Chapter 1.2 - Pzynel

Start from the beginning
                                    

"Kaya kitang pasayahin ng higit pa d'yan pzy, Pagbigyan mo'ko. magbabago ako"

"O,s'ya, Salamat ija"

"Salamat po manong, Keep the change napo" Sabay naming abutan ng taho at bayad.

"Ay salamat ija" Naka ngiti sabi ni manong sabay tingin kay Xysto. "Ikaw ijo, Ayaw mo talaga?" Muling pagtatanong nito kay xysto. "Para hindi mapako ang iyong mga pangako" Dagdag pa nito habang Natatawa. "Ijo biro lang, baka mapikon ka" Nagpipigil tawang sabi ni manong. Sabay bitbit ng daldala n'yang lalagyan ng taho, at nagsimula ng umalis.

"Tahooooooo! Tahooooooo! Tahooo kayooo d'yaan! Oh, tahooooo Para sa mga taong puro pangakooooo, oh! tahoooo!"

Muli akong napatingin kay Xysto ng marinig ko ang bagong linya na binitawan ni manong magtataho.

"Oh, Bakit mo'ko tinitignan ng gan'yan?" Taas kilay n'yang tanong.

"Wala, Umuwi kana" Maikling tugon ko rito sabay higop ng mainit na taho.

"Pzynel please..." Pagmamaka awa nito habang nakaluhod at hawak ang aking isang kamay.

"Fine" Maikling tugon ko, sabay talikod at tuluyan ng pumasok.

Nang makapasok na ako at saktong pagsara ko ng gate ay may isang mahinang tinig akong natinig."Napaka rupok mo" Sambit nito. Luminga linga ako upang hanapin kung kaninong boses galing ang salitang 'yon, pero wala namang tao. Muli akong lumabas dahil baka si Xysto lang ang nagsalita ngunit natanaw ko s'ya sa medyo kalayuan.

"Napaka rupok mo" muli ko na namang narinig ang salitang 'yon na hanggang ngayon'y hinahanap ko parin kung saan nanggagaling.

Habang nagpapalinga linga at hinahanap ang pinanggagalingan ng boses, May narinig na naman ako. "Mag hugas kana ng plato" napakunot ang aking noo. Luningon ko ang pinanggalingan ng salita at nakita ko si mama na nakapamewang.

"Mag hugas ka ng plato" Kunot noong pag uulit n'ya.

Napakamot nalang ako sa aking ulo. Habang nag lalakad ako papuntang kusina, hindi ko maiwasang napabuntong hininga. "Pag yaman ko, at nagkaroon ako ng sariling bahay, mag hi-hire talaga ako ng mga maids. May taga hugas at punas ng plato, may taga walis, may taga lampaso ng sahig, may taga punas ng bintana, may taga pagpag ng sapin ng mga sofa." Sambit ko sa aking sarili habang pinagmamasdang maigi ang mga pinggan.

"Aba pzynel kanina kapa nakatulala sa mga plato, hindi 'yan malilinis kung titigan mo lang" Sambit ni mama ng may kataasan ng boses. Napalingon nalang ako sa kanya at muling napakamot sa aking ulo.

Napabuntong hininga nalang ako at sinimulan ng hrugasan ang mga plato. "Pag yaman ko talaga, hindi ko papadanas sa mga magiging anak ko 'to" bulong ko sa'king sarili.

Habang nag aanlaw ng mga plato. Muli kong naisip si Xysto. Hindi ko alam ngunit bigla nalang s'yang pumasok sa aking isipan. "Mukha naman s'yang seryoso sa pag hingi n'ya ng sorry" Bulong ng angel ko sa kanang balikat. "Hindi, Acting n'ya lang 'yon" pangongontra naman ng demonyo ko sa kaliwa. Habang nag aanlaw ako ng mga plato ay patuloy silang nag tatalo.

I sighed. "Ganto naman palagi e, Umaga, tanghali, meryenda at gabi. Ako laging taga hugas ng pinggan" Bulong ko sa'king sarili. "Paka tatag ka pzy, mamaya meron pa" dagdag ko pa.

Nag lakad na ako palabas ng kusina, Nang matanaw kong may kausap si mama sa sala. Nagtungo ako roon upang makita kung sino ang kanyang kausap ngunit nakaka ilang hakbang palang ako ng marinig ko ang paglakas ng boses ni mama. "Umalis kana, Hindi ka namin kailangan" Umaagos ang luha ni mama habang itinataboy palabas ng pintuan ang lalaking kausap n'ya.

Nang tuluyan ng maka alis ang lalaki, nilapitan ko si mama upang mag usisa tungkol sa kausap n'ya at kung bakit s'ya umiiyak.

Ilang hakbang palapit palang ang aking nagagawa ng biglang nag salita si mama. "Napaka walang kwenta talaga ng 'yong ama" Sambit n'ya sabay punas sa kanyang mga luha. Lumapit s'ya sa'kin at tsaka ako niyakap ng mahigpit. "Anak, 'wag kang kikilala ng lalaking kagaya ng iyong ama" Sambit n'ya habang pinipigilan ang kanyang pag hikbi.

Hinimas himas ko ang likod ni mama para kahit papaano ay kumalma s'ya. "Paano ba natin malalaman kung ang lalaki ay katulad ni papa?" Pagtatanong ko.

"Hindi mo 'yon makikita, mararamdaman mo 'yon" sagot n'ya.

"Paano pa ba natin malalaman kung tama o mali ang isang tao?" Muli kong pag tatanong.

Tinignan ako ni mama. She sighed. "Walang taong mali" Tinapik tapik n'ya ang aking pisnge at muling nagsalita. "Hawak nila 'yon kung gusto nilang maging mali" Kitang kita ko ang sinseridad ni mama sa kanyang mukha habang nag sasalita. Siguro nga sobrang laki ng sakit na naidulot ni papa sa kan'ya.

I sighed. Nagdadalawang isip ako kung itatanong kopa ba ang huling tanong ko. Hinawakan ako ni mama sa baba at iniangat ang ulo ko. "May nais kapa itanong hindi ba?" Pagtatanong ni mama habang hawak ang magkabilang pisnge ko at marahang hinihimas gamit ang kanyang hinlalaking daliri.

Napatango nalang ako. Humingang malalim bago mag salita."Paano po kapag yung lalaki ay minsan ng nagkamali, pero nangakong mag babago?" Pagtatanong ko.

Tinignan n'ya ako ng may malambing na tingin at tsaka ako binigyan ng isang pilit na ngiti. "Alam mo anak" pag sisimula n'ya. "Lahat tayo nagkakamali, kaya marapat ka lang magpatawad, Marapat lang na magbigay ka ng pagkakataong patunayan ng nagkasala ang pinangako n'yang pagbabago" Muling ngumiti si mama ng pilit. Hinaplos ang aking buhok at tsaka muling nagsalita. "Ngunit, ang pagpapatawad ay hindi binibigay ng paulit ulit sa kasalanang inulit." Ngiti na lamang ang aking naisagot, ang lalim ng pinang gagalingan ng mga salita ni mama.

Niyakap ko s'ya ng napaka higpit, at nangakong Hindi ako kukuha ng lalaking kagaya ni papa. Dahil ako mismo, ayoko magkaroon ng hindi buong pamilya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 13, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Chasing HappinessWhere stories live. Discover now