CHAPTER 1

9 0 0
                                    

                                                                    Sundo

“That’s all for today, class dismissed”, sabi ni Maam Dimineo at lumabas na nang room.

“Yes!”, sigaw naman nang mga kaklase ko.

Nag- aayos ako nang gamit ko nang biglang tumahimik ang mga babae kong kaklase kaya napatingin ako sa kanila na nakatingin din sa pintuan, may lalaking palang nakatayo doon. ANG GWAPO PAKSHET! Kinalabit ko agad ang kaibigan kong si Enrique, oo guys, Enrique sa umaga, Liza sa gabi, na nakatingin din sa pinto, mukhang hindi niya napansin na kinalabit ko siya kaya binatukan ko na.

“Aray ko naman Zannia! Ang sakit ah!”, sigaw niya kaya bumalik sa ulirat lahat nang kaklase ko dahil sa gulat.

“I’m sorry okay. Sino ba yang tinitignan niyo? transferee?”, sabi ko kaya nahampas niya ako.

"Gaga ka! Di mo yan kilala? Siya si Fafa Henry, short for Henessy Rycon. He’s 19 years old, kaya mas matanda siya sa atin nang isang taon.  Siya yung captain nang volleyball team nang school natin. May isa siyang kapatid na babae. Anak siya ni-“

"Hoy bakla! Sino lang yung tinanong ko, ikaw naman kinuwento mo lahat nang nalalaman mo.”, pagputol ko sa sinasabi niya dahil baka ikuwento na niya yung biography nung tao.

"Pasensya naman day! Na- excite lang eh”, depensa pa niya. Hinampas niya ko ulit kaya babatukan ko siya sana ulit nang mapansin kong may nginunguso siya sa likuran ko.

“Ay bakla!”,sigaw ko nang nilingon ko yung nginunguso ni Enrique sa likuran ko. Paano ba naman kasi eh yung gwapong lalaki kanina sa pinto eh nandito na sa harapan ko ngayon. Nabigla ako nang hawakan niya ang kamay ko at hinila palabas nang room kaya nagsigawan ang mga kaklase ko.

“OHHH!!!”

Mmyyygooosshhh!! Ako nalang Henry!”

Fafa Henry! Im your willing victimmm!!”

“Hey you?!Where are you taking me huh?!”, sigaw ko sakanya habang hinihila ko ang kamay kong hinahatak hatak lang niya. What a thick-face bastard! Hindi naman sa pagmamayabang pero di niya ba kilala kung sino ang hinahatak- hatak niya?! Gwapo nga, nananakit naman!

“HOY! lalaki ka! Susumbong kita kay Papa! Ipapatumba ko pamilya niyo sakanya kapag hindi moko binitawan!”, mas malakas na sigaw ko sa kanya dahil parang hindi niya ko naririnig.
Mukhang nagtagumpay naman ako dahil huminto siya at hinarap ako.

“Your father sent me here to drive you home because your driver is not available, so how come na ipapatumba niya ang pamilya ko kung siya mismo ang nagpapunta sa akin dito?” para naman akong napunta sa Alaska pag karinig ko nang boses niya, ang lamig eh pero syempre ramdam ko din ang panunuyang tono doon.

“Then why you? Where’s my brother? I don’t even know you”, sabi ko sabay irap sa kanya. Hindi naman niya alam na wala dito yung kapatid ko eh.

“I’m Henry then. Now that you know me already, let’s go to the car and I will drive you home.”, pamimilosopo pa niya kaya napatingin ako sa kanya.

Hindi siya nakatingin akin kaya natingnan ko nang mabuti ang mukha niya. He was taller than me. With a black damp hair, sharp jaw, high pointed nose, and heart-shaped kissable lips, furrowed brows, a beautiful black eyes, and a long eyelashes. He was oozing a stong sexual appeal, yung tipong tititigan ka lang laglag agad panty mo. Ganun yon!! Char!

“Handsome right?”, sabi niya bigla kaya napa iwas ako nang tingin. Napatagal ata ang pagtitig ko. Kakahiya! Akala niya siguro may gusto ako sa kanya! Gwapo lang siya pero ang pangit nang ugali, hmp! Nakaka turn-off!

