Prologue

872 323 42
                                    

Prologue

"Tatlo pong barbeque."

Pinapanood ko ang tindero kung paano n'ya init-in ang binili kong tatlong barbeque. Nilanghap ko pa ang amoy nito dahil nababanguhan ako ngunit napa-ubo rin dahil sa usok.

"Pabili na rin po akong isang palamig." paalam ko at saka nagbigay ng sampung piso.

Binigyan ako nito ng isang maliit na cup na ikina-ngiwi ko. Tanginang cup 'yan, wala na bang ila-laki 'to? Sampung piso ang ibinayad ko dito! Limang piso lang ang ganito kalaking cup noon ah?

Nagpasalamat ako at saka inilapag ito sa patungan dito sa tindahan. Ang mahal na talaga ng mga bilihin ngayon, bihira ka na lang makakakita ng mga mura na paninda.

Nang matapos ma-init ang barbeque ay inabot ito sa akin na may kasama ng lalagyan. Nagpasalamat ako at nilantakan na itong kainin.

Kanina pa ako gutom na gutom. Hapon na ngayon, mag-gagabi na at ngayon lang din ako nakakain ngayong araw. Nagmamadali na kasi ako kanina at late na ako nagising dahil puyat ako sa trabaho. Nag-review lang din ako nung free time dahil baka biglang magpa-quiz ang iba naming teacher.

Matapos kumain ay inabot ko ang palamig na binili ko. Akmang iinumin ko na ito ngunit biglang may bumangga sa akin sa likod dahilan kaya ito natapon.

My eyes widened. "Ang palamig ko!" sigaw ko sa gulat. Agad akong humarap sa bumangga sa akin. Sa pagbangga pa lang ng katawan sa akin ay alam ko ng lalaki ito.

"Bayaran mo ang palamig ko." madiin kong utos dito. Hindi pa nga ako nakakainom, natapon na agad. Buti hindi ako natapunan kung hindi lagot talaga 'to sa akin.

"May tumulak lang sa akin kaya kita nabangga. Hindi ko naman sinasadya. Sorry." labas sa ilong nitong sabi habang nakatingin sa akin ng diretso.

"Kahit na! Bayaran mo ang palamig ko, ang mahal-mahal non!" irita kong sumbat sa kaniya. He let out a deep breath before taking off his wallet.

Nagulat ako nang inabot nya sa akin ang isang daang piso. Tinaasan ko s'ya ng kilay. Edi ikaw na ang galante.

"Ang laki naman n'yan." sabi ko habang nakatingin sa kamay nya na nakalahad kung nasaan ang pera.

Akmang ibabalik na n'ya ang pera sa wallet n'ya ngunit hinablot ko ito agad at ngumiti sa kan'ya. "Pero okay lang, pambili ko na rin 'to ng ilang palamig para hindi ako ma-dehydrate since natapon ang akin ng dahil sa'yo."

Tinignan lang ako nito at saka na tumalikod na ulit. Grabe! S'ya na itong may kasalanan s'ya pa ang may gana mag walk out?

Porket binigyan n'ya ako ng one hundred.

Bumili ulit ako ng palamig ngunit tig-bente pesos na ang binili ko at tumingin-tingin sa paligid upang siguraduhin na wala nang babangga pa sa akin.

Nang maka-inom ay napangiti ako sa satisfaction. Kinuha ko lang ang handkerchief ko sa bulsa at dinampian ang labi ko at saka nagsalamin sa aking cellphone upang tignan ang sarili.

Okay, ang pogi at ang cute ko pa rin.

Nagpose pa ako nang kaunti sa reflection ko sa phone bago ko ito ibalik sa bulsa ngunit nagulat ako nang may tumikhim sa aking likuran.

Nilingon ko ito, my lips parted after seeing who it is. Ang lalaking nakabangga sa akin kanina.

"Bakit?" tanong ko. Nagu-guilty ba s'ya kasi bigla n'ya akong iniwan dito kahit s'ya naman ang may kasalanan?

"Can I have your..." he trailed off. Umangat ang isang kilay ko. Ginagago ba ako ng taong 'to? Anong hihingin nya sa akin? Yung binigay n'yang one hundred?

"Can I have your facebook account?" agaran nyang tanong that made my jaw dropped.

Gago? Ano raw? Did he just asked for my facebook account?

Lingering in Dark CloudsNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