"Tangina ano ba 'tong iniinom mo?!" galit na singhal ko. And this fucking guy just fucking laughed at me.

"Bakit mo kasi ininom?" he asked, trying to suppress his laugh. Tumigil naman siya sa kakatawa nang makitang hindi ako natatawa sa pang-aasar niya sa 'kin. Inirapan ko siya at saktong dumapo ang mga mata ko sa dalawang taong kanina ko pa tinitignan sa likuran niya. Humigpit ang hawak ko sa basong nasa kamay ko nang makita ko kung paanong humalik sa pisngi ni Attorney ang Jenny na 'yon. Napaiwas agad ako ng tingin dahil hindi ko matagalang tignan sila.

I suddenly felt that I was not myself anymore when I put my arms around Easton's neck as I kissed him fully on the lips. Napaawang ang labi niya sa ginawa ko at nakita ko ang gulat sa mukha niya. Ngunit hindi rin iyon nagtagal nang maramdaman ko ang kamay niya sa batok ko at mas pinalalim niya ang halik.

Napahiwalay kaming dalawa ni Easton nang may marinig kaming malakas na kalabog mula sa katabi naming lamesa. At nang tignan namin iyon, nakatayo na lahat ng naroon kasama iyong Jenny. Napatayo ako at tumakbo ako palapit sa kanila.

"Anong nangyari dito?" tanong ko kay Zeno na matamang nakatingin sa 'kin at sa lalaking katabi ko. Napalingon ako kay Easton na sinundan pala ako.

"Tangina naman kasi Portia." Ginulo ni Zeno ang buhok niya at naguguluhan akong tumingin sa kanya. Pero mas lalo akong naguluhan sa sumunod niyang tanong. "Anong bang nangyayari sa inyong dalawa ni Attorney? Akala ko ba okay na kayo? Tapos makikita ka niyang nakikipaghalikan sa iba?"

"Oh my gosh!" Napatingin ako kay Lyra na bigla na lang din sumulpot sa tabi ko. "You kissed your ex?!" eksaheradang sigaw niya.

"W-What's wrong with...kissing my ex?" tila wala sa sariling tanong ko.

"Sabagay onga naman!" pagsang-ayon niya bigla. "Jowa ba siya para magalit?" baling na tanong ni Lyra kay Zeno.

"Ah so laro laro lang 'yung ginagawa nila?" Hindi ko inasahan ang tanong na iyon ni Steel na matamang nakatitig kay Lyra. Nagtagisan silang dalawa ng tingin hanggang sa dumating na rin sa kinaroroonan namin sina Kairo, Mona, at Dior. Lahat sila ay mga nagtatanong ang tingin sa 'kin.

"Bakit may walkout scene 'yung crush mo?" walang malay na tanong ni Mona habang hawak ang isang bote ng beer. Napapikit ako at napahilot sa 'king sentido.

"May pag-flip pa ng table..." wika ni Dior na nakatingin sa lamesang nakatumba at mga nagkalat na bote ng alak sa sahig. "By the way, I saw you two kissing." Tukoy niya sa aming dalawa ni Easton.

"Punyeta." Napahawak ako sa ulo ko at mabilis na sumibat. Nabangga ko pa Pero bago ako makalayo ay hinablot ni Easton ang palapulsuan ko kaya napahinto ako. He looked at me with very sad eyes and I felt so fucking guilty to see him like this. Tinanggal ko ang kamay niyang nakahawak sa 'kin. "Sorry..."

Tumakbo ako para sundan at hanapin si Sam. Pero paglabas ko ng bar hindi ko na siya makita. Chineck ko iyong smoking area sa gilid pero wala rin siya doon. Pumunta rin ako sa parking at hinanap ang sasakyan niya pero mukhang wala rin siya doon dahil hindi naman ito nakasindi. Nahilamos ko ang kamay ko sa mukha ko sabay sinipa ko ang gulong niya sa sobrang asar ko. Nanlaki ang mata ko nang tumunog ang alarm nito. Fuck.

Para akong tanga na hinawakan ang pulang Ferrari niya at naghanap ng kung ano para patigilin ito sa pag-alarm.

"Shit naman tumigil ka na!" Hinampas hampas ko pa ito para patahimikin pero wala namang nangyari. Mukha lang akong sirang nag-e-eskandalo sa walang malay na sasakyang ito. Napagod ako kakahampas nang may tumatakbong security na ang papalapit sa 'kin. Pucha.

"Hoy, miss! Anong ginagawa mo d'yan?!"

Nagtaas agad ako ng dalawang kamay.

"N-Natamaan ko lang po tapos tumunog! Ayaw ng tumigil e," paliwanag ko paglapit niya. Tinignan pa 'ko ni Kuya mula ulo hanggang paa kung mukha ba 'kong nagsasabi ng totoo.

STS #2: Give Me More حيث تعيش القصص. اكتشف الآن