2

85 2 2
                                    

Tahimik akong naglalakad sa hallway habang nilagay ss tenga ko ang isang piraso ng airpods.

"Y/N" Napahinto ako at tumalikod nang nakita ko si Xiaojun nakangiti saken.

"Oh... Goodmorning!" Nginitian niya lang ako at inabutan ng lata ng juice.

"Gusto kolang makipag kaibigan sayo!" Nahihiya niyang sabi at ngumiti ako at inabot yung juice.

"Welcome kaden!! Ano sabay na tayo sa classroom? Kaklase mo naman si Lucas diba?" Tumango siya at patuloy kaming naglakad.

"DEJUN!" Napatigil siya maglakad so tumigil den ako at tinignan kung sinong sumigaw.

Yeh si Winwin nanaman ito kaya umiwas ako ng tingin nung nag bro hug sila.

"Dejun pala.." bulong ko at natawa ng mahinhin si Xiaojun.

"Edi Dejun den itawag mo saken!" Nanlaki ang mata ko at tumitig sa kanya.

"P-pwedeng DJ?" Biro ko pero tumawa lang siya at tumango.

"Well may kasama kana pala so I gotta go!" Wika ko at kumaway sa kanya.

Naglakad ako paderetso pero tumigil ule at umatras pabalik kila Xiaojun

"Sandale.." sabi ko at hinalungkat yung bag ko. Nilabas ko yung dalawang sandwich at binigay sa kanila.

"May pera naman ako pambile ng pagkaen!" Sabi ni Winwin.

Well nadisappointed ako at tangkang ibalik sa bag ko yung isang balot pero inagaw ni Xiaojun yon.

"Aken nalang! Paborito ko yung chicken sandwich!" Sabi niya at ngumiti ako.

"Edi sayo na! Gutumin kaden pala DJ ah! Enjoy ur day!" Wika ko at naglakad papuntang classroom.

"GUANHENGGGGG!" Sigaw ko at napatalon naman siya at tinignan ako ng masama.

"30 minutes lang tayo di nagkita pero miss mona ko? And also dont call me Guanheng in public!" Ngumisi lang ako at sumimangot.

"Makipag kaibigan ka kay Xiaojun.. gusto ka niya kaibiganin nahihiya lang ata!" Tumango naman siya at pumasok na kami sa classroom.

=======Break Time=======

"Xiaojun diba?" Pinanuod kolang sila habang nag chichikahan sila. Kami lang ni Yuqi yung babae dito sa table.

So andito si Winwin,Hendery,Lucas, at Xiaojun. Yeh nahihiya ako kasi andito si Winwin kaya nananahimik lang ako.

"Ang sarap ng sandwich mo pala ah" Ngumiti lang ako kay Xiaojun at tinignan ako ng tatlo ng pagulat.

"Bakit?" Sabi ni Winwin.

"Anung bakit?" Tanong ko.

"Ayaw mo magshare ng pagkain samin bakit siya hinatian mo.. dalawang sandwich pa!" Sabi ni Lucas.

"Gwapo siya eh" pang asar ko at nabulunan naman yung dalawa.

"Issue niyo naman nagbibiro lang ako eh" binigyan ko ng tubig si Xiaojun pero ininom naman yun ni Winwin.

"K-kay Xiaojun ya-"

"Hoy!" Wika naman ni Xiaojun nung hinablot ni Winwin yung isa lang balot ng sandwich at hinagis ito sa sahig.

Nagulat naman ako at tinignan siya ng masama.

"Ano ba problema mo?" U frowned looking at him disappointed.

"Di mo ba alam kada umaga pinaghihirapan ko yan. Pagkain yan tapos itatapon mo bukod pa don hinde yan sayo. Why not buy your own food the throw it away since 'May pera ka naman pambile ng pagkain'" Pikon kong sabi while emphasizing his words to mock him.

"Klase na guys! Excuse daw pala yung falawang Huang mag aral daw kayo bukas na exam niyo!" Sabi ni Yuqi. Siya yung president ng klase namin kaya palagi siyang updated.

"Pasalamat ka talaga Dong Sicheng" Akong muntanga naluha. Imagine yung crush mo itatapon pagkain mo.

"Sige kitakits nalang guys!" Sabi ni Hendery at hinablot ako palayo sa grupo. Naglakad kami papuntang library at umiwas naman ako sa kanya kase tinopak ako. Kakambal koyan alam naman niya ko kaya hinayaan niya ako umalis.

===

Bakit andito yung section 1? Makikita ko nanaman si dakilang Sicheng. Pumunta ako sa bookshelf para maghanap ng matinong libro nang madatnan ko si Winwin sa kabilang baryo ng shelf. Tinitigan ko siya kung pano niya ianalyze yung mga librong kinukuha niya. Napakafocus niya syempre ako deng focus sa kanya, di ko napansin na may lalake sa likod ko at kinuha yung libro sa harap ko.

Napatalon ako at nahampas siya sa dibdob at nanlaki yung mata ko kasi si Xiaojun lang pala yun.

"Tulala ta dyan" Biro niya at yumuko ako habang hinayaang takpan ng buhok ko yung mukha ko.

Hinawi naman niya yung buhok ko at napatingin naman ako sa kanya.

"Wag mong takpan mukha mo" Namula mukha ko kaya umiwas ako ng tingin at pumunta sa table ko.

"Bat ka andito?" Tanong ko nang mapansing sinundan niya ako.

"I'm Xiao Dejun from Class-B2 na inalok ng prof na mag advance exam para makalipat sa Class-1A"

"Uyyyyyý" Tinuro ko siya habang malaki yung mata ko.

"Baket? Di naman ako multo ah" tanong niya at kinurot ko pisnge niya.

"Lilipat den ako sa Class-A1 sabay nalang tayo magreview ditoo!" Nakangiti kong sabi.

....

Napatalon ako sa upuan at nahagis sa mukha ko yung binabasa konv libro sa gulat. Nagkatinginan kami ni Dejun sabay tingin kay Winwin sa harap namin na sinupalpal ng malakas sa lamesa yung libro niya.

"Anong ginagawa mo nanaman dito?" Reklamo ko at tinignan siya ng masama.

"Bawal ba?" Di manlang niya ako tinignan kaya nakahinga ako ng malakas..

"Y/n.." Tinignan ko naman ng masama si Dejun at napataas siya ng kamay as surrender.

"P-papatulong lang ako eh" Kahit galit mukha ko. Sa sobrang gigil ko ay nakurot ko pisnge niya.

"Aken na workbook mo" Nung nilagap niya yung libro niya, nagkahawak kamay namin pero hinayaan kolang yun.

Napatalon nanaman ako sa gulat kasi sinupalpal nanaman ni Winwin yung workbook niya sa harap ko.

"Alam mo.. kung wala kang matinong gagawin, umalis ka nalang" Pikon kong sabe.

"Tutal feeling matalino ka, tulungan moden ako"

"Aba feeling matalino ampotchi! Di porket ikaw yung nasa mataas na section mamaliitin mona ako. Kung gusto mo, isupalpal mo nalang yan sa mukha mo at tulungan mo sarili mo" Sinupalpal kona sa harap niya yung libro niya at bumalik kay Dejun.

"Kanina pa kayo nag aaway" Reklamo ni Dejun at tinignan kolang siya ng masama.

"Eto na mananahimik na" bulong niya kaya tinuloy namin yung lecture

LOVE LETTER   |Winwin FF|Where stories live. Discover now