"Siguro totoo nga sabi nila. Pagkatapos mo akong pagsawaan, iiwan mo rin ako. Katulad ng ginawa mo sa una mong asawa," hikbing saad nito pakalingon sa kanya.

Naroon na ang mga patak ng luha sa mukha ng dalaga, pagkatapos noon ay padabog na itong naglakad papalabas ng kuwarto nila.

Hindi na nagawang makapagsalita ni Andrew, tila sinampal kasi siya ng mga huling katagang binitiwan ng dalaga.

Napasapo na lamang siya sa kanyang sintido matapos ang ilang saglit, hindi niya naman talaga gustong masawalang bahala ang dalaga at masira ang pribado nilang oras para sa isa't-isa, subalit sadyang gulong-gulo lang siya ng mga sandaling iyon dahil sa kalagayan ng mga anak niya kay Lucy.

Nagdesisyon na lamang siyang umalis, upang hayaan na munang makapagpalamig ng ulo si Rosaly.

Pagkatapos magbihis ay agad na siyang lumabas ng kuwarto, batid niyang nagkulong ito sa isa katabing silid na ginawa nilang entertainment room dahil rinig niya ang lakas ng pagpapatugtog nito kahit nakasarado ang kuwarto.

"Baby girl, I'm leaving na muna." Kinatok niya na lang ang pinto nito dahil nakakandado iyon.

Mas lalo lang nilakasan ng dalaga ang pagpapatugtog nito kaya naman batid niyang narinig na siya nito. Ayaw niya na munang dagdagan ang stress na nararanasan ngayon, kaya naman iniwan niya na muna ito doon.

Magtatanghali pa lamang kaya naman mahaba pa ang kanyang oras, nagtungo na lang siya sa lugar kung saan madalas siyang kumakalma.

Bitbit ang ilang piraso ng sariwang mga bulaklak, nagmamadali na lang siyang tumungo doon upang kahit papaano ay gumaan na ang kanyang pakiramdam.

"Hello babies, nandito ulit si daddy," magiliw niyang bati habang inilalapag ang mga dala sa harapan ng puntod ng mga ito.

Maingat niyang hinaplos ang dalawang lapida ng kambal nila bago ito buong ingat na halikan.

Naroon ang malungkot niyang ngiti habang pinagmamasdan ang mga walang pangalan na puntod. Hindi niya mapigilan maluha habang inaalala ang dahilan kung bakit hindi nasilayan ng mga ito ang mundo.

"Sorry babies, I hope you can forgive daddy. I never meant for it to happen, I just didn't think that it would all come to this," pigil hikbing sambit niya sa mga ito.

Hanggang ng mga panahon na iyon ay mabigat pa rin sa kanyang kalooban na wala siyang nagawa para sa mga ito. Idagdag pa na isa siya sa mga dahilan kung bakit nangyari ang bagay na iyon.

Ilang sandali din siyang nanatiling nakikipag-usap sa mga puntod hanggang sa tuluyan ng gumaan ang kanyang pakiramdam.

Matapos noon ay nagpaalam na siya upang ituon na muna ang pansin sa kung paano maayos ang lagay ng mga kapatid nito.

Saktong pakatalikod niya nang masilayan niya si Lucy na papasok pa lamang sa loob ng moseleyo.

Halata ang gulat sa mukha nito nang makita siya doon, napatigil pa ito ng bahagya pero agad din naman nakabawi sabay ngiti.

"Oh Andrew, tinatanghali ka yata," bati na lang nito nang makalapit sa kanya.

"Hey," bati na lang niya dito.

Mayroon itong hawak na dalawang basket ng bulaklak at ilang kandila na agad nitong iniayos sa puntod ng kambal nila.

Nandoon ang magkahalong kaba, kirot at inis sa kanya ng mga sandaling iyon nang manatili na itong tahimik habang inaayos ang mga dala.

Akmang magsasalita na sana siya nang mapatigil dahil sa biglaan pag-alingawngaw ng ilang malalakas na tili.

"Mommy!" sigaw ng dalawang paslit na tumatakbo papasok doon.

Their Complexities (Book 3 of 3)Kde žijí příběhy. Začni objevovat