''Pinipigilan mo pa eh. Ilabas mo na 'yang kilig mo, maihi ka pa diyan.'' Asar sa'kin ni Jhersel.

Nawala agad ang kilig sa katawan ko at ang pagkagat ko sa labi ko ay napalitan ng simangot nanaman.

''Jhersel, stop it.'' Sabi ni Blake.

''Tol, I'm just kiddin'. Like she's really gonna pee there,'' Sabay tawa nito.

''Where's Jade?'' Tanong ni Blake na ikina simangot agad ni Jhersel.

''Oh please, tol. Don't mention that name again!'' Inis na sabi nito.

Tumawa naman kami ni Blake.

As if on cue, biglang dumating si Jade na naka-bagpack at hingal na huminto sa harap namin.

''Hi Ate Kylie! Hi Kuya Blake! Omg! Sweet niyo talagang dalawa!'' Kinikilig nitong sabi saamin.

Tumawa naman ako.

''Thank you, Jade!'' Sabi ko sakaniya.

Hindi naman kumibo itong lalaking nakaakbay saakin. Tumingin ako sakaniya at nakita kong nakatingin din siya saakin. Agad akong umiwas ng tingin. Grabe makatitig 'tong isang 'to!

''Hi Jhersel sweety!! Date tayo!'' Masayang sabi ni Jade kay Jhersel at hinatak-hatak ang braso nito.

Nairita naman agad si Jhersel.

''Don't wanna, kid.'' Sagot nito at pumikit.

Patuloy siyang kinulit ni Jade at panay naman siya sa pagbusangot at pagtanggi.

Tawa lang kami ng tawa ni Blake.

''Punta na kami dun kila Doms, tol ah? Enjoy your date with Jade.'' Sabi sakaniya ni Blake.

Hindi hinayaan ni Blake a makasagot itong si Jhersel dahil hinatak niya na agad ako papunta kila Doms na ngayon ay nakatingin na din kila Jhersel habang tumatawa.

''Geez! Ang cute nilang tignan!'' Tumatawang sambit ni Ericka.

''Grabe talaga 'yang si Jade. Parang kelan lang niya nakita at nakilala si Jhersel ah.'' Sabi ni Jai.

''Hayaan niyo na. Crush na crush niya si Jhersel eh.'' Ani Kinah.

Sumulyap naman saamin si Jhersel at sumenyas saamin na tuungan namin siya. Umiling naman agad ang mga kasama ko at nag-thumbs up pa sakaniya. Ako naman ay bumelat sakaniya. Hahahaha! Bilis ng karma! 

Sumulyap ako sa mga barkada ko at nakita ko si Ara na tahimik lang sa likod ni Jai habang nakatingin kila Jade. Problema nito?

''Go, tol! Chixx din 'yan!'' Sigaw ni Ian na dahilan para lumitaw ang middle finger ni Jhersel sa ere.

Tumawa pa kami lalo ng makita namin si Jhersel na bumuntong hininga at tumayo para harapin si Jade.

Nakita ko ang paggalaw ng labi niya. Nagsasalita siya. Tumingin ako kay Jade at nakita kong mangiyak-ngiyak ito. Yumuko ito at nagsalita bago tumakbo paalis.

Natigil naman ang tawanan na bumabalot saamin kaninang magbabarkada. Naglakad na papunta saamin si Jhersel ng sumisipol.

''Edi tapos.'' Sabi niya bago lapitan si John.

''What did you say to her?'' Tanong ni Blake.

''I said stop being so clingy and stop acting like she' my girlfriend. Nakakairita ang mga ginagawa niya, you know.'' Sabi niya. ''And, I also told her that she's not my type.''

Namilog ang mata naming mga babae.

What the heck?!

''What?! Bakit mo sinabi 'yun?!'' Gulat na tanong ni Kinah.

''So she'll stop chasing me?''

''Ugh! Hindi mo ba alam na masakit iyon para sakaniya? You should at least let her show how she likes you.'' - Jai

''Ayoko.'' Simpleng sagot ni Jhersel saamin.

''Explain why you don't want.'' Salita bigla ni Doms.

Jhersel look at us first before he talked.

''Dahil alam ko na sa simpleng pagpansin ko sakaniya ay bibigyan niya iyon agad ng meaning. She'll think that she have a chance. But the truth is, she don't have.'' Sagot nito.

Hindi kami nakasagot agad. Sabagay, tama siya.

"Hayaan niyo na siya guys. Tama din naman si Jhersel. Baka lalong umasa si Jade sa bawat pagpansin sakaniya ni Jhersel. Pero hindi niya alam wala siyang pag-asa." Salita bigla ni Ara kaya napatingin kami sakaniya.

Nagmouth naman siya samin ng 'What?' at umirap. Problema talaga nito?

Biglang may bumulong sa tenga ko.

''Buti na lang ako taken na. Siguro kung hindi mo ko sinagot baka may naghahabol din saakin ng ganun? Sa kagwapuhan ko ba namang ito, 'di ba?''

Napalingon agad ako sakaniya at otomatikong hinampas siya ng mahina sa braso. Oh my god! Muscles, baby! Nahawakan ko nanaman! Kyaaaah :''>

''Ang yabang mo. Bakit ko kaya sinagot ang isanng tulad mo na mayabang?''

''Simple, kasi mahal mo ko.'' Sagot niya at kinagat ang labi niya bago kumindat.

Campus QueenWhere stories live. Discover now