1

102 5 25
                                    

"Tang ina mo talaga Yuqi nakakahiya yon" paulit-ulit kong inuntog yung sarili ko sa desk namin habang nag ngangawa dito.

Kahit ilang buwan na ang nakalipas, hinding hindi ko makakalimutan ang kahihiyang nanyare saken.

"Sorry na nga eh! Buti di mo nilagyan ng pangalan mo atleast di nila alam na sayo galing" Sabi naman ni Yuqi

"Guanheng halika nga dito!" Sigaw ko at tinignan naman ako ng masama ng kambal ko.

"Wag mo nga akong tawaging Guanheng!" Inis niyang sabi at niyakap kolang siya.

Nag soften naman yung mukha niya at tinignan si Yuqi kung anong meron saken.

"May regla ata Hendery.. kaw na muna bahala tapusin kolang tong homework"

"HINDE" Hinampas ko ng malakas yung desk at napatalon naman si Yuqi sa gulat.

"Problema mo nanaman!" Binatukan na ako ni Hendery at napangisi naman ako.

"Ako na gagawa ng homework mo wag niyo lang ako kausapen habang ginagawa ko toh! Math naman yan diba?" Tanong ko at napatango naman siya.

Hinablot ko yung workbook niya at sinimulan gawin yung homework niya hanggang sa mag ring ang bell at umupo na kami sa pwesto namin.

"Aware naman kayo class na may magaganap na Exam!" Hindi na bumati ang adviser namin at sinabi yan.

"Yes ma'am" Wika ng buong klase.

"Asan yung dalawang Huang? Please stand up!" Nagkatinginan muna kami ni Hendery bago kami dahan dahang tumayo.

"Iaadvance namin ang exam niyo dahil ililipat daw kayo sa star section Mr. And Ms. Huang! Ayos lang ba sa inyo yun?" Nanlaki ang mata ko at napatulala kay Hendert syempre siya den.

So magiging kaklase ko si Winwin?

Napatango nalang kami at nginisian ako ni Yuqi. Nagoatuloy ang klase hanggang sa tumunog ang bell sinasabing lunch break na.

Nagsilabasan ang mga studyante at tumakbo si Yuqi saken.

"Pano bayan? Classmate mona si bebelabs mo ah!"

"Bebelabs? Loko kaba?" Tinignan ko siya ng masama at tumawa naman si Hendery.

"Oi Lucas!" Napatingin si Yuqi sa pinto at nakitang naghihintay sa amin si Lucas.

"Tara na maglunch na tayo!" Sabi ni Lucas at hinila si Hendery at Yuqi.

"Guys sunod nalang ako! May kukunin ako sa locker ko eh!" Wika ko at tumango naman sila at nauna na. Inayos ko yung bag ko at lumabas papuntang locker.

Habang naglalakad may narinig akong mga lalakeng nagtatawanan sa hallway kaya umiwas nalang ako ng tingen at naglakad ng mabilis.

Di ko namalayang bumangga ako at tumama ang mukha ko sa dibdib nito. Nagulat ako at si Winwin ito masamang nakatingen saken.

"Sorry di ako tumitingin sa daan!" Nahihiya kong sabi habang umiiwas sa kanya ng tingin.

"Diba ikaw yung kakambal ni Hendery?" Napatingin naman ako sa nagsalita at mahinhing tumango.

"Ohhhh! My name is Xiaojun! Gusto ko kaibiganin kakambal mo kaso mukhang kumakaen ng tao eh!" Natawa ako at nahihiyang tumingin sa kanya.

"Di siya nangangaen.. nangangagat lang!" Biro ko na may halong totoo.

May isang beses na kinagat ni Hendery si Lucas dahil gutom siya.

"Pero wag ka mag alala Xiaojun welcome kayo kausapin niyo lang siya!" So I gave him my geniune smile and walked away.

Pero bago man ako makalakad may humablot ng wrist ko at nagulat dahil si Winwin ito.

"Ah kung galit ka sorry talaga wala ako sa sarili kanina!" Ngumiti ako at naglakas ng mabilis.

Nakakahiya amputek.

LOVE LETTER   |Winwin FF|Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang