titser namin.

Siguro kapag nahuli niya akong nag aabot ng letter kay Nicole kukunin niya yun saka babasahin yung liham ng pagkalakas lakas sa harapan. Magaling pa naman magpahiya ang titser namin, pero buti nalang at mas magaling ako makipagbulong bulongan at makipag abutan ng sulat ng hindi nahuhuli.

"Ito din ang sakin. Ingatan mo yan ha, ginawa ko yan para sa kanya. Sabihin mo sakin kung anong itsura niya habang tinatanggap yung letter ko ah" bulong din niya habang inaabot yung letter niyang punong puno din ng mga palamuti.

Tinanggap ko naman iyon at agad na ibinulsa para hindi makita ni titser.

"Wag kang mag alala, akong bahala" sagot ko at nag 'ok' sign pa sa kanya.

Pagkalabas na pagkalabas namin ng classroom noong mga uwian na. Agad kong hinanap ang taong nagugustuhan ni Nicole. Sa pagkakaalam ko ay nasa Senior High School ito at nagtitake ng STEM.

Nung minsan nga na tinuro siya sa akin ni Nicole napa'wow' agad ako dahil napakapogi at napakatangkad naman nga nitong nagugustuhan ng kaibigan ko. Pero syempre, kahit pa gaano siya kapogi mananatili parin akong loyal sa crush ko. Sinusumpa ko sa sarili ko na ako ang pakakasalan ng taong nagugustuhan ko at ako ang babaeng ihaharap niya sa altar pagdating ng panahon. Itataga ko yun mismo sa bato.

"Asan na ba kasi yun?" Bulong ko habang naglalakad sa building ng mga senior high. May patihatihaya pa ako dahil ang tatangkad nung mga taong naglalakad sa harapan ko. Pakiramdam ko tuloy isa akong nawawalang bata na hinahanap ng kanyang ina.

"Hoy! Yanyan!"

Napatigil ako sa pagtihatihaya nung marinig ko yung boses ng kuya ko na tinatawag ako sa palayaw ko.

Sinimangutan ko siya agad nung malapitan niya ako kasama ng mga barkada niya. Inirap irapan ko din siya dahil sa tinawag niya sa akin kanina.

'Yanyan'. Alam ng kuya ko kung gaano ko kaayaw at pinandidiriin ang palayaw ko. Hindi ko alam kung bakit hindi ko gusto ang palayaw ko. Maganda naman siya at mukhang pinag isipan pero sa tuwing sinasambit na talaga siya ng ibang tao parang bigla akong kinikilabutan na ewan.

"Wag mo ko sabi tinatawag sa palayaw ko!" Galit na sigaw ko sa kanya pero tinawanan niya lang ako ganun din yung mga barkada niya.

Ang lakas lakas pa nung tawa nila. Siguro kung nasa kabilang bundok ako at may naririnig akong tumatawa sa ikasampong bundok mula sa bundok na kinalalagyan ko masasabi kong si kuya iyon at ang mga barkada niya. Pag nagkagame show talaga ng pangmalakasang tawa, ireregister ko agad si kuya saka nitong mga akala mo kung mga drug addict na mga barkada niya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 17, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Between Maybe's (Lavigne Series #1)Where stories live. Discover now