"Good Morning Miss Cresia, kanina pa po naghihintay sayo si Ma'am Tanja sa taas" bungad sakin ni Aya, pagkapasok ko pa lang sa cafe.
Siya ang bagong sekretarya ng Cafe Land na itinayo naming magkakaibigan. Yes, its been years to finally make our dreams into reality. Sa totoo lang hindi parin ako makapaniwala na narito na kami ngayon at tinotoo ang lahat ng mga imahinasyon namin noon.
I just nod at her and greet her too.
Nasa taas ng cafe ang aming maliit na opisina. Tatlo kaming magka sosyo nitong cafe land na itinayo namin. Si Tanja at Ria parehong mga matatalik ko na kaibigan noon pa man.
"Good Morning" bungad ko sa kanila at nakipag beso pagkapasok ko sa opisina.
"Na'late ka yata ngayon?" sabi ni Tanja.
"Ah may binili lang ako dyan sa bagong mall" sagot ko sa kanya
"Nagawa mo na ba ang order ni Miss Almacen para bukas?" tanong ni Ria na papunta naman saking upuan ngayon.
" Tatapusin ko pa mamaya yung mga cupcakes, madali nalang yon. Bakit?"
"Oh that's nice, kasi may nagpapagawa ng buffet nung sweet cupcakes for children's party raw" sabi ni Ria
"Okay, kailan daw ba?" tanong ko
"Wow, napaka sipag naman ni Miss Single" mapanuyang sabi ni tanja
Inismiran ko lang sila.
Lagi naman silang ganito sakin simula ng dumating ako galing abroad. Iwan ko ba kung trip lang nilang inisin ako o ano.
Mag iisang buwan palang ako dito. Bukod sa isa ako sa may ari ng cafe nato, tumutulong rin ako sa pagbi'bake. Sa ngayon, ako ang gumagawa ng mga orders especially yung sa mga bagong offers namin like carrot cake at almond cake. Mayroon namang trained na tauhan kaso may mga bagong offers kaya ako muna dun at tsaka ko na sila ititrain ulit kagaya ng dati.
"Alam mo ang gwapo ng tumawag kanina for reservation" gigil ni ria
"Wow, nakita mo?" sarkastikong panuya ni tanja sa kaibigan
"Alam mo, ang sarap mong tirisin. Edi syempre, yung boses ang tinutukoy ko" sagot niya
At mas lumapit sakin tinataas taas ang dalawang kilay parang tanga talaga. Tumawa nalang kami ni Tanja.
"Kung mas gwapo yun sa personal, landiin mo na para naman sa susunod anim na tayong nagdi'date" sabi ni ria at tatawa tawa pa.
"Bababa nako, tapusin ko lang yung orders" sabi ko at binalewala yung pang aasar nila sakin tungkol sa tumawag kanina.
"By the way, mamayang hapon yung meet up niyo. Dito lang sa cafe" habol sakin ni Ria
Tumango lang ako sa kanya at bumababa na para maipagpatuloy ko yung natitirang cupcakes na gagawin.
Pagkapasok ko sa kitchen, kinuha ko agad ang apron at nagsuot ng hairnet.
"Good Morning Ma'am Cresia" bungad ni buddy isa sa mga gumagawa ng products namin dito sa cafe.
Siniko agad sya ni Ysa, "Miss nga, di pa naman kasal si Miss Cresia" at ngumiti sakin.
Okay naman talaga sakin na tawaging Ma'am or kahit ano, ito kasing si Tanja pinagsabihan yung mga empleyado dito na dapat "miss" ang itawag nila kasi wala pa naman daw akong asawa at dalagang dalaga pa raw. Hays.
Ngumiti nalang din ako sa kanila, at sinimulan na namin yung cupcakes. Sabi ni Miss Almacen bukas daw ng umaga kukuhanin ang lahat ng to. Kaya marami pa kaming time tapusin to.
Lunch time na ng natapos namin yung orders. Pumunta nako sa taas. Dito kami kumakain pag tanghalian. At pagkahapon naman nagseserve rin ng snack para samin.
YOU ARE READING
The Streams of Waterfalls (SAMAR SERIES)
Teen FictionCresia is a jolly person and was admired for having a lot of talents. She lives in a family that everyone loves to have. An adventurer girl that lives in a place where falls, beaches and springs were majestic. Her life seems to be carefree and almos...
