CHAPTER 26

1.6K 104 6
                                    

LESTER'S POV

Maaga akong nagising mga 6, hindi ko muna ginising sa mama baka mamayang 7:30 na. Bumaba ako sa kusina para makapag handa ng makakain, tulog pa rin si tita kaya ako nalang nag handa.

Habang busy ako sa pag luluto ng egg omelette pati bacon biglang bag rung yung cellphone ko. Hininaan ko muna yung apoy para hindi masunog. Grabe na ako katanga mag luto kung pati yun masunog ko pa.

Agad kong kinuha yung cellphone ko sa lamesa para sagutin yung tawag.
Pagkatingin ko si bea pala. Sa messenger kami magkausap ahh hindi ako naka roam.

"Napatawag ka" ako

"Les musta na jan?"

"Ayos naman, buti napatawag ka"

"Wala lang gusto lang kitang kamustahin tiyaka marami ang chika sayo"

"Ano naman yun?"

"Regular na kami dito sa trabaho"

"Congrats sainyooo"

"And si lucas manager na sa bar"

"Kumusta na pala siya?"

"Ayos naman na ang buhay ni tanga"

"Hahahaha" napatawa ako dahil dito kay bea

"May chika pako, promise hindi ka magagalit?"

Dahil sa sinabi niya parang bigla akong kinabahan

"O-oo naman ano bayun?"

"Ikakasa si liam pati si irene next next week"

Hindi ko agad siya nasagot dahil natulala nalang ako bigla.

"Les, lester andiyan kapa ba?"

"A-ah o-oo nandito pa ako.. sige na mamaya nalang tayo mag usap may ginagawa pa ako. Bye" agad kong pinatay yung usapan namin.

Natulala lang ako dahil iniisip ko yung minamahal ko, ikakasal na sa iba. Habang nagiisip ako may naamoy akong nasusunog, bigla kong naalala may niluluto pala ako.
Pag baluhtad ko ng itlog sunog yung ilalim. Kaya naman agad ko itong inalis sa kawali.

Habang naghahanda ako ng tinapay pati yung niluto kong itlog pati bacon
Nakita ko si tita na pababa sa kusina.

"Lester aga mo naman atang nagising"

"Opo tita, ito naghanda na ako ng makakain natin"

"Amoy sunog"

"Nasunog ko po kasi yung itlog"

"Ano ba kasing ginawa mo at nasunog mo yan?"

"May kausap lang po ako sa cellphone kanina, napatagal po ata ng kaunti kaya ayun nasunog"

"Ganun ba, basta sa susunod wag kalimutan baka mamaya hindi lang niluluto mo ang mausnog baka pati tayo masunog na rin."

"Opo"

"Asan ang mama mo?"

"Tulog pa po"

"Kain na tayo"

Nauna na kaming kumain ni tita. Pag katapos naming kumain ako na rin ang nag hugas, dahil nagdidilig ng halaman si tita sa bakuran.

Mayamaya lang bumaba na si mama
"Ma kain kana, maliligo lang ako, pag tapos ko maligo sunod kana para maka alis tayo"

"Opo anak ko, sige na sige na maligo kana"

Agad akong nagpunta sa kwarto para kumuha ng masusuot, plain black trouser and white t-shirt.

Nagpunta ako sa cr makapaligo na, nagsabon, shampoo,toothbrush at kung anong ritwal pa ang ginagawa sa banyo. Ng matapos ako sinuot ko na yung damit ko tinuck in ko yung t-shirt ko para mukhang presentable akong tignan. Nagsuot din ako ng relo na silver at sapatos na top sider/boat shoes kung tawagin color black din.

Bumaba na ako sa kusina para tawagin si mama dahil tapos na akong naligo. "Ma tapos kana ba kumain"

"Oo nak, nag papahinga lang ako"

"Sige ma, basta mabilis lang ang ligo para maaga tayo doon"

Umakyat na rin sa mama sa taas para maligo ako naman nag cellphone cellphone chineck ko ig ko, may nakita akong post ni liam kasama niya si irene, namimili sila ng singsing, agad ko namang binack dahil hindi ko kayang tignan.

Naglaro nalang ako sa cellphone ko ng  candu crush haggang sa hindi ko namalayan tapos na palang maligo si mama.

"Tara na anak"

"Tita alis muna kami ni maam"

"Sige mag iingat kayo sa daan"

"Opo"

"Tara na ma"

Nag taxi kami ni mama papuntang hospital. Ng makarating kami agad akong nagtanong kung nandiyaan ba si doctor harris.

As always na sa office lang siya, agad kaming umakyat ni mama para puntahan siya sa office.
Kumatok ako bago ko binuksan ang pinto.

"Good morning doc" mama

"Good morning please have a sit"

Agad kaming naupo ni mama sa harap ng table ni doc.

"So kayo pala yung mommy ni mr. Lester?"

"Opo ako po" masayang bati ni mama

Feeling naman nito, kahapon lang ang sungit sungit.

"So mommy start ko na po kayong check up-in"

Chineck up niya si mama tinignan niya kung hirap ba si mama sa paghinga, at may mga pinagawa rin siyang ilang mga test kay mama, tumagal din sila ng mga sampung minuto.

"So mommy after this check up, mga two or three days before the operation, wag po kayong magpapagod masyado, and wag po muna tayo sa mga ma cholesterol

"ChoLESTERol? So bawal sakin?"

"What" tanong ni doc, si mama naman nakatingin lang saakin.

"Wala wala" agad kong hinila si mama palabas ng office dahil sa walang ka kwenta kwentang joke

Nag bayad naman kami sa nurse sa baba para sa check up ni mama.

Hindi na kami nag gala gala pa ni mama dumeretso na kami sa bahay dahil kakasabi lang bawal siyang mapagod.

Baka mamaya hindi na siya umabot sa araw ng operasyon niya. Jusko wag naman sanang mangyari.

_____________________
Request niyo. Alam ko maikli pa ito, pero ita-try ko mag ud gabi gabi. Ita-try ko lang kaya wag kayong umasa.

PERFECT SECRETARY (BXB)Where stories live. Discover now