Prologue

84 18 8
                                    

Marahan kong pinihit ang doorknob ng kwarto at sinikap na hindi makagawa ng anumang ingay sa paglalakad sa madilim na pasilyo pababa. 

Sa mga ganitong oras ay mahimbing na ang tulog ng mga kasama ko sa bahay kaya hindi nakakapagtakang wala akong naabutan sa ibaba. Madilim at ang ilaw lang sa kusina ang nakabukas kaya medyo nahirapan akong makalabas.

Natanaw ko ang mataas na gate ilang metro ang layo sa kinatatayuan ko. Sa tabi noon ay ang silid kung saan namamalagi ang security guard na nagbabantay sa aming bahay.

Magagaan ang mga hakbang ko palapit sa gate at hinawakan ang malamig na rehas noon. Naka-lock iyon.

Nilingon ko ang silid sa right side kung saan nakaupo si manong guard. Nakasandal siya at nakapikit ang mga mata habang gumagawa ng malalakas na hilik.

Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon ay 'di pa kami nalolooban ng masasamang loob gayoong napakababa ng seguridad ng bahay. Pero mas mabuti nang ganoon, pabor sa mga sitwasyong gaya nito.

Buong ingat kong niyugyog ang gate, tintantiya kung gagalaw ba ito sakaling gawin ko ang pinaplano. Nang masigurong hindi ay dahan-dahan akong umapak sa mga rehas nito paakyat.

Nakahinga ako ng maluwag nang tuluyang makababa sa kabilang side ng gate. Sinulyapan ko pa ang security guard pati na ang iiwanang bahay bago maglakad palayo.

Matapos ang mahigit kalahating oras na paglalakad ay narating ko rin ang Paraiso.

Hindi ko masyadong pinansin ang makukulay na ilaw at maingay na paligid, diretso ang lakad ko papunta sa isang establisyemento. The Stake. Walang pag-aalinlangan akong pumasok sa loob.

Sa entrance pa lang ng bar ay inatake na ako ng nakakahilong amoy ng pinaghalong usok at alak. Narinig ko ang malamig na boses sa loob dahilan para muli akong magpatuloy sa loob.

"Talking is just talking 'til the talking stops and everybody leaves, they think you're going home but they know that you've been coming home with me."

Naupo ako sa bakanteng bar stool sa harap ng bar counter kung saan maayos kong nakikita ang nagpe-perform sa harap.

"One Bloody Mary, please," I ordered to the bartender without taking my eyes off of the front.

"Baby when the sun goes down, we make secrets we don't talk about. Girl you make the stars come out, and the difference is like night and day."

Isang pares ng mata ang dumapo sa akin kasabay ng paglapag ng bartender ng cocktail glass. Kinuha ko ang Bloody Mary at sumimsim doon habang seryoso siyang pinapanood.

This is not the first time that I've been here. Tatlong beses na akong nakapunta rito pero ito pa lang ang pangalawang beses na tumakas ako para makapunta sa lugar na ito.

Nagpalakpakan ang mga tao dahilan para maputol ang sandaling pagtakbo ng isip ko. Binaba ko ang hawak na cocktail glass saka umayos sa pagkakaupo.

Segundo lang ay nakatayo na sa harap ko ang nagmamay-ari ng mga matang iyon kanina, si Randiel. Pinatong niya ang kanang siko sa bar counter at isinenyas sa bartender ang nakasanayang inumin.

"How's your day?" He asked. Kinuha niya ang shot glass na inilapag sa bar counter bago bumaling sa akin.

"Are you done for tonight?" I asked him, not answering his question.

Mabilis niyang ininom ang alak saka tumingin sa akin. Gumuhit ang mapaglarong ngiti sa kanyang labi, kasunod noon ay ang malakas ngunit maingat niyang paghila sa akin palabas ng bar.

Binitiwan niya ako nang nasa tapat na kami ng motor niya. Iniabot niya sa akin ang isang helmet na agad ko namang sinuot. Nauna siyang sumakay bago ako.

Pinaharurot niya ng mabilis ang motorsiklo. Ramdam ko ang malamig na ihip ng hangin habang binabagtas namin ang daan palabas ng Paraiso.

Namalayan ko na lang ang sarili kong nagpapatianod sa hila ni Randiel papasok sa apartment na tinutuluyan niya.

Sa pagsara pa lang ng pinto ay inangkin niya na ang mga labi ko. He kissed my lips hungrily habang ang mga kamay ay mabilis na dumapo sa blouse na suot ko. Muntik na akong mapasigaw nang pwersahan niya iyong buksan dahilan para makalas ang mga butones noon.

I felt the familliar heat when his lips reached my neck.

Marahan kaming lumakad papunta sa malapit na sofa, ang mga labi ay nananatiling magkadikit.

"I missed you, Elly," he whispered in between his hot kisses.

Sandaling naputol ang mainit na pagsasalubong ng mga labi namin nang maupo siya sa sofa. Marahas din niya akong hinila pagkatapos kaya napaupo ako sa kandungan niya, naramdaman ko kaagad ang kahandaan niya dahil doon.

Walang hirap niyang nahubad ang huling saplot ko pantaas. Pinagmasdan niya ang itsura ko, then he caressed my breasts. Napapikit ako nang maramdaman ang magaspang niyang mga kamay sa parteng iyon.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo para madaling mahubad ang suot na pants, ganoon din ang ginawa niya bago lumapit sa likuran ko.

I closed my eyes as I felt his lips on the back of my neck. Medyo nakakakiliti ang mainit na hininga niyang tumatama sa batok ko. Muli akong dumilat nang maramdaman ang kamay niya sa parteng iyon.

He slipped his fingers inside me. Naghatid 'yon ng kakaibang elektrisidad sa sistema ko at hindi ko maikakailang siya lang ang nakakagawa noon.

Napangiti ako nang makita ang reflection namin sa full-length mirror sa harap. Sa puntong ito, tuluyan na naman akong nadala ng sariling emosyon.

Three fourty ng madaling araw nang magising ako. Bumangon ako sa malambot na kama at sinulyapan si Randiel na mahimbing na natutulog.

Isa-isa kong pinulot ang mga damit sa sahig bago isuot. Nang masigurong maayos na ang itsura ay muli kong nilingon si Randiel.

"I have to go," mahina kong sabi bago buksan ang pinto at maglakad palabas.

Almost thirty minutes din ang itinagal ng paglalakad ko pabalik sa bahay. Naghanap ako ng timing kung saan walang makakakita sa akin sa pagpasok sa loob ng bahay. Maswerte namang nagawa ko iyon at nakapasok pa sa loob ng sariling kwarto na hindi nahuhuli.

Dumiretso ako sa bathroom at sinimulang maligo. Hindi na ako bumalik sa pagtulog dahil bukod sa alanganin na rin ang oras, hindi na rin naman ako inaantok.

Narinig ko ang vibration ng cellphone ko kaya kinuha ko ito sa side table. I received a text message from Ansel.

From: Ansel

Good morning, babe! I don't wanna disturb your sleep so I will just text you. We will drop by there before attending mass. Love you!

Nanlulumo kong ibinaba ang cellphone matapos basahin ang text niya. Unti-unting nanlabo ang paningin ko sa pangingilid ng mga luha sa mata ko.

I'm cheating on my fiancé with a man younger than me... and I'm keeping it a secret.

Just a SecretWhere stories live. Discover now