“Xyler!” tawag pa ng daddy niya pero hindi na siya nakinig pa dahil nasa loob na siya ng kanyang silid. Naghubad na siya ng mga damit niya at nagpunta sa banyo upang magshower para na rin tanggalin ang init ng ulo niya. Paglabas niya ay nakasuot na siya ng matching pajama at agad na dumapa sa kanyang kama.

            “Xyxy, baby.” Malambing na katok ng mommy niya. At dahil naiinis siya ay hindi siya kumilos. “Are you sleeping na?”

            “Inaantok na ako mom.” Sagot niya dito.

            “Good night baby.”

            “Night-night din po.” She turned off the lights and stare at her dark ceiling. Hindi nakatulong ang shower sa pagpapababa ng init ng ulo niya. Alam niyang mali na sagutin ang mga magulang niya pero kapag nasa katwiran naman siguro hindi naman siguro masama ang magsalita hindi ba?

            Kahit na pigilan pa siya ng ama niya ay matututo rin siyang magdrive, ngayon pa bang nasimulan na niya? Napayakap siyang bigla sa katawan niya ng biglang lumamig sa buong silid niya and then she yelp whe someone touched her arm. Pero bago pa man siya makasigaw ay may tumakip na sa bibig niya at dumagan sa katawan niya.

            Nagpumiglas siya dahil hindi niya kilala ang taong pumasok sa kanyang silid… itinulak niya ito at sinipa pero malaki sa kanya ang kung sinuman ang pumasok. Bigla siyang nakaramdam ng kaba at galit at magwawala na sana ng biglang bumaha ng ilaw ang buong silid niya mula sa lampshade na katabi ng kanyang kama.

            Ganoon na lang ang paghikbi niya dahil sa takot ng makilala ang kanyang intruder. Tinakpan niya ang kanyang mga mata, magkahalong relief at takot kasi iyong naramdaman niya kanina. Akala naman niya ay kung sino si Jair lang pala!

            “Buwisit ka! I hate you! Bakit mo ako tinakot ng ganoon?” umiiyak na anas niya. Umalis ito sa pagkakadagan sa kanya tapos ay tinulungan siya nitong umupo at inabot nito ang isang baso at pitsel ng tubig. May katabi siya palaging tubig dahil tinatamad siyang bumaba kapag nauuhaw siya. Tinulungan siya nitong uminom hanggang sa mahimasmasan siya.

            “Okay ka na?”

            “I will never be okay!”

Waiting on a Feeling (COMPLETED)Where stories live. Discover now