Naglakad siya ulit kaya sumunod nalang ako. Habang papunta kami sa sasakyan niya ay napapansin kong marami ang nakatingin sa amin, o sasabihin kong sa kanya lang.

“Hoy, sikat ka ba talaga dito sa school natin? Ang daming nakatingin sayo oh.”, tanong ko sakanya habang tinitingnan ang mga taong nakatingin sa kanya.

“Hoy bak-“, naputol ang sana’y sasabihin ko dahil pagtingin ko sa harap ko ay wala na siya roon. Nilibot ko ang paningin ko at nakita ko siyang nakatayo na sa harap nang kotse niya. What a thick-face-bastard right?!

“Hoy Henry! Bakit moko iniwan doon? Para tuloy akong tanga na nagtatanong sa hangin.”, naiinis na sabi ko sakanya nung naabutan ko siya. Eh sino ba ang hindi maiinis kung iniwan kang nagsasalita mag isa?! Kakainis toh!

“Eh pano ang slow mo maglakad, kung saan-saan ka pa kasi tumintingin”, sabi niya at pumasok na sa sasakyan niya. Ngayon ko lang napansin ang sasakyan niya. OYYYY!! Chaka siya naka-Lamborghini! Rich kid ang putspa!!

“Kahit naka-Lamborg kapa, di parin maiaalis na suplado, at hindi ka gentleman na klase nang lalaki!”, lakas-loob kong sabi sa kanya dahil hindi naman niya maririnig yun. Pumasok na ko sa sasakyan at nagulat ako dahil nakabukas pala ang bintana niya sa driver seat! Narinig niya kaya ako? Hindi nalang ako umimik at umaktong walang sinabi habang nagmamaneho siya.

Ilang minuto lang ang lumipas at nakarating na kami sa bahay, nagulat pa ako nung una na alam niya kung asan ang bahay namin pero baka nakapunta na siya dito sa bahay dahil sinabihan nga siya ni Daddy na sunduin ako. There in the same field naman so hindi na rin siya imposible na close sila.

“Salamat”, sabi ko sabay baba sa sasakyan niya.

“Ako na ang susundo sayo mula ngayon”, sabi niya bago sarhan ang pinto nang sasakyan niya.

“Good noon ate Letty”, bati ko sa isang kasambahay namin na kasundo ko, mas matanda lang kasi siya sa akin nang isang taon.

“Oy Zannia! Andito ka na pala, pumunta ka muna sa kusina at may pagkain akong inihanda sayo doon. Wala pa si Maam at Sir, at si Angelo naman ay tumawag kanina at nangamusta.",sabi ni ate Letty habang kinukuha ang bag na dala dala ko.

Pumunta na ako sa kusina dahil nakaramdam ako bigla nang gutum. Pagkatapos kong kumain ay pumunta na ako sa kwarto ko sa taas. Malaki ang kwarto ko kasi may sarili akong banyo roon at medyo malaki ang walk-in closet ko. Pagpasok mo sa kwarto ko makikita mo agad peach queen size bed sa gitna na pareho nang sa mga Disney princesses na may mga maninipis na kurtina sa gilid. Sa right side nun may maliit na side table na may nakalagay na lampshade and alarm clock, tapos sa malayong tabi nun ay ang kulay gray na couch and sa gilid nun ay may whole-body size mirror. Sa left side naman nang kama ay ang pinto papuntang CR. Sa left side nang kama, sa harap nang couch ay nandoon ang walk-in closet ko and at last ay yung vanity table sa malayong gilid nang pinto sa left side.

Pagkatapos kong maglinis nang katawan ay humiga na ako sa kama para makapagpahinga tsaka wala naman na akong gagawin kasi Saturday naman na bukas at walang pasok. Bigla ko namang pumasok sa isip ko yung sinabi ni Henry kanina bago ko naisara yung pinto nang kotse niya.
Siya na susundo sa akin? Mula ngayon? So it means palagi ko nang makikita ang pagmumukha nang gwapo pero supladong lalaking yun? Da pack!

_______
HAPPY READING!

The Maiden's Tears (ON HOLD)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu