Chapter 39

26.8K 838 174
                                    

Umuwi ako sa condo ng umiiyak. Akala ko maaayos namin 'to. Akala ko hindi siya magmamatigas. Kahit maraming tanong ang naiwan sa isip ko, bibitawan ko na siya.

I'm hurt. Sana madali lang mawala 'to. Ang sakit sakit. Hindi ko na kaya.

Ilang oras din akong nakatulog. Nagising na lang ako ng may nagd-doorbell. Napatingin ako sa orasan ko at nakita kong 6pm na. Ang haba din pala ng tinulog ko.

"Sino 'yan?" Tanong ko at binuksan ang pinto.

Bumungad sakin si Vanessa.

"Hi!" Bati niya.

"Yo, hindi kita nakita kanina sa EU."

Pumasok siya at ako naman ay naghilamos at nagmumog.

"Maaga kong tinapos e. Tas gumala kami Chelle. Alam mo naman 'yun, uuwi daw pala kasi sila sa probinsya."

"Oh? Edi wala ka ng kasama. Aww, sadlife." Asar ko sakaniya.

"Che! Anong tawag mo sayo? Syempre ikaw na ang isasama ko."

Umupo ako sa tabi niya at binuksan ang TV. Siya naman ay binuksan ang chips na nakalagay na agad sa table ko.

"So ganun? Option lang ako?"

Ramdam kong napatingin siya sakin kaya napatingin din ako sakaniya.

"Wait, double meaning?" Tanong niya, "But no. Pano ka magiging option eh kapatid kita? Kasama na 'yun sa bonding ng magkapatid, duh." Irap niya.

Hinatak ko ng bahagya buhok niya, "Bruha! Anong kala mo sakin hindi ko 'yan alam? Alam ko 'yan. Ganiyan ginagawa namin nila Ate dati."

"Ate Kai?"

Tumango ako, "Yeah. Maka ate ka ah. Close kayo?" Tawa ko.

"Bwisit! Ang hyper mo ah. Parang hindi ka broken hearted."

Tinignan ko siya ng masama.

"Oops. Sorry!" Sabay peace sign niya.

Napatingin na lang ako sa TV. Lintek na 'yan! Bakit One More Chance pa ang palabas dito sa Cineme one?!

"Pero natanong mo na siya?"

"Nakausap ko na." Sabi ko at pinaglaruan ang kamay ko.

"Ano sabi niya?"

Bumuntong hininga ako, "Ayaw niya na daw. Nafall out of love daw siya."

"Anong sabi mo?"

Gusto kong sabihin na... sana ako na lang... ako na lang ulit.

Napatingin ako sa TV. At nakita kong umiiyak na si Bea Alonzo.

"'Yan?" Tanong ni Vanessa.

"Ate, gusto kong lumaban. Gusto ko pa. Pero ano? Siya na mismo nagbibigay sakin ng dahilan para sumuko ako."

"Pakawalan mo na. Ilet-go mo na. Siguro hindi lang talaga kayo para sa isa't isa."

Nagblur ang mata ko.

"Ate sa tingin mo ba madali para sakin na ilet go siya? Hindi. I loved him with all of my heart. Hindi nabawasan ang pagmamahal ko sakaniya simula nung naging kami. Ni katiting hindi ko hinayaan ang sarili ko. Ate masakit... masakit sobra..."

Nilapitan niya ako at niyakap.

"Parang pumasok lang siya sa buhay ko para pasayahin ako. Para mapafall ako ng sobra. At para masaktan din ng sobra sobra. Pero hindi ko 'yun pinagkakaila. I didn't regret that I loved him so much because God knows how much I treasured and cared for him. You all know..." Hagulgol ko.

Campus QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon